Epilogue*******
Queen's POV
"Ang ganda mo talaga anak! Bagay na bagay sayo yung gown!" Natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Mama. Akala mo naman kasi ikakasal na ako.
"Ma, anak niyo po ako kaya normal lang na sabihan niyo ako ng maganda" sabi ko habang inilolock yung sandals ko. Buti na lang professional na ako sa pagususoot ng heels. Hindi na ako masyadong nadadapa.
Christmas ball na ngayong gabi. At kakatapos lang akong make up-an. White na gown ang suot ko ngayon. Sobrang ganda ng gown dahil si mama ang pumili nito. Hindi ko nga akam kung bagay sakin eh
"Ma'am nandyan na po si Sir King sa baba"
Sabi nung yaya namin. Nag ayos na ako para sa final re-touch ko. Marunong na din akong mag make up no! Tinuruan ako ni Mama.
Inalalayan niya ako pababa ng hagdan at ng makita ko si King, naka suot siya ng white Tuxedo na sobrang bumagay dahil sa kulay niya.
"You look very beautiful Queen"
kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako sa pagbaba ko ng hagdan. Si mama sinenyasan ako ng 'sabi na sayo maganda ka eh ayaw mo lang maniwala' look
"Tara na? Baka malate pa tayo"
Sumakay kaming dalawa sa limousine na dala niya. Medyo malapit dito yung school kaya hindi naman ako nagaalala sa traffic. Ngayon ko lang naramdaman yung excite sa puso ko dahil sa Ball na to. Dati hindi ko magawang matuwa pero ngayon, kinakabahan na ako
Isang linggo matapos ang nangyari dun sa park, hindi siya nagpakita sakin. Ni text o tawag, wala akong narerecieve sa kanya. Ganun din ako, hindi ako tumatawag o nagtetext man lang sa kanya. Hindi rin ako sumasama sa lakad ng barkada kapag kasama siya. Ayoko lang guluhin silang dalawa ni Shane. Laking pasalamat ko kasi nandito si King sa tabi ko.
Palagi niya akong tinutulungan. Pero minsan nakokonsensya na ako. Pakiramdam ko ang selfish ko para hayaan na maghirap si King kahit alam ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong i-offer.
Si Shane, galit parin yata sakin ngayon. May karapatan naman siya magalit sakin eh. Pero kinakabahan ako. Kasi after ng nangyari, ngayon ko na lang ulit sila makikita.
Lalong lalo na si Mathew
Alam na niya na mahal ko siya. Pero wala na akong pake sa nararamdaman ko. Okay na ang lahat eh. Guguluhin ko pa ba? Pagkarating namin sa school, sinalubong agad ako nila Lia. Pagandahan din sila sa damit. May mga nagpapicture na akala mo artista ako. Tapos yung iba pinagbubulungan lang ako. Mamatay kayo sa inggit! Pwe! Sawang sawa na ako na majudge niyong lahat.
Mga walang magawa sa buhay
Hindi ko siya nakita. Oo hinahanap ko siya, pero mukhang di siya dumating. Ayos na siguro na hindi kami magkita. Baka kasi magkagulo lang.
Habang lumalalim ang gabi at papalapit na kami sa Christmas dance namin kasama ng mga partners namin, biglang lumapit sakin si King. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako niyakap.
"I love you Queen..."
Natigilan ako sa sinabi niya. Nasa hindi ko na kaya na guluhin ako ng konsensya ko dahil alam kong nahihirapan siya sakin.
"King...sobrang bait mo sakin. Ikaw na yata ang pinaka mabait na tao na nakilala ko pero--"
"Let me finish first... i have something to say"
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling and Mr. Swan
JugendliteraturFrom being an ugly duckling into a beautiful Swan