UDMS 13*****
Queen's POV
Maaga akong nagising, pupunta kasi ako ngayon sa school. Required kaming lahat na kahit christmas break ay pumunta ngayon araw sa school para magpalista sa magaganap na Christmas ball sa 23 ng gabi.
Hindi ko balak pumunta, wala akong hilig sa mga ganun. Si mama kasi! Nakabili na ng gown ko. Maganda naman yun gown as in! Pero hindi ko hilig ang mga ball na yan.
Tsaka final exam na namin yun kapag naka attend kami sa christmas ball. Wala pang nag aaya sakin na maging partner nila sa most awaited Christmas dance. Wala naman akong pake kung wala talagang mag aya sakin eh. Ayos lang. Dati kasi hindi ako umattend. As in ngayon lang ako pupunta sa ball.
"Ma, maglalakad na lang po ako. Bye"
"Hay naku Anak, hindi ako papayag. Masusunog ka ulit niyan kapag naglakad ka sa ganyan kainit na araw. Ang puti puti mo na oh! Ipapahatid na kita sa driver natin"
Natawa na lang ako kay mama. Sumakay kaagad ako ng kotse at habang papunta kami sa Campus, nagearphones na lang ako at kunwari nasa isa akong music video. Psh! Ano ba yan! Ang drama ko!
Pagkababa ko, dumeretcho kaagad ako sa registration office. Hindi ko alam kung bat pinagbubulungan ako ng mga to. Para naman silang nakakita ng multo. Psh!
Ang haba ng pila. Nakakainis!
"Miss, ikaw na muna oh" nagulat ako dun sa lalake na biglang lumapit sakin at ibinigay yung registration form na hawak hawak niya.
"Naku kuya okay lang"
"I insist. Ladies first"
Pakiramdam ko gusto kong magtatalon sa harap ng mga to. Ngayon ko lang narinig sa isang tao ang ganung mga salita lalo na yung salitang
Ladies first
Hindi naman kasi ako lady noon sa kanila eh. Isa lang akong di hamak na tomboy na palaging kinadidirian dahil sa dugyot kong itsura.
"Salamat"
"Walang anuman, magiingat ka"
Nginitian ko na lang yung lalake. Hindi ko naman siya kilala pero ang bait niya sakin. Yung ibang mga kaklase ko na dati hindi ako pinapansin kanya kanyang hi at hello sakin
*ting*
Binuksan ko kaagad yung phone ko. Nagchat sa group namin si Lia. Sabi niya magkita kita daw kami ngayon sa bench. Syempre pumunta ako kaagad. Hindi ko alam na magkakasama pala sila dun.
Pagdating ko, nakita ko sila kasama si Panot. Teka, nasan si Shane? Himala. Di na naman niya kasama
Hindi ko siya tiningnan. Iniwasan ko ang mga tingin niya sakin. Naaalala ko kasi yung sinabi niya sakin kahapon. Hindi ko maiwasan na magalit dahil dun.
"Uy! Kanina pa kayo dito?" Nilapitan ko silang lahat at saka umupo sa tabi ni Kath.
"Hanep ka friend! Hair flip lang diyosang diyosa na ang dating mo!" -Joey
"Sino ba naman kasing magaakala na ang isang ugly duckling ay isa palang princess?" -Kath
Natawa na lang ako sa kanila. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig eh. Hahaha!
"Guys! Cracklings oh" umupo sa tabi namin si Vince at pagkalagay na pagkalagay pa lang niya ng chips sa table, sabay kaming dalawa ni Panot na nagpasok ng kamay sa loob ng chips.
Nagkatinginan lang kaming dalawa tapos yung apat hindi nagsasalita
"Guys spell awkward?" Tanong ni Vince
"Sige na, ikaw muna" sabi niya sabay tanggal ng kamay niya
"Nawalan na ako ng gana. Kayo na lang"
Napatingin ako sa phone ko ng makita na tumatawag si King. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapangiti. Lumayo ako ng konti sa kanilang lima at saka ko sinagot yung tawag niya
[Hi My Queen]
"Ikaw talaga King, teka...hindi ka ba pupunta sa school?" Tanong ko
[i am already here...busy ka ba?]
"Hindi naman. Nasan ka?"
[i'm here at the library. Magkita tayo sa garden]
"Sige, wait. Papunta na ako" Nilapitan ko kaagad silang lima.
"Gus, pupuntahan ko muna si King ha? Babalik kaagad ako"
"Awwww! Ang sweet! King and Queen, perfect match! Kayo na talaga ang destiny. Sige go ka na!"
Umalis kaagad ako at dumeretcho sa garden pero bago pa ako maka alis nagulat ako ng may biglang humila sakin
"M-mathew?"
Yung tingin niya, seryosong seryoso habang nakatitig sakin.
"Galit ka pa ba sakin?" Tanong niya sakin
"H-hindi na. Ano ka ba, bestfriend mo ako kaya hindi ko magagawang magalit sayo. Sige, bye! Alis muna ako" Iniwan ko siya dun habang nakatayo aa gitna ng hallway.
Totoo naman yung sinabi ko eh. Hindi ko kayang magalit sa kanya kasi bestfriend niya ako. At ang bestfriend hindi kayang magalit sa kaibigan niya...Pero hindi ko sinabi na hindi ako nasasaktan. Kasi ang totoo?
Sobrang sakit na
At ang nararamdaman kong to ang hindi ko mapigilan kahit anong gawin ko. Ayoko lang maging komplikado ang buhay ko kapag sinabi ko sa kanya na nasasaktan ako. Masaya na siya eh, susuportahan ko na lang siya.
Bestfriend eh... Ganun talaga
******
Ugly Duckling and Mr. Swan
WayBackIntoMyHeart
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling and Mr. Swan
Novela JuvenilFrom being an ugly duckling into a beautiful Swan