Kabanata 6
Pinapunta siya ni Trigger sa condo unit nito. Wala silang pasok dahil linggo, kaya heto nanaman siya galit nanaman.
(Isang araw nanaman akong pagti tripan ng mokong na’to. )
“Ano nanaman ang ipapagawa mo sa ‘kin, Your Highness?” Mataray na tanong ni Greece.
“Mag linis ka dito.” Sabi nito habang umiinom ng ice tea.
Hindi man lang siya nito inalok. “Ha? Eh, mukhang malinis pa naman dito ah.” Tinignan niya ang buong lugar. Ang laki ng unit nito. “Hindi pa nito kailangang linisin— what the heck?“
Tinapon kasi nito sa sahig ang iniinom nitong ice tea.
“What the heck are you doing?” Naguguluhan niyang tanong.
Tinignan siya nito. “Now it looks dirty. O, maglinis ka na.”
Sikmuraan kaya niya ito? “Malala na talaga ang sakit mo. Magpatingin ka sa doctor. O kaya sa pari na lang, baka may sapi ka.” Somosobra na talaga ang kabaliwan ng isang ito. “ Saan ang mga panglinis?”
Nilapit nito ang mukha nito sa kanya, sobrang lapit na halos magdikit ang ilong nila. “I. Wont. Tell. You.” Pagkatapos ay ngumiti ito.
May kakaiba siyang nararamdaman habang nakatingin ito sa kanya. Parang hindi siya makahinga. Angganda ng mga mata nito sa malapitan. Kulay brown. She also felt something when his breath reached her face.
Lumayo siya dito. “Lumayo ka nga sa akin. Dukutin ko ‘yang mata mo eh.” Hinaplos niya ang braso niya, parang tumayo ang mga balahibo niya.
Tumalikod na ito. “Ayusin mo ang paglilinis. Aalis lang ako sandali, dapat tapos ka na pagdating ko dito. Kumain ka kung gusto mo.”
“Nakawan ko kaya itong bahay mo?” Pangaasar niya.
“Subukan mo lang, sasabihan ko iyong guard na icheck ka bago ka umalis.”(Haay! Mapapatay talaga kita!)
Sinimulan na niyang hanapin ang mga panglinis. Hindi naman siya nahirapan sa paglilinis, may vaccum cleaner kasi. Isa pa, talagang malinis ang unit nito. Cozy and very manly. Pati ang kwarto nito ay malawak. Humiga pa siya kanina sa napakalambot na kama, amoy na amoy doon ang pabango nito. Parang nakakaadik ang amoy. Buti nga hindi siya nakatulog doon.
“Buti naman tapos ka na.” walang ganang sabi ni Trigger. Nakabalik na pala ito siya naman ay nakaupo sa couch.
“Oo, ano pang iuutos mo? Baka gusto mong pati kotse mo ay linisin ko?” nakasimangot niyang sabi dito.
Natawa ito.“That would be nice, but no. I won’t let you messed up with my car.” Itinaas nito ang dala nitong pizza. “Kumuha ka ng juice.”
Pagbalik niya dala ang juice ay kumakain na si Trigger. Tumabi siya dito at nilagyan niya ng juice ang baso pagkatapos ay ibinigay dito. “Bibigyan mo naman siguro ako niyan ‘no?” Hindi na niya hinintay na sumagot ito, kumuha na siya ng isang slice. “Ang sarap.” Tumingin siya dito at naningkit ang mga mata niyang tinanong ito. “Kanina may napulot akong lipstick sa kwarto mo. Nag uuwi ka ba ng babae dito?”
“Alangan namang lalaki ang yayain ko dito, di ba?” Tumingin ito sandali sa kanya pagkatapos uminom ng juice.
Kung ganoon ay nagyayaya talaga ito ng babae doon.(Girlfriend kaya niya?)
Kung sino man ang babaing iyon ay baliw ito.
(At kung sino man ang babaing magkakagusto sa Trigger na ito, ipapasagasa ko sa truck! )
******************************************************************************************“Someday, I’ll be living in a big old city, and all you’re ever gonna be is mean, yeah!” pakanta kanta pa si Greece. Papasok na siya ngunit dahil hindi niya kasabay ang mga kaibigan niya ay lalakarin nalang niya ang papunta sa eskwelahan medyo malapit lang naman ang tinutuluyan niya doon. Pag kasama niya ang mga kaibigan niya saka lang sila magta taxi, para hati-hati sila sa bayad. Maaga pa naman, hindi siya male late. Nilabas niya ang face powder niya para tignan ang mukha niya. “Someday, I’ll be big enough so you can’t hit me and all you’re ever gonna be is me—Aay kabayo!“
Muntik na siyang matapilok dahil biglang may bumusinang kotse sa tabi niya. Isang guwapong nilalang ang nakatunghay sa kanya mula sa bintana ng kotse nito.

YOU ARE READING
ENCHANTED
RomanceDahil sa katalinuhan at pagiging pakialamera ay naisalba ni Greece ang pangarap niyang Greece-Jake loveteam. Ang kaso, hindi pa natatapos ang isang araw at ang selebrasyon niya, nabuko na siya. Nahuli siya ni Trigger, malapit na kaibigan ni Jake. Bi...