nouveau monde

39 7 2
                                    

"NEW WORLD"

18 YEARS PASSED . . . . 

KHIONE POV :

nag si hawian ang mga estudyanteng sa daan na nadadaanan ko , yumuko lang ako at diretsong naglakad papunta sa aming classroom nakasunod pa rin sa akin ang 2 kong bantay mahigpit talaga ang pag babantay sa akin simula pa lang ng bata ako , dahil ako ang prinsesa ng calcex , ngunit hindi ko alam , kung bakit ganoon na lamang ang pakikitungo sa akin ng aking ina .

madalas ay hindi nya ako kinakausap at pinapansin madalas rin ay naririnig ko syang umiiyak sa kanyang silid 

pagkapasok ko ng classroom ay agad agad nag bow ang mga estudyante pati ang guro 

ngumiti lang ako sa kanila . ngayon ang unang araw ng klase sa paaralan ng CARTIOZ University 

kaya ito tinawag na Cartioz ay pinag sama sama ang pangalan ng Calcex, Arcacia,Trex, Pvionne at Bergoza noong unang panahon kasi ay kasundo pa namin ang mga bergozians dahil ang limang reyna ng mga lugar na ito ay magkakapatid , ngunit nakalaban lang nila ang bergozians ng napangasawa ng reyna nito ay isang hari na nagtataglay ng sumpang black magic ang nag kalat ng lagim at karahasan sa apat na lugar .

Habang nakaupo ako at nakatingin sa bintana , pilit ko paring inaalam kung ano ang kapangyarihang taglay ko , mula bata pa kasi ako naririnig ko na ang usap usapan ng mga tao na hindi daw ako nababagay maging prinsesa dahil kahit ang reyna ay hindi alam kung ano ang kaya kong gawin .

maya maya ay narinig ko ang mga pigil na tili ng mga kaklase ko 

kaya tumingin ako sa harapan , at nakita ko roon ang 3 lalaki at isang babae

si Prinsipe Zerus ng Arcacia , isa sa pinaka sikat na prinsipe kasama naman nya sila Hypnos  na isang wind bender at ang aking kapatid na lalaki ang Prinsipe Oceanus na kayang mag bend ng water . sikat sila at kilala sa ibat ibang bayan . mula sa pag kabata ay kaklase ko na sila . malalakas ang kapangyarihan nila , si Zerus ay kayang kaya nyang pigilan ang oras  kaya bilib na bilib ako sa kanya . may isa din syang nakakamanghang kapangyarihan kaya nyang icontrol ang mga hayop at halaman yun ang defense power nya at ang element na kaya nyang ibend ay earth . at ang nag iisang babaeng kasama nila ay si Rhea , Prinsesa ng Trex ang kapangyarihan nya ay katulad ng kay Zerus nakokontrol nya ang nature , ang pag kakaiba lang ay si zerus ay hayop at halaman lang ang kayang icontrol kaya ring i bend n Rhea ang Earth kagaya ni Zerus madaming naiingit sa kanya dahil kasama nya itong 3 lalaki . hindi pala imik si Rhea , masyado syang tahimik ngunit hindi naman masugit

kilala silang apat dahil madami silang mga natatalo sa mga palakasan ng kapangyarihan 

kung kanina ay pigil na tili lang ang narinig ay halos mag hiyawan na ang mga kababaihan yung iba pa ay halos matulala sa mga bagong dumating siguro ay ngayun lang nila nakita ang mga ito ng personal kahit ang mga lalaki ay napalakpak at napatayo sa pag dating nila

pumasok ang apat na lalaki , ang pinaka kilalang grupo . sa mundo namin . pinakasikat sa 5 lugar kahit sa bergoza ay kilala sila . marami kasing napaslang na bergozians ang apat na lalaking ito , 

Sila ay ang grupong tinatawag na "Garde d'anges" Guard of angels o GDA's

sikat na sikat sila sa lahat ng bayan , binubuo ito nila Prinsipe Apollo , Prinsipe ng Trex sya ang pinaka magaling na healer , isa sya sa streght ng grupo dahil kaya nyang mag heal ng mga kasama nya ng ilang minuto lang hindi kagaya ng iba nainaabot ng isang araw , ang defense nya naman ay kaya nyang gumawa ng white balls or white ash balls , na pag hinagis sa mga kalaban ay agad agad silang nagiging abo Isa syang water bender

si Poisedon , na pinakamalakas . kaya nyang gumawa ng lindol kahit sa simpleng pag apak lang sa lupa . ang defense nya naman ay gumagawa sya ng earth ball na pag hinagis ay nakakabulag dahil sa dust nito , hindi rin bihira ang suntok nya dahil maaring makabali ito ng buto sa isang suntok lamang at sya ay isang earth bender

si Aether na komokontrol ng light at Sun kaya nyang gumawa ng maraming magic tricks gamit ang light. pwedeng light balls, na maaring makasunod ng balat dahil hinaluan ito ng power ng araw . kilala sya dahil sa pagiging friendly nito sa paligid at ang element na kaya nyang ibend ay fire 

at ang pinakahuli at ang leader nila si Prinsipe Eoulus o kilala bilang Zeth Prinsipe ng Arcacia ang kakambal ni Prinsipe Zerus , kambal sila pero hindi sila kagaya ng kambal na halos magkamukha , may kanya kanyang pinagkaiba ang itsura ng dalawang kambal na ito at hindi rin sila katulad ng mga ibang kambal na magkasundo dahil simula palang bata sila ay hindi na sila magkasundo .

Matagal kunang kilala ang Mga ito , kahit ang mga kaibigan nila dahil mula pagkabata ay kaklase ko na sila , pero si Zeth ay naiiba . sya ang pinaka mysteryosong taong kilala ko , hindi ka nya kakausapin kung hindi ikaw ang kaibigan nya . o hindi ikaw ang reyna at hari ng lugar nila 

si Zeth ay naiiba sabi nila , pinakamalakas dahil kaya nyang komontrol ng 4 na elemento pero wala pa daw nakakakita na ginamit nya ang 2 dahil ang mga bergozians lang daw ang nakakita noon , ang madalas lang gamiting elemento ni Zeth ay Air , at Fire kaya nyang gumawa ng ibat ibang sandata gamit ang mga elementong nacocontrol nya . mula bata kami ay talagang nag eexcel na si Zeth naalala ko noong 5 years old pa lang kami ay kaya na nyang mag chant ng spell . kakaiba rin ang talent ni Zeth sa pagchachant ng spell . Parang tuwing binabanggit nya yung mga spell na yun talagang maamaze ka , 

mahirap kasi mag chant ng spell mula ng matapos ang gera na nangyari sa buong lugar dahil daw sa isang propesiya , kaya nung nalaman ng mga tao na kayang kaya ni Zeth mag chant ng spell ay bilib na bilib na sila .

mysteryoso rin ang grupo nila hindi kagaya ng grupo nila Zerus , na madalas makita pero itong grupo nila tuwing walang pasok ay bigla ring nawawalang parang bula ay may darating nalang na balita na nakahuli sila ng mga bergozians ,

umupo na sila . nasa likod ko si Zeth at ang grupo nya at nasa unahan ko naman si Zerus at grupo nya

ang pinagtataka ko talaga bakit hindi kaya magkasundo tong kambal na ito? 

mula pagkabata hindi ko pa sila nakikitang naguusap man lang kahit ata magtinginan 

-------------------------------------------

Don't forget to VOTE AND COMMENT HIGHLY APPRECIATED PO ! 💖💖

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon