Chapter 12

531 23 1
                                    

After I finished all of my appointments, I immediately went home. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ang nararamdaman ko. Ewan ko ba... Mabilis naman akong nakarating sa condo dahil malapit lang iyong Derma at Dentist appointments ko.

Ate Tara calling...

"Hello?"

"How is the life of the writer behind Toby's issue?"

"Ate naman!"

"Seriously? Ano na nangyayari sa'yo?" Natatawang sabi ni Ate sa linya.

"Well, I still have my job."

"That's good! Anyways, dadaan ako diyan. It's kinda my free day! I brought clothes na rin at baka diyan na ako matulog."

"Finally, Ate! Mag-isa lang ako palagi dito and it's so-"

"Oo na. Sorry, lil sis, marami lang talaga akong ginagawa."

"It's fine."

"Do you need anything?"

"Food."

"What? Akala ko marunong ka magluto?"

"I can but, you know, paulit ulit lang kasi yun lang alam ko."

"Alright. I'll stop over yellow cab."

"Omygod! Thank you, Ate!"

Dumating si Ate ng pagabi na. She brought A box of pizza and a paperbag na siguro ay laman ang Alfredo at Chicken.

"Thanks, Ate! Pasok ka." Sabi ko.

Pumunta siya kaagad sa sala at humiga at yinakap ang unan.

"Pagod na pagod ako! Hindi pa 'yan whole day of work, ah! Nag half day lang ako." Kwento niya sa akin.

I sat down and prepared the food. "Buti nalang talaga at binigyan ako ng day off!" Natatawa kong sabi.

"Mabait naman kasi ang boss mo! Emman's such an asshole, hindi pinayagan ang leave ko!" Ate Ranted.

"Emman? Not Boss Emman or Sir?" Asar ko sa kanya.

"Well, anyways! Basta 'iyon... I am only allowed to have half-days." Dagdag niya.

"Sa tingin ko talaga ay may gusto siya sa'yo!" I said.

"Hindi!" Sabi niya sa akin habang kinakain iyong pizza.

Hinarap ko ang sarili ko sa kanya.
"Come on, Ate... Hindi ba sinabi ng mga kaibigan mo rin yan? Ang manhid mo! o sadyang dinedeny mo lang kasi hindi mo matanggap na gusto mo siya!" Sabi ko at ngumisi.

"He's not my type, Tans. Alam mo 'iyan!" She explained.

"Ate naman! He's really successful, He owns an Architectural Firm, He earns a lot, Matalino, at gwapo pa!" I enumerated.

She frowned and just ate her pizza.

"Okay fine, he may be ideal pero feeling ko naman kasi na hindi kami para sa isa't isa!"

"Ate, he's really a good catch! Hindi naman siya siguro fuckboy or what-"

Kumain ako ng Alfredo nang may tumunog na doorbell.

"Expecting someone?" She asked smirking.

"None, Ate... Baka mails lang." Lusot ko.

Girl OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon