Kabanata 9
Mabilis ang pagtakbo ni Greece, kailangan maabutan niya ang elevator bago ito magsara. She dove in, nakapasok naman siya, naipit nga lang ang paa niya at muntikan siyang mapasubsob sa lalaking kasama niya sa elevator.
“Oh, what a stunt. Mabilis ka pa lang tumakbo, Greece,” natatawang sabi nito sa kanya.
Matamis siyang ngumiti dito. “Syempre naman Ridge, palagi kong naeenhance ang running skill ko tuwing papasok ako sa trabaho.” Inayos pa niya ang damit niya.
Napailing ito. “Siguro late ka nanaman.”
Syempre hindi niya aaminin iyon. “Hindi ako nale late sa trabaho. Dahil mabilis akong tumakbo.” Ilang sandali pa ay nakarating na siya. She winked at him as she stepped out of the elevator.
Inayos niya muna ang buhok bago pumasok sa main office. Sa mga nagdaang panahon ay hindi nagbago ang hairstyle niya. Medyo humaba naman ito ng kaunti.
“Fifteen minutes and 23 seconds. Greece, nabeat mo ang record mo kahapon.” Ngumiti sa kanya ang nag-iisang tao sa loob ng opisina. “Yesterday you were thirteen minutes and 10 seconds late.”
Angbongga talaga ng editor in chief nila pati seconds ay alam nito. “You were just too early Jionne. Hindi naman aalis itong opisina mo.”
Napailing lang ito. “Bakit ba hindi kita magawang sesantihin?”
Ngumiti siya dito. “Maganda kasi ako.”
Nagtatrabaho siya bilang assistant editor sa isang kompanya ng magazine. Isa't kalahating taon na siya doon, at kahit madalas siyang malate ay hindi naman siya nito tinatanggal o pinapagalitan. Siguro dahil kaibigan naman niya ito. Dati, isa lang siyang staff writer, salamat sa pagtyatiyaga niya at sa guwapong Jioone Pineda na ito ay napansin nito ang kanyang abilidad.
“I have a project for you. Gusto ko magawa mo agad ito para maihabol natin ito next month.”
May bago nanamang release ang magazine nila next month. Siguradong sa mga susunod na araw ay aligaga nanaman sila sa pagtatrabaho. Lalo na’t hayok sa pagtatrabaho si Jionne. Mabait ito pero kapag ganoong may next issue, halos hindi sila nito pauwiin. Aligaga sila palagi lalo na kapag nagpapanic na ito. Sa mga ganoong pagkakataon ay gusto niyang kaladkadin si Jioone sa DOLE at ireklamo ito sa pagpapahirap nito sa kanya at sa mga kasamahan niya. Mabuti na lang guwapo ito, kaya hindi na lang niya tinutuloy. Isa pa, galante itong magblow out kapag humakot ng maraming papuri ang magazine nila.
May pinakita itong pitong pictures. “I want you to have an interview with these people. Gusto ko ikaw din ang gumawa ng article para sa kanila.”
Mas gusto niyang lumabas para kumilala at maginterview ng tao, na dating kinaiinisan niya noong college siya. Well, iba na ngayon lalo na at may motivation na siya. Ang suweldo niya.
Tinitigan niya ang mga pictures at halos panlakihan siya ng mga mata. Dalawa sa mga pictures ay kilala niya. Kilalang kilala niya.
“Bakit ako?” gulat niya tanong.
Kumunot ang noo nito. “Bakit hindi ikaw? Dati mo namang ginagawa ito.”
Marami pang sinasabi si Jioone pero hindi na niya narinig ang mga iyon dahil lumilipad na ang isip niya.
Hindi puwede. Hindi niya yata kaya.
*****************************************************************************************
“Ewan ko Yana. Hindi ko yata siya kayang harapin. Baka hindi ako makapagsalita sa harap niya.” Kausap niya ang kaibigan niya sa cellphone. Kasalukuyan siyang nasa taxi, palingon lingon siya sa labas para makasiguradong tama ang pinupuntahan niya.
“I know. But you have to do it Greece,” sabi nito. “Maybe its already the time to say sorry to him. Siguro naman ay hindi siya galit, apat na taon na rin ang nakalipas.”
Pero kinakabahan siya. Pagkatapos nang pagtatalo nila ni Trigger noon ay hindi na ulit sila nag usap. Kapag nasa malapit ito ay nagtatago siya. Pero lihim naman niya itong sinusundan kapag hindi siya nito napapansin. Ngayon kailangan niya itong kausapin. Isa ito sa top seven most popular and highest paid engineer sa bansa. Deep in her heart she was happy for what he achieved. Ngayon, kailangan niya itong mainterview ayon na din sa utos ni Jionne. Hindi pa man din niya nagagawa ay pinanginginigan na siya. Paano kung galit pa rin ito sa kanya dahil sa maling paratang niya dito?
Ilang buwan matapos niyang layuan si Trigger ay nalaman niya na hindi naman pala ito ang nagsumbong kay Jake. Isang kaibigan ni Melody ang nakarinig sa usapan nilang magkakaibigan habang nasa c.r. Ito ang nag sumbong sa kanya kay Jake, magkakilala pala ang dalawa. Nagulat siya sa nalaman niya. Ilang beses niyang sinubukan na lapitan si Trigger pero palaging inuunahan siya ng kaba at hiya. Alam niyang galit ito sa kanya. Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil pinagbintangan niya ito iyon naman pala, siya ang may kasalanan.
She was very sad when she stayed away from him. Palagi ay nami miss niya ito. Minsan ay hinihintay niya ang text nito o tawag nito, baka may iuutos ito. Naiiyak na lang siya pag naalala niyang tapos na pala ang kasunduan nila. She even cried harder when he graduated, hindi na niya ito makakausap. Hindi na siya makakahingi ng tawad dito. She can never get close to him anymore.
Nang mawala ito naging malinaw sa kanya ang lahat. She loved him. Minahal niya ito sa loob lamang ng maikling panahon na nakasama niya ito. She loved him, yet she failed to trust him.
Nagsimula na siyang maglakad papunta sa park. Nang interview-hin niya si Jake kanina ay sinabi nito kung saan niya makikita si Trigger. Naroroon daw ito sa park na malapit sa condo nito, naglalaro ng basketball. Kasama si Jake sa top seven list ng mga engineer ngayon. Nagsorry muna siya dito bago gawin ang interview. Hindi na daw ito galit sa kanya. Nang tanungin siya ulit nito kung bakit niya pinakialalam ang sulat nito para kay Melody ay napaisip muna siya. Sinabi niyang minsan niyang nakaaway si Melody kaya siya nainis dito. Hindi niya masabi na gustong gusto niya ito noon.
YOU ARE READING
ENCHANTED
RomanceDahil sa katalinuhan at pagiging pakialamera ay naisalba ni Greece ang pangarap niyang Greece-Jake loveteam. Ang kaso, hindi pa natatapos ang isang araw at ang selebrasyon niya, nabuko na siya. Nahuli siya ni Trigger, malapit na kaibigan ni Jake. Bi...