Chapter 24

20 3 0
                                    

"Stress eating ang tawag diyan. Ganun talaga pag bridezilla." Bulong ni Shai.

"Grabe. Ganun ba kahirap mag plano ng wedding?" Bulong rin ni Pat.

Napatigil ako sa pagkain ko at sinamaan sila ng tingin, "Akala ko ba kakampi ko kayo? Bakit ang hilig niyo pang mangasar!?" Bulaslas ko.

Shai was the first one to laugh out loud, "E kasi naman bestfriend, stress na stress iyang mukha mo habang kumakain. Nakakatawa kaya!"

"Atsaka grabe naman yang stress eating mo. Hindi ka ba tataba diyan? Lasagna, carbonara, mac and cheese, pizza, burger, fries, cotton candy, icecream, coffee jelly!" Pat pointed out.

"Bakit ba? Nakakagutom kasi mag hintay doon at tumunganga."

Yep, tunganga pa rin ako kada may meetings kami. It's now saturday, four days have passed since our first meeting for the wedding plans. Hinahayaan ko silang mag ayos, at nangingialam lang kapag trip ko. Kaya nga stress na stress sila, habang ako bored na bored kakatitig sa kanila. Hinayaan ko sila, ginusto nila ng church wedding e. Pwede naman kasi sa judge na lang, ang dami pa nilang arte, e hindi naman totoong kasalan ang magaganap. Bahala sila magsayang ng pera.

Kaya ito ako, stress eating kasi may official date na kami. Today is November 17, 2016, at ang wedding ay sa February 3, 2017. Two months preparation pa naman, kaya may two months pa akong malaya.

Actually, dapat either December or January ang wedding. Nangialam lang ako at sinabing February na kasi busy ang months pag December and January. Kaya lang itong si spawn of the monkey na nagngangalang Yael, nangialam kasi atat na atat na. Kung gusto ko daw ng February, gusto daw niya first week of the month. Ang daming alam, sipain ko siya e.

After I was done with the meals, binanatan ko naman ang mga dessert, lalo na ang cotton candies. Wala lang, feeling ko gutom na gutom lang ako.

"Snow.. hindi ka ka pa busog?" Tanong ni Shai. Pinagpatuloy na nila ang pagkain nila ni Pat. Nandito kasi kami ngayon sa condo, wala akong gana umuwi sa bahay kasi doon naman ako umuuwi after going home from uni.

"Nope." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Pat cleared his throat, "So, uhm, kamusta na nga pala kayo ni Caleb?" He knows, Shai told him. Kaming tatlo pa ba, walang naitatago sa amin.

Napatigil ako at napatitig sa kaniya sandali, at napatingin sa kamay ko.

"Hindi ko alam... hindi pa kami naguusap masiyado, e. Busy din kasi siya sa work niya."

"Oh? Bakit hindi mo i-try na mag text?" Sabi niya at napaisip ako. Oo nga, no?

With my clean hand, I picked up my phone from the table and opened my message box. I texted Caleb, 'Busy?'

I waited for a reply pero I didn't get any so I sighed and looked at them, "Wala e, baka madami pa rin ginagawa. Besides, ilang araw din siyang abse—"

*buzz buzz*

'Hi, sorry, yes, kinda. :( Miss me?'

I grinned, 'Maybe.'

'Then let's go out for dinner later night. You up?'

'Sure. Tagal na din naman natin di nagkikita. Sige na, I might be disturbing you pa.'

'You'll never be a disturbance. ;) Sige, I'll pick you up later at 8. Be ready, ok?'

'Yes boss!'

Napangiti ako at tumingin sa dalawa, na nakatingin rin sa akin at naghihintay ng sagot, "Yep, we're going out for dinner later."

"Ayun!" The two teased me and reached out to poke me.

One Night Stand (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon