Kabanata 5
"What is it this time?" Iritableng tanong ni Greece, kausap niya sa cellphone si Trigger. "Puwede ba? Kumakain pa ako kaya tantanan mo ako." Binabaan niya ito ng tawag.
He was really getting into her nerves. Pikon na pikon na siya dito. Wala itong patawad! Kahit weekends niya ay pinepeste nito.
Hinatid siya nito sa boarding house niya noong sabado, nalaman nitong apat silang nagsisiksikan sa isang kuwarto. Nilait pa tuloy siya nito, mahirap daw siya pati mga kaibigan niya. Naalala pa niya ang sinabi nito.
"Kung gusto mo, doon ka nalang tumuloy sa bahay ko. Free lodging iyon."
"Yeah right, so you can make fun of me everyday and night. Jerk! Sayo na 'yang bahay mo."
"I was just extending help here. I'll see you tomorrow."
Nagtaka siya. "Linggo bukas."
"I know. May task ako sayo bukas." Pagkatapos ay umalis na ito.
"Hayop ka talaga Trigger!"
Tinawagan nga siya nito kinabukasan para lang utusan siya nitong mag-grocery, pati sa hardware ay pumunta siya para bumili ng pako at alambre. Nahihiya tuloy siyang naglalakad habang dala ang isang plastic ng grocery at alambre. Pagdating niya sa condo ay may inutos ulit ito. Nakalimutan daw nitong ilista ang fresh milk na iniinom nito tuwing umaga, bumalik siya sa convenience store na inis na inis at hindi maipinta ang mukha. At kahit alas nuwebe ang klase niya ngayong umaga ay pumasok pa rin siya ng alas syete. Inutusan siya nitong maglinis ng opisina ng student council, vice president pala ito. Buti na lang at wala pang mga tao doon. Ngayon naman ay iniistorbo siya nito sa pagkain niya. Gusto nitong pumunta ulit siya sa office nito.
"Wala talagang magawang matino ang ungas na 'yon." Naiinis siya habang kumakain ng spaghetti. "Titinidorin ko na talaga ang mata niya." Tinusok tusok pa niya ang pobreng spaghetti.
"Huwag kang magalit diyan sa pagkain, Greece. Bad iyan." Sinaway nanaman siya ni Charity.
Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. "Trigger is worst! He's nothing but a good for nothing evil." Dammit! But she couldn't wait for this one month tyranny to end. "Baka mamatay ako sa sama ng loob na ibinibigay ng sira ulong iyon."
"Don't say that Greece. You dragged yourself into this. Pero huwag kang magpapatalo kay Trigger." Sabi ni Lianna, habang ngumangata ng french fries. "Fighting! Hoy Magnolia, bumili ka ng French fries mo."
"Huwag ka ngang madamot Yana. Sabi ni God 'Love thy neighbor'." Then Maggy turned to her. "May maitutulong ba kami sayo Amanda Greece? Feeling ko wala. Kaya tatagan mo na lang ang sikmura mo, remember, si Trigger ang magpapalapit sa iyo kay Jake-your soul mate. Chat, 'penge niyang cake mo."
Oo nga pala. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawa si Trigger kundi ang buwisitin siya. Para kay Jake, titiisin niya lahat ng kabaliwan ni Trigger.
(Isinusumpa ko yan sa ngalan ng buwan!)
And speaking of the devil himself. Naroon na ito sa mesa nila.
"What? You got nothing better to do with your time?" Pambungad niya dito habang nanlilisik ang mga mata niya.
"What do you think are you doing?" Tanong nito habang naniningkit ang mga mata nito.
Tiningala niya ito habang nakaupo. "Kumakain. Ano sa tingin mo?" Nawalan nanaman siyang ganang kumain pagkakita sa taong ito. Malamang na may ipapagawa nanaman ito. "Kumakain din kasi kaming mga tao. Alam mo 'yon? Syempre hindi. Monster ka eh."
"I told you to come to my office."
(Aba't sakmalin kaya itong taong 'to?)
"I told you to wait 'til Im done here." Ginaya niya ang tono nito. Pati sa harap ng kaibigan niya ay inuutusan siya nito.
"Mukhang may nakakalimutan ka, Miss Amanda Greece Suarez. Let me just remind you. You're life is in my hand." Ngumiti ito. "Jake is just around-"
Napatayo siya. "Ano ba kasing kailangan mo?" Asar, kapag ginagamitan na siya nito ng ganoong tono ay naaalarma na siya.
Nilapag nito ang isang folder na may mga lamang papel. "Idikit mo iyan sa mga bulletin board. Announcement iyan para sa General Assembly ng mga freshman." Parang hari nanaman itong mag utos.
"Bakit ako pa, anong silbi ng mga kasama mong gumawa niyan?"
"Nandiyan ka naman. Why bother them?"
Uminit nanaman ang bumbunan niya. Kung kaya lang niya ay hinambalos na niya ito ng mesa. Makukuntento na talaga siya sa buhay niya basta makita niyang nakabalandra ito sa sahig. Mula nang makilala niya ito kung anu-ano ng bayolenteng bagay ang naiisip niya, baka parusahan na siya ni Lord.
"Bilisan mo ang pagpapaskil niyan, puntahan mo ako sa basketball court pagkatapos. And when I said quick. I mean quick." Pagkatapos ay umalis na ito.
Bumalik siya sa upuan. "That beast!"
"He's a jerk." Walang kagatol gatol na sabi ni Yana.
"And a heartless pig." Pagsang ayon ni Chat. "With a capital H. Hmm, i-capital na lang natin lahat."
"And a good for nothing scumbag!" Nag pause pa sandali si Maggy. "But amazingly handsome. Bagay sa kanya." Gumana nanaman ang trademark nito.
Tinignan niya ito ng masama. "Ikaw Magnolia ha, huwag kang magkakagusto sa taong iyon kung hindi... itatakwil kita sa Earth!"
"Don't worry, Greece dear, sayong sayo si Trigger." Tumawa pa ang bruha.
******************************************************************************************
YOU ARE READING
ENCHANTED
RomanceDahil sa katalinuhan at pagiging pakialamera ay naisalba ni Greece ang pangarap niyang Greece-Jake loveteam. Ang kaso, hindi pa natatapos ang isang araw at ang selebrasyon niya, nabuko na siya. Nahuli siya ni Trigger, malapit na kaibigan ni Jake. Bi...