C.5 Unexpected

61 6 7
                                    


Matagal na pala tong planado ang party na ito pero ba't wala akong kaalam-alam? Mabuti na lang binilhan ako ni Mommy ng dress na gagamitin ko for this night. At pinalam na daw nila sa school ang absent ko today for my beauty rest.

Advance birthday celebration ko 'daw' to think na my birthday is still months away. Why would I believe them? Alam ko namang this party is for business purposes ALONE.

I'm wearing a red tube dress which is above the knee, with maching red killer heels. Halatang-halata sa dress na ito ang curve ko. Pina big curls ko din ang dulo ng buhok ko.

Hindi naman talaga ako aatend pero guilty ako kaya napilitan ako. First time ko ding pumayag na ipakilala nila ako sa public.

As soon as I reach the venue, which is in our garden, sinalubong ako ng maraming flashes ng camera na alam kong kong galing sa media.


"I WOULD LIKE YOU TO MEET MY DAUGHTER, EYDI DUA, THE ONE AND ONLY HEIRESS OF DUA GROUP OF COMPANIES."


WHAT?! Ako?! Tagapagmana?!


pero bakit parang mas nagulat pa ang mga bisita base sa reaksyon nila.

Tumingin si Mommy sa likod namin at pati siya nagulat kaya nilingon ko rin.


Mas nakakagulat pa ito sa una.


Bigla palang nagbukas ang projector sa likod at isang litrato ang pinakita.


It was me with my OBSESSED STALKER in a bed. At kagigising ko lang dito sa pic. with a messy hair. Na pag hindi mo alam ang totong nangyari ay iisipin mong may ginawa kaming milagro.

May date pa na nakasulat sa baba.

'11/16 5:15 A.M'

Kaninang umaga lang.

Napansin kong bumaba si Mommy sa stage and give me a sign na nagsasabing sundan ko sya.

Nakarating kami sa 2nd floor ng mansion. Naramdaman ko ngang may sumusod samin pero binalewala ko nalang.

"What have you done, Ms. Eydi Dua?!" mahina pero halatang galit na galit sya.

"M-m-mom----"

HIndi pa man ako tapos magsalita pero may sumingit.

"Mrs. Dua, I'm here to explain everything."

Iniwan ko silang dalawa as requested by mommy. Ewan ko ba pero masama ang kutob ko sa mangyayaring pag-uusap nila.




R/N: May nagbabasa pa ba nito? :(

A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon