C.9- Her Heart Aches

40 3 0
                                    


Sa huli, wala rin akong nagawa kundi pumayag sa gusto nya. Aaminin ko, masaya sya kasama.

Nasa isang mall kami ngayon. *___*

Tumakbo ako papasok sa loob ng isang hello kitty store. Bibilhin ko na sana ang isang Hello Kitty stuff toy ng maalala kong wala nga pala akong dalang pera dahil minadali nya ako. At nakafreeze lahat ng credit cards ko.

"Ako na." Sabay abot nya ng cash sa cashier.

"Thank you." sabi ko.

Naglalakad lakad lang kami habang bitbit ko ang bagong Hello Kitty stuff toy ko. Masaya syang nagkukwento sakin at nagpapanggap nalang akong pinapakinggan ko bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

"Balak ko sanang ngayon na tayo magsukat ng gown na isusuot mo sa kasal natin. Halika na." Sabay hila nya sakin.

Natulala ako. Para tuloy akong naging estatwa bigla.

Ang lalaking kasama ko ang dahilan ng pagiging miserable ng buhay ko.

Napansin nya ang ikinilos ko kaya lumingon sya sakin ng may guhit ng pagtataka sa mukha nya.

Huminga muna ako ng malalim.

"ILANG ULIT KO BA SASABIHIN SA INYO?! I WILL NEVER MARRY YOU CARTER!!!" at tumakbo ako papalayo sa kanya.

Binato ko sa kanya yung binili nyang stufftoy at tumakbo lang ako ng tumakbo at namalayan ko nalang na nasa rooftop na pala ako ng mall.

Napaisip ako.

Yung parents ko, dignidad ko at higit sa lahat, ang bestfriend ko.

Ang bestfriend kong walang sawa sa pagsuporta at pagpapadama ng pagmamahal sakin na di ko naramdaman sa mga kadugo ko at lalong lalo na sa parents ko.

Ngunit ngayon, kinamumuhian at pinangdidirihan nako.

Wala na. Walang wala nako.

At kung kailan naman nakahanap nako ng lalaking tingin ko'y para sakin—Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong mahalin sya lalo.

Ako pa ang dahilan kung bakit nasa kritikal na kondisyon sya ngayon.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko kaya napapikit ako ng mariin at ngumiti ng mapait.


"EYDI!"

Narinig kong sigaw ni Carter.



'Ayoko na'


At ang huli kong nakita ay isang kakaibang liwanag.


A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon