C.8- Date

37 3 0
                                    

Eydi Dua's POV

Nakakaasar! Hindi ko alam na hahantong pa sa ganito.


"Oo, ilang araw na nga lang ay mapapasakin ka na."


Ito ba ang ibigsabihin ng sinabi nyang yon?

Ibang klase sya! Sa ganitong paraan nya pala ako gustong makuha.

Ano nalang kaya ang sasabihin ng bestfriend ko?

Picture pa nga lang ang nakita nya, halos kamuhian nya na ako.

Paano nalang kaya kung malaman nyang may magaganap na kasalan?

Baka isumpa na ako non.



May biglang pumasok sa kwarto ko ng hindi man lang kumakatok.

Nagulat ako pero nakabawi agad at napalitan ito ng galit.

"Where is Hunter? What happened to him?"

"Ang inaasahan ko pa naman ay ipagtatabuyan mo ako o dedeadmahin. Kung tungkol lang rin naman sa lalaking yon ang itatanong mo sakin. Nasasaktan ako Eydi." Tiningnan ko ang mga mata nya. Nasasaktan nga sya. Hahaha.

"I don't care about your feelings, my obsessed stalker." Matigas na sabi ko.

Tumawa sya ng pilit.

"Edi kung ganon. Paano kung sabihin ko sayong patay na si Hunter?


Nanlaki ang mata ko sa narinig.


Pa---patay na si H-hunter?


Biglang nanghina ang tuhod ko.


Hindi. Hindi sya pwedeng mamatay.


Bigla akong napahagulgol.

Lumapit sya sakin pero tinulak ko kaagad.

"Tell me you're lying?!"

Nilingon ko sya pagkasabi ko nun.


BIgla syang ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Halika. Date tayo ^__^"


Ang kapal. Sobrang kapal.


Gustuhin ko mang sampalin sya pero hindi ko magawa dahil wala na akong sapat na lakas pagkatapos ko syang itulak.


"Do you think I will agree to have a date with you after all you've done?! After telling me that H-Hunter is d-de-dead?! I'd rather choose to die to be with Hunter than to have a date with you." Halos pumiyok na sabi ko.


Mapait na tawa ang sunod na narinig ko mula sa lalaking ito.


"Ito na man. Hindi na mabiro. Hahaha. Joke lang yung patay na si Hunter. Ang totoo nyan ay nasa kritikal ang kalagayan nya ngayon. At nakaconfine sya sa hospital na pagmamay-ari namin. Kahit anong oras, pwede ko syang patayin ng walang makakaalam o makakahalata man lang."

A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon