ENCHANTED

191 16 4
                                    

Kabanata 1

Malakas ang sigawan sa loob ng gymnasium nang maipasok ang bola sa ring bago magkaroon ng violation. Lalong lumakas ang hiyawan dahil doon sa manlalarong nagawang i-shoot ang bola kahit naging mahirap ang sitwasyon bago niya ito maipasok sa ring. Why? Ang nag shoot lang naman ay ang captain ball ng team engineering na si Trigger Arellano. Guwapo, matalino, sikat sa buong eskuwelahan lalo na sa mga babae at magaling na manlalaro. Ngunit nakatutok lang ang mga mata ni Greece sa iisang tao na nandoon sa court.  Jake Villasis. For her, si Jake ang pinakamagaling sa lahat ng player na nandoon, at sa isip niya Trigger would not make it if not because of Jake, dahil magaling ang ginawa nitong pag pasa ng bola, ito dapat ang hinihiyawan ng tao. Aba! matindi din ang ginawang depensa ni Jake para hindi maagaw ng kalaban ang bola, kaya dapat ang pangalan nito ang isinisigaw ng audience.

She took a deep breath before she stood up in her seat. “Jake! Ang galing mo talaga! You’re the best Jake!” Dahil hindi pa tapos ang mga babaing nagsisigawan para kay Trigger,  hindi man lang narinig ang kanyang sigaw.

“Ano ka ba namang babae ka, hindi naman si Jake ang naka shoot. Kaya huwag ka ngang sumigaw diyan.” Mukhang naiinis na ang kaibigan niyang si Charity dahil sa ingay ng lugar. Well, knowing Charity, hindi talaga ito mahilig sa sports, ito lang ang nakaladkad niyang kasama dahil may ginagawa ang ibang kaibigan niya. Ganoon din naman siya, hindi siya nanunuod ng basketball pero mula noong nalaman niyang naglalaro din si Jake ay nanunuod na din siya. Pero ang laro lang ni Jake ang pinapanuod niya, she didn’t care about other players, kay Jake lang talaga.

“Chat, hindi magagawang i-shoot ng lalaking iyon ang bola kung hindi dahil kay Jake.”
Bumalik ulit ang tingin niya kay Jake, kahit pawisan na ito ay napakagwapo pa rin nito. Crush na crush niya ang binata. Hindi na ito nawala sa isip niya mula nang makita niya ito sa library. Marami siyang crush sa school, pero nang araw na iyon nawala ang paghanga niya sa kanyang mga crush, at napunta lahat kay Jake. Pagkatapos lang ng ilang araw, marami na siyang nalaman tungkol dito, unang una na doon ay ang pagiging single nito. She was really happy after knowing that. Nalaman din niyang matalino ito at president ng engineering department. Mabait, friendly, approachable, guwapo, charming at higit sa lahat, bagay na bagay talaga sila.

Such a perfect fine man for me.

One day, she’s going to introduce her self to him. Pati ang marubdob na paghahangad dito ay sasabihin din niya. Sa ngayon, mag iipon muna siya ng lakas ng loob at tahimik munang papangarapin ito.

Nagsigawan ulit ang mga tao, sa pagkakataong iyon ay si Jake na ang naka-shoot kaya napasigaw din siya.
“Jake! I love you na talaga!” She didn’t care if she’s going to have a sore throat after the game, ang mahalaga ay na express niya ang nararamdaman niya para dito. Buong giting pa rin niyang isisigaw ang paghanga kay Jake. Hindi nga lang siya nito narinig, pero okay lang.

And then suddenly, Jake turned to her side and gave his most popular smile, iyong ngiting kakayanin mong i-announce sa buong mundo na sasakupin mo ang buong planeta upang ibigay dito. That’s how she felt right at that moment.

Hinampas niya ng bahagya ang katabi. “Hoy, Chat, nakita mo iyon? Nginitian niya ako!” Handa na siyang harapin si San Pedro dahil sa ngiting iyon ni Jake para sa kanya, kung hindi lamang sa epal niyang kaibigan.

“Yeah, I saw that, I think he smiled at me too, and to those girls in front of us, and to those at the back I think.”

Inirapan lang niya ang kaibigan. Sana nanood na lang siyang mag isa, kesa naman kasama ang salbahe niyang kaibigan. Pero hindi bale, ang mahalaga ay ang ngiting iyon ni Jake para sa kanya. It was all that mattered to her.
Natapos ang laro at nanalo ang team engineering against team accountancy. Close ang laro, at talagang nagpahirapan ang mga team para manalo.

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now