UDMS 14******
Queen's POV
Habang naglalakad ako papunta sa garden, tinitingnan ko lang yung decoration ng event hall para sa christmas ball. Bat hindi ko magawang maexcite? Wala akong nararamdaman na excitement sa Christmas ball na yan.
"Ay sorry!"
"Sorry i didnt mean to-- Queen!"
Napatingin ako sa mukha ng nakabanggaan ako at nagulat ako ng makita si Shane.
"H-hi.... Nandun si Panot sa bench. Hinihintay ka"
"Thanks" Naglakad kaagad ako palayo sa kanya ng marinig ko na tawagin ulit niya ang pangalan ko. Ang awkward! Bat ganun?
"Queen are you mad at me?"
Hindi Shane. Iba ang galit sa nasasaktan
"Hindi no! Ano ka ba! Tungkol dun sa insidente na nasigawan kita, sorry ha. Hindi ko sinasadya" ngayon lang kami nagusap mula ng mangyari yun at sa tuwing magkakasalubong kami nagngingitian lang kami pero di kami nag uusap.
"It's okay. I'm not mad... we're still friends right?" Tanong niya
"S-syempre naman. Sige, aalis muna ako. Bye!" Tumakbo agad ako papunta sa garden. Hindi ko alam kung bat ako na-aawkwardan kay Shane ngayon. Kung nagtataka siya sa kilos ko ngayon, mas lalo ako kasi di ko rin alam ang sagot.
Mabait si Shane. Kung sa bait lang naman ang uusapan, nabiyayaan siya bait. Nasakin lang talaga ang problema. Siguro nadamay lang siya dahil naisaksak ko sa kokote ko na siya an gusto ni Panot.
Wag kang magalala Shane, pag nakalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Panot, pwede na ulit tayong maging magkaibigan. Yung walang halong hiya sa isat isa.
Pagdating ko sa garden, dun ko nakita si King. Nakatalikod siya at parang nagslow mo sakin yung bigla niyang pagharap. Kung mas nauna lang kitang makilala
Siguro ikaw ang mahal ko
"Kanina ka pa?" Tanong ko
"No, at kahit kanina pa ako i'm willing to wait just for you"
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Grabe naman tong tao na to magpakilig. Nakakaihi!
"Queen, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, will you be my date on this coming Christmas ball?"
Parang may mga fireworks sa dibdib ko ang biglang nagsi sabog dahil sa narinig ko. Ganito pala ang pakiramdam na tanungin at ayain ka ng isang lalake na makasama sa isang ball.
Ngayon ko lang naramdaman ang pagiging babae at respeto ng isang lalake sakin. Pero bakit ganun
Bakit kahit gaano ako kasaya parang may kulang?
Yung masasabi ko na masaya ako pero....pero hindi. Ang hirap sigurong ipaliwanag at mahirap din maintindihan.
"May problema ka ba?" Tanong niya
"King... ikaw ang unang tao na nagtanong sakin ng ganyan. Pero..."
"Pero?....you don't want to go with me?"
"No! Hindi... I mean...pwede mag isip muna ako? May pupuntahan lang ako. Dito ka lang muna" aalis na sana ako pero bigla niya akong tinawag.
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling and Mr. Swan
Teen FictionFrom being an ugly duckling into a beautiful Swan