Enchanted 7

33 5 0
                                    

Kabanata 7
“Next month na ang school foundation. Im sure that would be a busy month. Anu-ano nanaman kaya ang pakulo ng mga estudyante this year?”
Nagmo-monologue yata si Trigger. Nagsasalita itong mag isa. Alangan namang si Greece ang kausap nito? Busy siya sa pag aayos ng mga libro.
Nasa office nanaman ng student council si Greece. Hahayaan sana niyang magsalita itong mag isa nang bigla siyang  may maalala. Nilapitan niya ito.
“Payagan mo iyong nag-request ng marriage booth.” Nakangiti siya habang nakaharap dito. “Pagkatapos, hulihin mo si Jake. Magpapakasal kami.”
“Hindi ka na talaga natuto. Jake will never like you. Inindian ka na nga niya sa date niyo, bakit ayaw mo pang magising diyan sa panaginip mong ‘sa ngalan ng pag-ibig’ at Greece-Jake loveteam?” Tumawa pa ito ng malakas. “You’re hopeless.”
Hindi na siya nakatiis. Sinuntok niya ito, pero mabilis ang kumag, nahawakan nito ang kamay niya.
Tumaas ang kilay nito. “I’ll tell you a little secret, black belter ako sa tae kwon do, Miss. Kaya hindi ako tatablan niyan.”
Binawi niya ang kamay niya. Ayaw na ayaw niyang dumidikit ang balat niya dito dahil sa kakaibang epekto nito sa kanya. Para bang may mumunting kuryente siyang nararamdaman.
“Aalis na ako.” Tumalikod na siya nang hawakan siya ulit ni Trigger sa kamay. Mabilis niyang piniksi ang kamay para bitawan siya nito.

(I swear, may kuryente sa kamay niya!)

“Hindi ka pa tapos. Maglinis ka muna,” sabi nito bago siya bitiwan.
Wala naman siyang nagawa kundi sundin ito. Kinuha niya ang walis. Weird, pero parang may naramdaman siyang lumilipad. Tumingala siya. Wala naman. Pagtingin siya sa sahig ay naestatwa siya.
“Aah!”
“Anong sinisigaw mo diyan?” Lumapit ito sa kanya. “Hoy, ano bang—Oh ano yan?!”
“Ipis! Bakit ngayon ka lang nakakita niyan?” Sigaw niya dito. Ipinasa niya ang walis dito at nagpunta siya sa likod nito. “Dali, pukpukin mo ng walis!” tinutulak naman niya ito ngayon. “ Paluin mo ng malakas.”
“ O-oy, wait! Why me?” sigaw din nito sa kanya.
“Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang gumawa,” sigaw niya ulit.
Pinasa nito ang walis sa kanya. “Kayo itong sumisigaw ng gender equality tapos pag nasa alanganing sitwasyon kayo, saka niyo sasabihing dahil kami ang lalaki?” pumunta ito sa likod niya at siya naman ang tinulak nito. “Go, hit it with the broom. Hit it hard.”
Tila nag-eenjoy naman ang ipis sa pag-aaway nila ni Trigger. Naroon pa rin ito sa sahig.
“Ang galing mong mangatwiran. May nalalaman ka pa kaninang tae kwon do. Takot ka naman pala sa ipis!” gusto niyang pagtawanan ito kung hindi lang dahil sa ipis na—“Aah! The cockroach. It’s gone!”
Nagkatinginan silang dalawa. Kung anong itsura niya ay ganoon din ito. She could have laughed at him, kung hindi lang ito biglang sumigaw.
“Its on the broom! Its on the broom!”
“Aah!”
Napasigaw nanaman siya. Binato niya dito ang walis.
Umiwas naman ito. “Whoa! Sira ka ba?” sigaw nito sa kanya.
Biglang bumukas ang pinto. “What’s the noise all about? Dinig na dinig kayo sa labas.” Nakakunot ang noo ni Ruan. Ang president ng student council.
Nakagat niya ang kuko niya. “Ahm, Im out here. Bye!”
"Hey Greece, you're not yet done here!" Sigaw ni Trigger na hindi na niya pinansin.
“Diyan ka na, hanapin mo iyong nagteteleport mong ipis,” mahinang sabi niya palabas ng opisina.
Nakangiti siya nang makalabas sa pinto. Hindi matanggal sa isip niya ang mukha kanina ni Trigger. Ang cute nito habang nagpapanic sa isang ipis.
"Sira ulo talaga ang impaktong iyon," napailing niyang sabi habang hindi matanggal ang ngiti sa labi at hindi din matanggal sa isip niya ang mukha ni Trigger kanina.
******************************************************************************************

“I’ll wait here at the parking area. Dalian mo.”
“Yes, Your Grace.” Kausap ni Greece sa kabilang linya si Trigger. “Palipad na ako papunta diyan. In 2 seconds makikita mo na ako.”
Lately ay parang nasasanay na siya sa ugali ni Trigger. Mula noong ito ang naging date niya imbes na si Jake, medyo gumaan na ang loob niya dito. Hindi na rin siya nito masyadong inuutusan ng mga walang kwentang bagay. Minsan na lang, pag bored ito. But, she must admit nag eenjoy na rin siyang kasama ito. Hindi nga maalis sa isip niya ang nangyari kanina sa office ng student council. Natatawa siya kapag naaalala niya ang itsura nito kaninang takot ito sa ipis.
“Trigger, its over between us. We both know that. I have to go.”
Iyon ang eksenang naabutan niya. Kausap ni Trigger si Arianne, his ex-girlfriend. Lumapit na siya kay Trigger nang umalis na ang babae. Tahimik naman itong pumasok sa loob ng kotse nito, kaya tahimik din siyang sumunod dito. May ilang minutong hindi sila nag imikan sa loob ng kotse.
Huminga muna siya bago magsalita. “If you want, I can talk to her. Sasabihin ko sa kanya na lumabas kayo minsan.”
Tinignan siya nito ng sandali. “Kaya ka napapahamak, masyado kang pakialamera.” Walang halong galit o pang iinis ang boses nito.
Mukhang gusto pa rin talaga nito si Arianne. Hindi siya sanay na nakikitang ganoon si Trigger. Mas gusto niyang makita itong nakangiti o tumatawa kapag naiisahan siya nito. Gusto niya sanang matulungan ito pero ayaw nito. Pero ayaw talaga niyang nakikita ito na malungkot.
Pagdating nila sa condo nito ay diretso siya sa TV. Tawa siya ng tawa sa pinapanuod niyang The Replacement. Mapupugto yata ang hininga niya hangga't hindi natatapos ang palabas na iyon.
“Magluto ka ng dinner. Para kang sira diyan. Hindi ka nagmamature, dahil diyan sa mga pinapanood mo.”
“Sandali lang ‘to. Grabe, mauubusan ako ng tawa kay Dick.” Kinawayan niya si Trigger. “’Lika, manood ka muna dito. Laughtrip ang cartoon na ‘to. Magpa deliver ka na lang— Ano ba?” Pinatay kasi nito ang TV. “Tandaan mo ‘to, nasa hate list na kita. Number 1 pa!” panggagaya niya sa character ni Tazumi.
“Grow up, Greece,” sabi nito.
Tumayo siya at namaywang. “May karapatan akong manood ng cartoon na gusto ko dahil…dahil… dahil may karapatan ako!” Sigaw niya na hindi naman nito pinasin dahil nakatalikod na ito. “Ang yabang mo. Ikaw nga, hindi mo makausap ng maayos iyong ex-girlfriend mo.”
Pumihit ito paharap sa kanya. He looked intently to her. Mukhang tinamaan ito sa sinabi niya. *Oops*
“Magluto ka na. In 15 minutes dapat kumakain na ako.” At nagtungo na sa kwarto nito.
“15 minutes? Baliw ka pala eh!”
“Anong sabi mo?” hindi pa pala ito nakakapasok  sa loob.
“Wala! Sabi ko hinding hindi kita babatuhin ng remote.” Tumayo na siya.

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now