Ugly Duckling 7

79 3 0
                                    


UDMS 7

******

Queen's POV

"Ano? Tulaley ka na dyan?"

       Tumingin ako kay Kath pagkatapos niyang sabihin yun. Nakakawalang gana ngayong araw. Ay mali pala. Nakakawalang gana ang buhay. Palagi akong mag isa kapag may sariling trip tong mga to.

Pakiramdam ko naiwan ako sa ere

Syempre hindi ko pwedeng makasama si Panot katulad ng dati. May girlfriend na siya ngayon at ayoko naman na ako ang makihati sa oras niya.

"Hay naku! Pwede naman kasi na umamin, wala namang mawawala eh" -Lia

"Tumigil nga kayo. Ayan na naman kayo eh, sabing wala nga! Kaibigan lang!"

"Easy! Iba yung tinutukoy ko, pwede namang umamin na nagseselos ka kasi iba na ang kasama ng bestfriend mo"

         Natigilan ako ng sinabi ni Joey yun. Isa rin yun sa dahilan kung bakit ako ganito, bukod sa wala na akong bestfriend na palaging kasama, ang taong mahal ko ay may mahal nang iba. Ano namang mararamdaman ko nun di ba? Gaya nga ng sabi ko, madali lang naman magpanggap eh.

Yun naman ang parati kong ginagawa

"Oh! Nandito na pala ang lovers eh" Napatingin kami ng biglang dumating si Panot kasama si Shane

Magkaholding hands

Eh di kayo na ang sweet! Ako na ang bitter. Bakit pa kasi kailangan niyang dalhin dito ang girlfriend niya. Hindi naman kami close. Dati lang!

"Tol! Long time no talk!" Inakbayan niya kaagad ako.

Hay naku Panot. Yan ang wag na wag mong gagawin sakin. Kaya ako nahuhulog eh. Ikaw naman tong tanga hindi marunong makiramdam. Ay hindi pala. Mas tanga ako kasi nahulog ako sa bestfriend ko

Kahit na parati kong sinasabi na WALA NGA! KAIBIGAN LANG

Ngayon kinakain ko ang mga salita ko. At busog na busog na ako kasi sobrang sakit na. Ang drama ko bwisit!

"You guys wanna eat?" Tanong ni Shane

"Tara!" -Vince

"Sige ba!" -Lia

"Gutom na nga ako eh" -Kath

"Let's go!" -Joey

Nagsitayuan na silang lahat. Samantalang ako naiwan lang magisa dun. Ayoko nga sumama. Hindi naman ako magiging masaya dun lalo na kung kasama silang dalawa.

"Tol, hindi ka sasama?" Napalingon ako ng makita na bumalik si Panot para yayain ako.

Tol

Sa kada sasabihin niya sakin yang salitang yan, hindi niya alam kung gano kasakit sakin. Ano ba! Gumising ka na nga! Wag ka nang maging tanga please! Hindi niya nararamdaman ang katangahan mo kasi masaya na siya sa iba!

"Ayoko. Busog ako"

"May problema ka ba?" Tanong niya

"Wala. Sobrang okay lang ako" syempre sarcastic yun. Tanga niya na lang kung hindi niya magets yun.

"Alam kong may problema ka Bantot. Next time babawi ako sayo. Alam kong wala na akong oras sa pinakamabantot kong bestfriend"

Palagi na lang yan ang sinasabi niya sakin nitong mga nakaraan buwan. May nangyayari ba? Wala! Nakakapagod na, palagi ko na lang yan naririnig sa kanya.

Ugly Duckling and Mr. SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon