Enchanted 8

44 4 0
                                    


Kabanata 8
“Ang ganda ng sister mo,” sabi ni Greece kay Trigger. Nasa Tagaytay sila noon dahil ikinasal ang nakakatandang kapatid nitong babae. “Nandito ba si Arianne? I thought I saw her here.”
“Pinsan niya ang groom,” walang ganang sagot ni Trigger.
Tinignan niya ito. He looked very handsome in his black suit. Talo nito si Chase Crawford ng Gossip Girl.
Napatingin siya sa mga nagkakagulong mga brides maid at iba pang mga dalaga.
“Uy, sasali ako!” Ihahagis na ng bride ang bouquet.
“Ikakasal na ako!” sigaw niya nang nasalo niya ang bouquet. “Hay, paano na ang pag aaral ko nito?” natatawa niyang sabi. Napailing lang habang nakangiti si Trigger sa kanya.
Nadisappoint siya dahil hindi ito sumali sa pagsalo ng garter, naroon lang ito kausap ang ama nito. Pero mabait ang tadhana, sa tapat nito lumanding ang garter. Halos mapasuntok siya sa ere nang makita ang garter. Wala itong choice kundi pulutin iyon. Lumapit ito sa kanya para isuot ang garter. Hindi niya mapigil ang pag ngiti habang nakayuko ito sa paanan niya. Pagkatapos nitong isuot ang garter sa kanya niya ay hinawakan nito ang kanyang kamay para itayo siya. Naramdaman niya ulit ang mumunting kuryente mula sa kamay nito na dumaloy sa kanya. Dati, nagugulat siya doon pero hindi na ngayon. In fact, she liked it very much now.
“Kiss!” sigaw ng mga tao.

(Nice folks… so, so nice of you…)

“O, kiss daw,” sabi niya dito. Tinignan siya nito at ngumiti. Akala niya ay hindi nito gagawin pero nang lumingon siya ulit dito ay saktong malapit na ang mukha nito sa kanya. He gave her lips a quick kiss. Nag init ang mukha niya, pero hindi naman matanggal ang ngiti sa kanyang mga labi. Napatingin siya sa mga tao nang pumalakpak ang mga ito. Then she saw Arianne looking at them.
“Bakit mo ‘ko hinalikan kanina?” Nakangiting tanong niya kay Tigger. Nasa kotse na sila pabalik na sa Manila.
“I don’t remember kissing you,” sabi nito nang hindi lumilingon sa kanya.
Natawa siya. “Sus!Nahiya pa to. Gusto mo ipaalala ko sa ‘yo?”
“I was supposed to kiss your cheek. Bigla kang humarap so I ended up kissing you in the lips.”
Napasimangot siya. “Hindi ko sinadya iyon ah,” depensa niya. Biglang may naalala siya. “Did you kiss me because Arianne was there?”
Nadismaya siya nang hindi ito sumagot. Tama ang hinala niya. Dahil kay Arianne kaya siya nito hinalikan. Bakit ba siya nalulungkot? “Trigger, what if a long the way, you fall in love with me?”
Natawa ito. “Ano nanamang joke iyan?”
“What if nga lang eh,” pagpipilit niya.
“Well, if that happens, Im going to see a doctor.” Ngumiti ito sa kanya. “Sigurado kasi ako na nababaliw na ako.” Pagkatapos ay malakas itong tumawa.
Kinurot niya ito sa braso. “Pag sa’kin nangyari iyon, tatalon na lang ako sa bangin.”
Sabay pa silang tumawa dahil sa naisip niya. Why it felt so good everytime he laughed like that. Lalo na kung siya ang nagpapatawa dito. Baliw na nga siya. Nageenjoy siyang kasama ito, kahit palagi siya nitong inaasar. Madalas din silang magkuwentuhan, nagtatawanan pa sila pagkatapos.Then she realized, Trigger wasn’t that bad at all.
******************************************************************************************

“Okay ‘Tay, tatandaan ko po iyan. Huwag kayong mag alala mahal pa rin kayo ni Nanay,” pagbibiro niya habang kausap sa cellphone ang kanyang ama. “Miss na miss din namin kayo kaya iyong tsokolate ipadala niyo na.”
Binalikan niya ang pinaplantsa niyang mga damit ni Trigger. Niyaya ion g mga kaibigan nitong magbaskteball. Siya naman ay naiwan dahil sa mga damit na pinaplantsa niya. Ewan, pero hindi na niya magawang magreklamo sa mga inuutos nito. She was much happier to oblige. Magtatatlong linggo na siyang slave nito, pagkatapos ay tatantanan na siya nito. A part of her didn’t want it to end. She liked being with Trigger.Kaya sa tuwing may pagkakataon na makasama niya ito ay sinusulit niya.
She must be out of her mind. Sinong tao ang nasa matinong pagiisip para magpatuloy sa pang aalila nito? Praning na siguro siya. Minsan ay nakakalimutan na niyang ginagawa niya iyon para kay Jake. Matindi pa din naman ang crush niya kay Jake pero, siguro nagkakagusto na din siya kay Trigger.
Binalewala niya ang huling iniisip.
“Aha!” Ano kaya kung sumunod siya sa mga ito? “I have a feeling that Im going to see Jake.” Para siyang baliw na kinakausap ang sarili. Tinigil niya ang pamamalantsa. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng Gatorade. Pagkapos ay humanap siya ng face towel. “Ang talino ko!”
Pagdating niya sa park ay nilapitan siya agad ni Trigger. “Hoy, bakit ka nandito? Di ba pinagpaplantsa kita?”
“Bakit mo naman siya pinagpaplantsa pare?” Tanong ni Jake. Nagpapahinga pa ang mga ito bago ituloy ang paglalaro.
“Katulong ko kasi siya,” sabi ni Trigger.
“Katulong ka diyan.” Humarap siya kay Jake. “Tinulungan kasi ako ni Trigger kaya heto, tinutulungan ko din siya. Ikaw din Jake if you need my help, call me. I’ll be there in a heartbeat.” Abot hanggang mars yata ang ngiti niya dito.
“That’s so kind of you, Greece. Pero saka na lang, mas kailangan ka ata ni Trigger. Anyway, Im sorry about our date. I’ll make it up to you next time.” Ngumiti muna ito sa kanya bago bumalik sa court.
Nakasunod ang tingin niya dito habang pinupunasan ang balikat ni Tigger. “Oh yeah, next time.” Nilingon niya si Trigger. “Hoy. You heard that? Next time daw.”
“Naniwala ka naman diyan.” Inagaw nito ang face towel. “I'll be there in a heartbeat,” panggagaya nito sa kanya. Ininom na nito ang dala niyang Gatorade.
Napatingin nanaman siya dito. Bakit kahit pawisan na ito ay ang lakas pa rin ng appeal nito? Parang ang bango bango pa nitong tignan. Bakit ba parang perpekto ito?
( Haay, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?)
Binawi niya ang tingin niya nang lumingon ito sa kanya.
“Listen, dapat ako ang i-cheer mo.”
“Huh?” Nagtatakang tanong ni Greece.
“Pangalan ko dapat ang isigaw mo. You get that?”
“Huh? Why would I do that? Si Jake ang—“ she stopped when he gently poked her nose.
“Basta. Lagot ka sa ‘kin pag hindi mo sinigaw ang pangalan ko.” Ngumiti ito sa kanya. Kinindatan pa siya nito bago bumalik sa laro.
Nagtataka siya habang sinusundan niya ito ng tingin. Si Trigger ba iyon? May nalalaman pa itong pakindat kindat sa kanya. Nginitian pa siya nito. Ito lang daw dapat ang i-cheer niya. Parang bata. Pero cute. Natawa siya ng mahina at hinanda ang sarili para isigaw ang pangalan nito.
“Go Trigger! Beat their butts. I’ll give you a free kiss and massage if you win!” Sigaw niya. He looked at her and gave her a very sexy smile. Sexy smile talaga?
You bet!
******************************************************************************************

“Are you sure you don’t want to drink?” seryosong tanong sa kanya ni Tigger. Kitang kita sa mata nito ang lungkot.
“Ah, hindi na. Ikaw, maglalasing ka talaga diyan?” tanong ni Greece.
Hindi ito sumagot. Pinagpatuloy lang nito ang pag iinom. Kanina sa eskwelahan ay sinubukan nitong kausapin ulit si Arianne. But Arianne just left after saying ‘sorry’. Now Trigger is getting wasted. Siguro nga ay mahal pa rin talaga nito si Arianne.
Inalalayan niya ito papunta sa kama. Trigger couldn’t walk. Halos matumba sila kanina, nauntog pa nga siya sa pinto. He was really wasted. Tulog na ito habang pinupunasan niya ito ng basang bimpo. Hindi niya alam kung bakit nalulungkot din siya. Ayaw niyang nagkakaganito si Trigger. He should stop wasting his time with Arianne. She will just push him away everytime he gets near. Ang sarap tuloy batukan itong si Trigger.
Nakakaasar talaga ang buhay. Bakit ba kailangang magkagusto tayo sa taong hindi naman tayo ang gusto? Much more sa taong iba ang gusto? Tulad ni Jake, si Melody talaga ang gusto nito. At ngayon, si Trigger.
“Baliw ang Arianne na ‘yon, Trigger. Kaya layuan mo na lang siya. Nagsasayang ka lang ng oras sa kanya. Hindi ka nga dapat nagkakaganyan. Look around you, may mas nababagay sa iyo.”
( Look at me instead.)
Napabuntong hininga siya. Ayan, inamin na niya. May gusto na nga siya dito. Pero hindi niya makumbinsi ang sarili na simpleng gusto niya lang ito. She touched his face. “Gusto mong kantahan kita?” huminga siya ng malalim. “When you see your life in someone else’s eyes. That’ what you get, that’s what you get. So you see, this world doesn’t matter to me. I give up all I had just to breathe the same air as you ‘till the day that I die. I can’t take my eyes off of you.”
She was on the verge of crying. Gusto? No, it’s more than that. There’s something deeper than that. And it’s scaring her. Natatakot siyang malaman kung ano iyon.
******************************************************************************************

“How can you do this to me, Trigger?” Mahinang sabi ni Greece.
Papunta siya sa opisina ng student council para puntahan si Trigger. She was very angry. She was furious. Kanina ay kinausap siya ni Jake. Alam na nito ang pangingialam niya sa sulat nito kay Melody, pati ang pagpapadala niya ng sulat dito. Nagalit ito sa kanya. Hindi siya makapagsalita habang kausap siya nito. Simpleng ‘Im sorry’ lang ang nasabi niya dito. Hindi niya ito natanong kung sino ang nagsabi dito . Si Trigger lang ang nasa isip niya. Paanong nagawa ni Trigger iyon sa kanya?
Pumasok na siya sa opisina. Nag iisa doon si Trigger.
“You’re just in time. I was just thinking about you. May iuutos ak—“
“You beast! Are you happy now? Galit na sa akin si Jake. Thanks to you!” Nanginginig siya sa galit. “Mula umpisa ay sinunod ko ang gusto mo. I should have known you were just tricking me from the start.”
Nabalot ng pagtataka ang mukha ni Trigger.
“I don’t know what you are saying, Greece.”
“Oh yeah? Shut it Trigger. Sinabi sa akin ni Jake na kaibigan niya ang nagsabi sa kanya. Sino pa bang kaibigan niya ang nakakaalam ng ginawa ko?”
“Wala nga akong sinabi sa kanya.” Galit na sabi din nito. “Mahalaga pa rin ba iyon sa iyo? Wala namang gusto sa iyo si Jake.”
Pumatak na ang luha niya sa sinabi nito.
“Oo!” she shouted. “Alam mong si Jake lang ang dahilan ko para sakayan ang mga kapritso mo.  Kung bakit pinagtyatiyagaan kong kasama ka. You know so well why I agreed with all this crap. Ngayon paano na ako magugustuhan ni Jake?”
Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon na hindi niya mapigilan ang maluha sa harap nito.
Tumitig ito sa kanya. “This is nonsense. Calm yourself and go back here so we can talk properly.”
Marahas niyang pinunasan ang luha. “I thought I can trust you.” Her voice cracked. “Nagkamali ako sayo, Trigger Arellano.”
She turned away. She can’t bear seeing him any longer, dahil baka masaktan pa niya ito. Sa lahat ng ginawa nito sa kanya ito ang pinakamasakit sa lahat. Hindi niya inakalang sasaktan siya nito ng ganoon katindi.
Napatigil siya nang magsalita ito. “I keep my word, Greece.”
Nilingon niya ito. Pumatak ulit ang luha niya. “I want you out of my life, Trigger.Im sicked and tired of you. Of all your games.” Then headed off with tearing eyes and a broken heart.
Dapat siguro noong una pa lang ay umamin na siya kay Jake bago pa dumating sa puntong ito. Nasasaktan niya hindi lang dahil sa mga sinabi ni Jake kanina. She felt like Trigger stab her back. She was stabbed by the one she trusted the most. Ang totoo iyon ang ikinasama ng loob niya. Ang panloloko sa kanya ni Trigger. Pagkatapos ng lahat, isa pa ring laruan ang tingin nito sa kanya. Wala siyang halaga dito.
Kung ganoon, ano ang mga naramdaman niyang pagmamalasakit nito sa kanya dati?
Ilusyon niya lang marahil ang mga iyon.
“You are such a jerk, Trigger.”
******************************************************************************************

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now