C.3 Confession and Harm (Part II)

98 7 0
                                    

C.3 Confession and Harm (Part II)

 

Alam nyo yung feeling na kahit puyat na puyat ka kagabi, hyper ka pa rin?

Ito kasi yung nararamdaman ko ngayon. >//<

Napuyat lang naman ako kasi 2 am na pero magkatext pa rin kami ni Hunter.

May gusto nga ako sa kanya. Hindi pa ba halata? >//<

Si Alyssa nga pala ay absent kasi masama ang pakiramdam nya. Kaya pala hindi nya na ako nabalikan kasi LBM na pala yon. Akala ko sinadya nya akong iwan.

HAHAHA. Shoo Bad vibes! Hindi kita kailangan ngayon.

Niyaya nga pala ako ni Hunter na pumunta sa rooftop ng engineering department mamayang 6pm, saktong uwian ko. I'm very EXCITEDDDDDD!!! :D

Pero kinakabahan pa rin ako, paano kung malaman ng stalker ko ang tungkol dito? Ang mas kinakatakot ko ay baka matulad si Hunter sa mga nagbalak manligaw sakin o MAS MALALA pa don.

Wag naman sana...

------------------------------------------

6:30pm na ako pinalabas dahil nakatulog ako sa klase, hindi ito gawa ng puyat kundi dahil sa boring na leksyon ni maam. She can't believe that Eydi Dua, running for Magnacumlaude, have guts to sleep in the middle of her discussion.

Dumiretso kaagad ako sa Engineering Department. Habang palapit ng palapit na ako, padagdag ng padagdag naman ang kabang nararamadaman ko. Hindi kaya tama ang kutob ko?

Pagkarating ko sa rooftop, bumungad sakin ang isang picnic set-up. Pero ang telang nakalapag sa sahig ay may bahid ng dugo. Medyo nadumihan ito at punit-punit na rin. Sira na nga picnic basket habang nakakalat rin ang laman nitong mga pagkain.

Napatakip ako ng bibig ng makita ko si Hunter na binubugbog ng isang lalaking di ko kilala. Pilit itong nanlalaban pero sadyang mas malakas yung nambugbog sa kanya.

I can't stand this.

Lumapit ako sa lalaki at pinagsusuntok ko ito sa dibdib pero parang hindi naman sya nasasaktan.

"You JERK! Why are you doing this?!" sinabi ko habang patuloy ko pa rin syang pinagsusuntok sa dibdib.

Mejo maliwanag dito dahil sa kagagawan ng buwan kaya nakita ko syang nagsmirk.

"Kung hindi pa pala ako sumugod dito, baka kayo na no? Hahaha" Nagpalabas sya ng isang sarcastic laugh.

"What the hell is your problem anyway?! Can't you see?! It's not funny. "  

Biglang nag-iba ang pagtitig nya sakin. I can see bitterness, anger and most of all pain, in his eyes.

"Nagmamahal lang naman ako."- He said sincerely.

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi nya.

"Love? For pete sake! That is already OBSESSION!!! If  you say so... I'm sorry, I'm also inlove but with that man" nilingon ko si Hunter, wala syang malay.  

Nabigla ako ng yakapin ako ng lalaking hindi ko naman kilala at ang tanging pagkakakilala ko lamang sa kanya ay isa kong OBSESSED STALKER.

Habang patagal at pahigpit ito ng pahigpit, ngayon lang nagsink-in sakin na hinahayaan ko syang yakapin ako. Agad ko syang itinulak ng malakas at natumba naman sya.

Kailangan kong humingi ng tulong. Tumakbo ako pababa ng hagdan. Asan na ba ang mga GUARDS ng school. Palibhasa kasi malayo to sa main building kaya hindi nila madalas puntahan.

"AAAHHHHHH!" napasigaw ako ng maramdaman kong may humila ng palda na dahilan para ma-OUT of balance at matumba ako.

(R/N: Just correct me kung may mga typo errors or mistakes. In a nice way naman para hindi ako maoffend :))

A Love Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon