UDMS 12*****
Mathew's POV
"Himala! Hindi mo yata kasama si Shane ngayon"
Umupo ako sa bakanteng upuan dito sa paborito naming tambayan. Magiisang linggo na matapos ang sembreak. Ngayon lang ulit ako nagkaron ng oras para makasama tong mga to.
Ngayon na lang ulit ako nagkaron ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na ginagawa ko dati. Si Bantot hindi nagpapakita samin. Palagi siyang wala pag pinupuntahan ko siya sa bahay nila. Sabi ng ni Tita Adet yung mama ni Bantot, nasa derma daw si Bantot.
Nagbibiro ba siya?
Kelan pa nauso kay Bantot ang derma? Mangyayari yun kapag puti na ang uwak. Tapos minsan kaya siya wala sahil may pinuntahan daw siya at may kasama na lalake. Siguro yun yung lalakeng kasama niya dati habang kumakain sila.
"Oh? Tutunganga lang tayo ngayon?" -Lia
"Topic naman dyan oh! Para may pagusapan tayo" -Vince
Nakakawalang gana. Wala kasi si Bantot at wala akong maasar. Nakakamiss din yung mabahong dun. Matagal na rin na hindi ko naaamoy ang kili kili nun dahil puro mabango lang naman ang naamoy ko.
"Guys! Pupunta si Queen dito!"
"Talaga?!!" Napatayo agad ako sa kinauupuan ko ng marinig kay Kath yun. Namiss ko na nga talaga siguro ang babaeng yun.
"Excited? Halata eh"
"So pupunta nga siya?"
"Oo nga! Chilax ka lang!"
Umupo na kaming lima. Kanya kanyang hawak ng phone at kanya kanyang trip. Si Shane may ginagawa ngayon kaya hindi ko kasama. Palagi na lang siyang nagagalit sakin. Medyo nakakapagod na rin minsan kasi puro na lang kami away.
Kasalanan ko naman kasi talaga. Psh! Ayoko nang pagusapan
"Sorry ngayon lang ako nakapunta"
natigilan kaming lahat ng may babaeng nakatayo sa harapan namin
Maganda....
at nakakatulala ang itsura niya.
Nanlaki na lang ang mata ko ng marealize na si Bantot ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Yung mga mata namin walang kumukurap. Nakatitig lang ako sa kanya na parang siya lang ang taong nakikita ko wala nang iba
Anong nangyari sa kanya?
Pero hindi yun ang gusto kong masagot ngayon. Sa naging reaksyon ko at sa ikinikilos ko, ang tanong na gusto ko lang masagot ay
Ano bang nangyayari sakin?!
******
Queen's POV
"Huy! Ano? Bat nakatulala kayo?"
Hindi pa rin sila gumagalaw at parang titig na titig sakin. Pati si Bantot nakatitig lang sakin.
Awkward
Siguro nga malaki ang pinagbago ko. Ngayon ko lang sila nakita na maging ganyan sakin eh.
"QUEEN!"
Dali daling tumayo yung apat at pinuntahan ako.
"My gad ang ganda mo friend!"
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling and Mr. Swan
Genç KurguFrom being an ugly duckling into a beautiful Swan