Enchanted Last Chapter

58 5 0
                                    

Kabanata 10

"Wow. May condo na, may sariling bahay ka pa," namamanghang sabi ni Greece habang papasok sila ni Trigger sa bahay nito.
Akala niya sa condo sila pupunta, nagulat na lang siya nang dalhin siya nito sa isang malaking bahay na iyon na pagmamay-ari nga nito. Gaya ng napagkasunduan nila, magiging slave siya ulit nito pero ayon kay Trigger, sandali lang. Ayos lang naman sa kanya kahit matagal, basta makasama niya ito. Kaya lang parang hindi naman na interesado sa kanya si Trigger.
"Ako mismo ang nagdesign nito. Kami din ang gumawa ng mga kasamahan ko," pagmamalaki nito.
Napangiti siya pagkatapos ay tinignan niya ito. "Alam mo, Trigger. Masaya ako sayo. Sa mga na-achieve mo. You were really a jerk back then, pero alam kong magaling ka. Look, kilala ka na ng buong bansa."
"Ikaw ba talaga 'yan? Or Im just hearing a thing?" He asked in a teasing voice.
"Seryoso ako. Im...proud of you."
Ngumiti na din ito kay Greece. "Nasanay lang kasi ako dati na palagi kang nakasimangot sa akin habang pinagbabantaan palagi ang buhay ko." Pagkatapos ay seryosong tumingin sa kanya. "Tell me, galit ka pa rin ba sa akin dahil sa pambubwisit ko sayo dati?"
"Dati. Gusto ko ngang kalbuhin 'yang kilay mo, eh. Pero ngayon hindi na. Isa pa, hindi naman galit ang naramdaman ko sayo dati, inis lang dahil ang lakas mong mang-asar. At kung ano man ang ipapagawa mo ngayon, okay lang. Gusto kong makabawi sayo, sa pagbibintang ko dati. Sorry," sincere niyang sabi.
"Okay. Anyway, nag-enjoy naman ako kasama ka."
Alam niyang pinagkatuwaan lang siya nito dati. Pinagtripan lang siya ni Trigger, pero abnormal na nga talaga siya dahil masaya siyang malaman na nag-enjoy ito kasama siya, kahit ganoon lang ang tingin ni Trigger sa pinagsamahan nila dati.
"Ikaw?" Nilingon siya nito, bigla ay parang ayaw na niyang itanong dito kung-"Galit ka pa rin ba sa akin?" Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.
"Sino bang may sabing galit ako sayo?" kunot-noong tanong nito.
Napatitig siya dito. Totoo kayang hindi nagalit si Trigger sa kanya sa kabila ng pagbibintang niya dito? Nang hindi siya makapagsalita ay tumalikod na ito.
"Tara na, umpisahan mo na ang bumawi sa akin."
Tahimik niya itong sinundan. Sa garahe siya nito dinala, kung saan makikita ang tatlong kotseng alam niyang nagmamahalan sa presyo. At pupusta siyang pagmamay-ari lahat ito ni Trigger.
Kinuha nito ang tool box, at nilapitan ang itim na Audi. Nagtataka naman siyang sumunod dito.
"Ah... Are you going to ask me to fix your car?" Namamanghang tanong niya.
"No, I would never let you do that to my babies." Itinaas nito ang tool kit. "Hindi ka naman mekaniko, tutulungan mo lang akong ayusin itong kotse ko."
"Hindi ka din naman mekaniko ah." Kinuha niya ang tool box at binuksan iyon. Habang ito naman ay nag-umpisa ng humiga sa silong ng kotse.
"Engineer ako, kaya alam ko ang gagawin," mayabang nitong sabi. "Iaabot mo lang sa akin ang gamit na sasabihin ko."
"Okay." Kahit ang totoo, hindi naman pamilyar sa kanya ang mga gamit na nasa tool box.
(Writer nga kasi ako. Papel at ballpen lang ang kilala ko.)
"Flashlight," sabi nito nang makaupo na siya sa semento.
Inabot niya ang flashlight. "Anggaguwapo ng mga kotse mo, kakarag-karag naman yata," pang-aasar niya na hindi naman nito pinasin.
Hindi niya alam kung anong ginagawa nito sa silong pero parang gusto niyang sumunod doon para makipagsiksikan din dito.
(Ang landi mo!)
"Wrench," sabi ulit nito, na hindi agad niya narinig dahil nasa isip pa rin niya ang paghahangad na sumiksik din doon sa kinaroroonan nito.
(Okay lang lumandi. Basta si Trigger ang lalandiin!) Mahina siyang napahagikgik sa naisip.
"Greece, iyong wrench." Naputol ang kalandian niya nang magsalita ito at bahagyang kalabitin nito ang binti niya.
"Ha? Anong... ano ba dito iyon?" Tanong niya habang iniisa-isang tinitignan ang mga gamit. Screw driver lang ang kilala niya sa mga naroroon, hindi pa nga siya sigurado kung tama siya. "Uy, ano ba dito iyon?" Hinila nito ang tool box at kinuha ang sinasabi nito kaninang wrench, pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang tool box.
"Ah, iyon pala 'yon," sabi niya. May sinabi sinabi pa ulit ito, na hindi nanaman niya alam kung ano at ito ulit ang kumuha. Mayamaya'y may hinihingi ulit ito.
(Ano nanaman kaya iyon?)
Nakangiwi niyang inabot ang gamit, na hinulaan lang niya na baka iyon ang sinasabi nito.
Nilabas nito ang ulo nito mula sa silong habang nakakunot ang noo. "Vise grip ito. Rachet ang sinasabi ko." Napikon na yata si Trigger. Parang gusto na nitong ipukpok isa-isa sa ulo niya ang mga gamit, dahil hindi naman yata niya ito natutulungan.
Napakamot siya sa ulo. "Eh, hindi ko kasi alam iyang mga pinagsasasabi mo."
Nainis na yata si Trigger sa kagagahan niya. Hindi na siya nito pinansin at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa nang hindi na siya inuutusan.
Tumayo na siya. "Ikukuha na lang kita ng maiinom."
Hindi na ito sumagot kaya umalis na siya at pumasok na sa bahay para ikuha ito ng maiinom. Pagbalik niya ay nakaupo na sa semento si Trigger at nakasandal na sa kotse nito. Obviously, tapos na ito.
Napatigil siya sa paglalakad habang hawak ang pitsel at baso. Hindi niya mapigilan ang sariling titigan ito. Pawisan na ito at marumi na ang damit pero kahit yata mukha na itong taong grasa, guwapong-guwapo pa rin ito sa paningin niya.
(Grabe, siya na ang pinakaguwapong taong grasa sa mundo.)
Napaigtad siya nang lingonin siya nito. Napangiti naman siya at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa kinaroroonan nito.
"Tapos ka na?" Tanong niya pagkaupo niya sa harap nito.
"Oo, may tinignan lang naman ako," sabi nito.
Buhos na buhos ang atensyon niya dito habang inaayos nito sa lalagyan ang mga tools na ginamit nito kanina. Nakita niya ang maruming tela na siguro ay ginamit nito bilang pampunas nito sa kamay. Bigla ay may naisip siya. Hinawakan niya iyon at nang makitang nadumihan ang daliri niya ay tinawag niya si Trigger. Humarap naman ito sa kanya.
"May dumi ka sa mukha." Kunwari ay pinalis ng daliri niya ang duming sinasabi niya. Napunta tuloy sa mukha nito ang grasang nanggaling sa kamay niya.
Itinigil niya ang paglilinis sa mukha nito kunwari nang hawakan din nito ang pisngi nito. "Ay, meron pa sa kabila." Hindi na niya mapigilan ang ngumiti nang makitang marumi na ang magkabilang pisngi nito at hindi pa rin niya tinigilan na ikalat ang dumi.
Nakahalata na yata ito dahil pinigilan nito ang kamay niya. Binitawan siya nito at tumayo para tignan sa side mirror ng kotse ang mukha nito.
Malakas siyang natawa habang ito ay nakasimangot na tumingin sa kanya. "Sabi na eh, wala ka talagang matinong gagawin," sabi nito at umupo ulit.
Siya naman ay hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. "Bagay naman sayo eh. Tara dagdagan pa natin."
Natigil siya sa pagtawa nang hilahin siya nito. Lumakas ang tibok na puso niya dahil sobrang lapit na ngayon ng mga mukha nila. Para din siyang naestatwa dahil hindi niya magawang igalaw ang katawan palayo dito. Lalo siyang hindi makagalaw nang dahan nitong ilapit ang mukha nito sa kanya.
(Shocks! Hahalikan ba niya ako? )
Napapikit tuloy siya at handa ng salubungin ang labi nito nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang mukha at marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi. Napamulat siya nang may maalala. Ang mukha ni Trigger na ngiting-ngiti ang natunghayan niya. Lalo niyang nakumpirma ang kutob nang tumawa ito.
Tumayo siya upang tignan ang ginawa nito sa pisngi niya. "You jerk!" Sigaw niya nang makitang marumi na din ang mukha niya.
"Now, your name suits you very much. Grease, grasa." Binuntutan pa nito ng malakas ng tawa ang sinabi nito.
"Sira ulo. Greece iyon!" Kinuha niya ang maruming tela at ibinato dito, na walang kahirap-hirap nitong nasalo at ibinato naman nito pabalik sa kanya, habang malakas pa rin ang tawa nito.
Napangiti na lang siya habang nakikita niyang tumatawa ito. Tumatawa ulit ito dahil sa kanya, kahit mukha siyang ewan dahil sa ginawa nito. Masaya siyang nakikita itong tumatawa ng ganoon.
"Mukha ka din namang taong grasa." Sabi niya at nagumpisa na ding samahan ito sa pagtawa.
It feels so great lauhghing with him again, like the way they used to do before. Those are the times that she wont trade for anything in this world.
******************************************************************************************
"Ano nanaman ang iuutos mo?" Tanong ni Greece kay Trigger.
"Last task mo na'to, Greece. Linisan mo lang itong condo ko tapos mamaya, we'll do the interview."
Lihim siyang nalungkot. Huling araw na niya pala itong makakasama ng ganoon. She would like to stay close to him, even that means being slave to him again. Pero pagkatapos ng araw na iyon, babalik ulit siya sa mundo niya. Tatanawin niya ulit sa malayo si Trigger.
"Okay." Tinungo niya ang lugar kung saan makikita ang mga panglinis.
"Greece..."
Muntik na siyang mapatili dahil sa bulong na iyon. Paglingon niya ay mukha ni Trigger na sobrang lapit sa kanya ang tumambad sa kanya. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghahamapas sa balikat at sa dibdib nito.
"Aray!A-aray!" Sabi nito habang sinasalo ang kamay niya. "Aray ko!Uy tama na!"
Hindi naman siya tumigil sa paghamapas. "Buwisit ka! Akala ko aatakihin ako sa puso dahil sa gulat!"
"Aray ko! Sabing tama na eh." He finally caught her hand, and pulled her towards his body.
Para naman siyang bumangga sa pader. Nang magpumiglas siya ay lalo siya nitong hinila, tuloy ay magkayakap na sila ngayon. Tiningala niya ito para talakan ulit pero hindi na niya naituloy dahil nakayuko ito sa kanya, at halos magdikit ang labi nila. Lumakas ang tibok ng puso niya nang ngumiti ito.
"L-let go of me," sabi niya habang inilalayo ang mukha sa mukha nito. She was worried he could hear the fast beating of her heart.
"No. You'll hit me again if I did."
Pero kailangan na siya nitong pakawalan bago pa siya tuluyang atakihin sa puso.
"No. I wont hit you again." Napalunok siya at mas lalong natuliro nang tinignan nito ang labi niya. "I...Ah. Promise."
(Pambihira huwag mo akong akitin dahil mahina ang puso ko!)
Nakahinga siya ng maluwag nang pakawalan siya nito. Kinuha niya ang walis para ihampas ulit dito.
Nakailag naman ito agad at nasalo ang walis. "Whoa! Sabi mo hindi mo na ako hahamapasin?"
"Baliw ka talaga Trigger. Ano bang sasabihin mo at may nalalaman ka pang bulong-bulong sa tainga ko?"
"Sasabihin ko lang sana na aalis lang ako, puntahan mo na lang ako kapag tapos ka na." Sabi nito pagkatapos ay tumalikod na.
Naiwan naman siya habang pinapayapa ang sarili. Sinimulan na niya ang paglilinis, gaya ng dati hindi naman siya masyadong nahirapan dahil malinis naman ang condo nito. Umupo siya sa couch nang matapos siya.
Pakiramdam ni Greece ay nagbalik siya noong college, noong mga panahong halos malagas ang buhok niya dahil sa pang aasar ni Trigger noon. She can still remember those days, vividly, those times when she was pissed off, while he did nothing but to laugh at her miseries. Those times, when she was secretly looking at him when he wasn't looking at her. Para siyang nagbalik sa dati. Pero hindi na niya maramdaman na naasar siya dito ngayon.
Tapos na siya, pero gusto pa niyang manatili doon sa bahay nito. Namiss niya iyon. Four years ago, she was a part of his condo, she was a part of his life. Pero dahil sa kakitiran ng pagiisip niya ay nawala ito. Kuntento naman siya kahit maging magkaibigan lang sila noon, but she pushed him away.
May mahal na kaya si Trigger? Sino? Si Arianne pa rin kaya? Nagkabalikan ba sila? Now she felt miserable. Bakit ba nagpadalus dalos siya noon? Naiyak siya sa mga naiisip niya.
Tumayo na siya. "Hay, bakit ko pa ba naiisip ang mga ito?"
Pupuntahan na niya si Trigger. Kung iyon na ang huling araw na makakasama niya ulit ito, okay lang. Aalagaan na lang ulit niya ang basag niyang puso. Nakaya niya naman iyon ng apat na taon. Kaya makakaya niya ulit iyon ngayon. Ganyan talaga ang buhay ng nagmamahal.
(Tuloy ang laban!)
******************************************************************************************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now