Chapter 26

10 3 0
                                    

Nang makabalik si Caleb sa upuan niya ay lalo lang ako napasimangot dahil lalong tumindi ang pangaasar ng dalawa kahit sa simpleng tingin lang.

"Natahimik yata kayo?" Caleb's voice was light, as light as his happy mood.

"Wala. Doon ka na." The rest of our stay there, I gave him the cold shoulder, as I also did to Pat and Shai. Magsama sama silang tatlo, mga letseng itlog sila.

Nakita kong lalong lumapad ang mga ngiti ng magkapatid kaya umirap ako at tumingin sa labas sa bintana. Sa gilid ng mata ko nakita kong sumenyas si Shai ng 'lagot ka!' kay Caleb, at kasunod ng pangasar na ngiti ni Pat.

"Bro, sino nga pala ang tumawag sa iyo?" 'Di ata natiis ni Pat ang minsang malaki niyang bunganga.

"Ah, that," napatigil saglit si Caleb, kaya pasimple akong tumingin kina Pat at Shai, sabay binaling ang atensyon kay Caleb, "Si Patricia iyon. May sinabi lang."

"Patricia?" Pag uulit ni Pat, "Babae?"

"Malamang. Alangan naman lalaki, 'di ba? hindi naman unisex ang name na Patricia." Sarkastiko kong sabi.

At talagang iniirita ako ng magkapatid na ito, ano? Sampolan ko kaya?

"Aaah. Pre, maganda ba? Sexy? Mabait?" Sunod sunod na tanong ni Pat.

Kumunot naman noo ni Caleb, "Ha? Pare, hindi ko alam? Secretary ko yun, pare, why would I check her out? Pero mabait naman. Masunurin."

Humalakhak si Shai ng malakas kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya, "My golly! Hindi ba't ganiyan ang usong istorya ngayon na love story? Ang boss at ang secretary. Oh my gosh!"

Nagtawanan ang dalawang magkapatid kaya lalo lang akong sumimangot kung mayroon pang maiuusog ang mukha ko. 'Di na maipinta sa sobrang inis na naikuyom ko na ang aking kamao at tinignan ng masama ang dalawa. Pinaiinit niyo talaga ang ulo ko, ha!

"Hindi naman lahat ng boss at secretary nagkakatuluyan. Masiyado ka lang nagpapadala sa mga binabasa mong wala naman kwenta. Nauunahan ka ng imahinasyon mo kaya ka naeexcite ng ganiyan, kaya kung ako sa iyo, hindi ako aasa sa mga ganiyan." Sabi ko kay Shai at ngumiti ng sarkastiko ngunit may halong pait.

Magsasalita pa dapat si Caleb nang maputol siya sa isang tunog ng cellphone.

This time, it really is my phone that is ringing kaya sinagot ka na ito ng hindi tinitignan ang pangalan, "What?" I snapped.

"Saan ka? Pinapasundo ka ni tita, may cake tasting pa tayo." Yael?

"Saan mo nakuha ang number ko?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Letse! Dagdag init ulo!

"Sa mommy mo. So nasaan ka nga? Para masundo na kita. Baka ma-late pa tayo." He talks like it's the most normal thing to talk about.

Kumulo lang lalo ang dugo ko, "cake tasting? Kaya mo na yan. Kasal mo yan, gusto mo ng engrande, asikasuhin mo iyan. Wag mo ako idamay sa kalokohan mo, okay? Don't call me again because I'm blocking your number.""

"Snow, wait—" pinutol ko na ang linya bago pa siya makapagsalita muli. Tulad ng sabi ko, I blocked his number and set my phone down. But the minute I let go of my phone, tumunog nanaman ito pero ibang number na, so I answered it again but with a tone of more annoyance evident, "What!?"

"Kahit i-block mo pa ang number ko, okay lang. I've got three numbers—"

"Bye." Blocked again.

Then naka-receive ako ng text, 'Don't bother. bibili ako ng maraming sim kaya kahit i-block mo ako, I will still reach you.'

I smirked confidently and replied, 'Really? That's great. Keep going. I'm blocking you again. Bye.'

One Night Stand (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon