UDMS 9*****
Queen's POV
"SEMBREAK NA!!!! YESSS!"
Pagpasok ko pa lang, dumeretso na kaagad ako sa kwarto ko. Humiga sa kama at saka kinuha ang PSP ko at saka naglaro ng GTA. Dati ganito lagi ang gawain namin ni Panot. Ngayon ako na lang ang gumagawa nito magisa. Dapat nga masanay na ako kasi dalawang buwan na ang lumipas.
"Anak, nandito ka na pala"
"Opo ma, nasan po si Daddy?" Tanong ko
"Nasa trabaho pa. Anak ayos ka lang ba?"
Umupo ako sa kama. Pati si mama napansin niya na hindi ako ayos. Pero syempre magaling ako magpanggap.
"Opo naman ma. Bakit naman po ako hindi magiging okay?"
"Hindi na masyadong pumupunta si Mathew dito, nag away ba kayo?"
"Hindi po ma, busy lang po siya. May girlfriend po kasi yun si Panot eh. Nakalimutan niya na yata na may bestfriend siya" Nilapitan ako ni mama at umupo din siya sa tabi ko.
"Anak kung may problema ka, nandito lang si mama okay? Ikaw ang unika iha namin ng Daddy mo at ayokong nasasaktan ka. Pwede kang mag open up sakin"
Unika iha?
Naisip ko lang, gustong gusto akong baguhin ni mama noon. Nagagalit ako sa kanya kasi parang hindi niya ako gustong makita habang ganito ako. Pero habang tumatagal, saka ko lang narerealize na tama pala siya.
Hindi naman masama magbago eh. Ano bang pipiliin ko? Ang pagpapakatotoo kahit hindi ako komportable o ang pagbabago kung saan magiging komportable ako?
Hindi naman ako magbabago talaga eh. Panlabas lang ang maiiba sakin pero ako pa rin naman to eh
"Sige lalabas muna ako anak"
"Wait ma..."
Napatigil si mama sa paglalakad at humarap ulit sakin
"Ma, p-pwede niyo po ba ako tulungang magbago?" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Anak totoo ba yung narinig ko?"
"Opo ma, gusto ko pong magbago. Pwede niyo po ba akong tulungan?" Nginitian niya lang ako. Niyakap ako ni mama at sabay harap sakin
"I still love you kahit ano ka pa man anak. I am proud of who you are. Pero gagawin natin ang makakapagpasaya sayo."
Ngayon, gusto kong gawin ang bagay na makakapagpasaya kay Mama lalong lalo na sakin. Panahon na nga siguro para magbago. Gustong gusto ko na maramdaman na isa akong babae. Hindi yung nilalayuan ako ng iba dahil sa pisikal kong anyo. At kapag natapos ko na ang pagbabago na gusto kong mangyari. Sisimulan ko nang baguhin
....ang nararamdaman ko para sa kanya
*****
Ugly Duckling and Mr. Swan
WayBackIntoMyHeart
BINABASA MO ANG
Ugly Duckling and Mr. Swan
Teen FictionFrom being an ugly duckling into a beautiful Swan