C. 6 Feeling Betrayed (Part I)

59 6 2
                                    


Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin kong may babaeng nakatayo sa harapan ng pinto nito.


Si Al.


"Papaanong?" hindi ko madugtungan ang sasabihin ko kasi ayaw ko syang mainsulto.

"Traydor ka! Traydor!' sinabi nya habang dinuro-duro pa ako.


"Tinext mo ako na pumunta dito dahil espesyal para sayo ang party na'to! Ginastos ko pa ang inipon ko para makabili ng damit para makadalo ako. Tapos ito ang madadatnan ko?!


Sinabi ko na sayo diba na gusto ko si Carter?! Nakita ko ang litrato, Eydi. N-nakita ko."

Nanginginig na sabi nya. Para syang nanghihina. Dahan-dahan ko syang nilapitan.


"A-a-al...H-h-hin---"


Nagulat ako ng bigla syang tumayo at marahas na hinawakan ang magkabila kong braso pero hindi sya makatingin sakin ng diretso.


"Ano pa bang ipapaliwanag mo?! Nakita ko na ang litrato. Tuwang-tuwa ka siguro kasi absent ako kahapon kasi pagkakataon mo na. Ano? Gusto mo bang sabihin kung gano ko nag-enjoy kagabi kasama sya?! Nakakadiri ka!!!"


"Stop it please" naiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya at bahagya ko syang itinulak. Masakit na kasi ang pagkakahawak nya sa braso ko na para bang pipisain nya na.

Nakatingin lang ako sa tiles ng mansion namin.

"NANDIDIRI AKO SA'YO!!!!!" Sigaw pa nya.


*PAK!!!*


Isang malutong na sampal ang narinig ko. Nung nilingon ko, nakita kong nakahawak si Al sa pisngi nya at halatang nagulat. Alam kong nasaktan sya dahil dun. Hindi lang sa pisikal na paraan kundi pati na rin emosyonal.


Ikaw ba naman sampalin ng taong gusto mo ng dahil sa bestfriend mo.

A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon