Chapter 11

39 2 0
                                    


Oh my gosh, am I checking him out? I felt my cheek burning. Parang kanina lang pakiramdam ko sila yung naiintimidate sakin pero ngayon ako naman ata tong naiintimidate at sa lalaking taga-anime world pa. First time to 😣

"Hello, I'm Eydi." I tried to give my warmest smile but failed, nakaramdam kasi ako ng hiya which is so not me.

He just gave me a stern look. Binaling nya ang tingin nya sa tatlong kasama ko.

"Anong ibigsabihin nito? Bakit kayo narito?" Tanong ng lalaki sa mga kasama ko. Napakamanly ng boses nya, making it sound so sexy. Paano nalang kaya pagbagong gising to, siguro hot na pakinggan? I shook my head to clear those thoughts away. Shocks Eydi kailan ka pa naging ganyan!

"Ayoko. Mukhang may sayad ata yan eh." Huh? Sino daw ang may sayad. Confusion were all written in my face.

"Eydi! Ayos ka lang ba?" Kinurot ni Yeri ang braso ko kaya napa'aww' naman ako.

Lumapit naman si Wendy sakin at bumulong,"Gwapo ba? Mamaya mo na pagpantasyahan napagkakamalan kang baliw eh. Kailangan mo ng matitirhan kaya umayos ka please." Bago pa man ako makareact, lumuhod yung tatlo sa harap nung lalaki at nagpuppy eyes pa. At dahil nasa anime world nga ako, kitang kita kong nakapuppy eyes nga.

Si Joy nakayakap sa binti, si Yeri hila hila ang laylayan ng shirt nung lalaki habang si Wendy niyuyugyog yung braso nya. Lumingon sakin si Joy at pinandilatan ako ng mata na para bang sinasabing gayahin ko daw sila pero hindi ako sumunod. I bit my fingernails ng maalala ko ang pangaral sakin ni mommy noong 14 years old pa lamang ako. Nahuli nya kasi akong nagpapacute kay daddy para bilhan ako ng tablet. Natatandaan ko pa ang sinabi nya, "What are you doing Eydi? Don't you ever do that again. Ikaw si Eydi Dua. Act like a lady not a child. Maganda ka, hindi cute."

"EYDI DALI NA!" Joy shouted that made me and my senses came back to reality. Reality nga ba to?

"B-but—" I protest na pinutol naman agad ni Caleb.

"Oo na pumapayag nako. Hindi mo na kailangang magpasalamat. May kapalit 'to at wag kang mag-alala sila Yeri naman ang bahala sa kapalit." At umalis na ito.

"OO NGA PALA PATAY!" Biglang napasigaw yung tatlo at iniwan akong mag-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon