Chapter 10 p.1

33 5 0
                                    

(Pag eto naka 20 votes hahanap ako ng editor na guguhit ng anime version nina Seulgi at Taeyong para sa story ko 20 lang naman HAHAHA)

Usap-usapan na naman ang pagbubukas ng portal. May mga dayo na naman kaya lahat ay abala sa paghahanda habang si Caleb naman ay halatang walang pakialam.


"Kuya nagbukas na ang portal wala ka bang balak bumalik sa mundo nyo?"


Nagkibit balikat na lamang ang binata at kumuha ng libro upang ituon ang sarili sa pagbabasa.


——

'Ayoko na'

I took a deep breath as I tried to open my eyes but the strange light was hurting my eyes. Parang humiwalay ng ilang segundo ang katawan ko sa kaluluwa ko at nahirapan akong huminga.

Pinilit kong imulat muli ang aking mata nung pakiramdam ko nakaadjust nako sa liwanag at bumungad sakin ang mukha ng isang babae. She was smiling ear to ear.

"Maligayang pagdating!"

Napabangon ako bigla nang marealize kong kakaiba ang paligid.

"Where am I? Is this heaven? But why does everything here looks cartoonish—more like an anime world?"

"Pasensya na binibini dahan dahan lang sa pag iingles at wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo." Kinusot kusot ko mata ko. I tried to stand up but failed. Four girls were standing infront of me.

'Nanaginip lang ako' sabi ko sa sarili ko.

Lumapit ang isa at tinulungan akong makatayo. She have a long blue hair with a full bangs covering her eyebrows. She was the second smallest among them but she have a great body figure.

"Ako nga pala si Wendy. Hindi ka nananaginip kung yan man ang iniisip mo. Nasa kabilang dimensyon ka. Maligayang pagdating sa mundo namin ^_^" 

A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon