UDMS 10~***~
Queen's POV
"Hello madam! Buti bumalik ka!"
Sinalubong kami nung bakla dito sa salon. Ganito pala ang itsura ng salon. Hindi pa ako nakakapasok dito. Iniiwasan ko talaga makapasok dito noon kasi baka pagtripan ako ng mga bakla.
Si mama kasi ilang beses na akong gustong isama dito. Ilang beses din akong nagdadahilan. Ayoko naman kasi pumasok dito. Pero ngayon parang hindi nakakapagsisi.
"Just like i used to tell you Veron, kasama ko ang unika iha ko"
Syempre ngumiti ako agad sa kanya. Pero sa halip na sakin siya tumingin, sa iba siya naghanap.
"Nasan madam? Sigurado ako kasing pretty mo yun!"
"Ah eh...mali po kayo. Hindi po ako maganda"
Pagtingin niya sakin, yung kaninang mukha niya na nakangiti napalitan agad ng simangot. Psh! Alam ko naman na hindi ako kamukha ni mama pero hello! Hindi na dapat niya ipamukha sakin yun!
"Madam...hindi mo naman sinabi sakin na--"
"Na ano?" Masungit na tanong ni mama
"Na sobrang ganda ng anak mo! Ang pretty!"
Plastik.
"I need your help Veron. Turn my unika iha into a princess. Kaya mo ba?"
Wow. Parang ugly duckling lang ang peg? Ganun ba kahirap na pagandahin ako? Nu ba yan.
"Don't worry madam! Maganda naman ang anak niyo eh. Yung beauty niya ay somewhere .....deep down there! At kaya ng powers ko yan! Upo na lang kayo madam at ako ang bahala sa anak niyo"
Tumingin ako kay mama, nginitian niya ako bago siya umupo dun sa gilid.
"Upo ka muna"
"Ano pong gagawin niyo sakin?" Tanong ko
"Papagandahin muna natin yung buhok mo"
Tinanggal niya yung cap ko at tali ko sa buhok. Medyo nakakahiya kasi ramdam ko ang ganit ng buhok ko.
"Nagcoconditioner ka ba iha?" Tanong niya
"H-hindi po eh"
"Kaya pala....after nito alagaan mo sa conditioner ang buhok mo ha?"
Hindi ko naman kasi alam na kailangan mag conditioner. Ang alam ko basta may shampoo okay na. Minsan tatlong beses lang ako magshampoo sa isang buwan.
Hanep di ba?
Halos ilang oras akong nakatengga dito. Kung ano ano ang ginagawa sakin ng baklang to. Habang nakababad ang buhok ko sa gamot, may ginawa siya sa mukha ko.
"Hindi to masakit promise!" Sabi niya sakin. Habang nakaupo, nakataas lang ang legs ko habang yakap yakap ko. Alam ko na masakit yun no! Mabalbon ang legs ko at mas masakit yun kapag nilagyan ng wax!
"Wag na po ate Veron"
"Hay naku iha kahit ate pa ang itawag mo sakin hindi pwede. I need to turn you into a princess"
Si mama parang walang pakialam sakin. Nakangiti lang. Sabi niya okay lang daw yun. Mas makakadagdag ganda daw. Waaaaahhhh! Ayoko!
"Makinis naman ang legs mo eh, nakakainggit nga eh. Pero kailangan mo nito para hindi ka mabansagan na taong buhok"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Taong buhok? Benta yun ah. Sa huli, isinuko ko na ang legs ko at habang nilalagyan ng wax, sigaw lang ako ng sigaw kahit pinagtitinginan na ako.
Parang may kung anong gel siya na nilagay. Ang sarap nga sa pakiramdam. Tapos ilagyan pa nila ako ng nail art at hanep! Ang ganda ng kinalabasan!
Nilagyan niya ako ng make up. Ang kati sa mukha pero ganun talaga. Tiis ganda. Nung una ayoko magpaahit ng kilay pero sabi nung bakla pwede na daw maging kuta ng ISIS ang kilay ko sa sobrang kapal.
After ng laser na ginawa niya sa kutis ko, medyo pumusyaw ako tsaka kuminis yung balat ko. Ang sarap nga hawakan eh.
"Patapos na po ba?" Tanong ko.
"Malapit na"
"Pwede ko na po ba makita ang itsura ko?"
May inilagay ulit siya sa mata ko at labi. Pagkatapos nun saka siya humarap sakin
"Gusto mo na ba makita ang pagbabago mo?"
"Opo"
Unti unti niyang inikot yung inuupuan ko sa harap ng salamin at pagtingin ko pa lang...
Walang salitang nabuo sa mga labi ko.
Habang tinititigan ko ang magandang babae na nasa harapan ko ngayon, bigla na lang akong napaiyak. Hindi ko makilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil naghahalo ang emosyon sa loob ko.
"Veron you did a very great work! Sobrang ganda ng anak ko"
"Madam, pisikal na anyo lang po niya ang nabago ko. Ang hindi ko po kayang baguhin sa kanya ay ang mga luha niya"
Hindi ko ineexpect na makakaharap ko ang babaeng hindi ko inaakala na makita ko. Babae ako. Sa pagkakataon na to babae ako. Nagawa kong magbago at makita ang ibang side ko. Hindi ko inakala na magiging ganito ako ngayon.
Hindi naman pala talaga masamang magbago eh. Lalo na kung desididong desisdido ka na. Ngayon pakiramdam ko parang ito na talaga ako.
Komportable na ako sa nakikita ko.
"Let's go anak"
"S-san po tayo pupunta?" Tanong ko
"Bibili tayo ng dress"
"DRESS???"
Patay!
Pwede ba magback out?
******
Ugly Duckling and Mr. Swan
WayBackIntoMyHeart
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling and Mr. Swan
Teen FictionFrom being an ugly duckling into a beautiful Swan