Début de la formation

17 4 2
                                    

Start of Training

KHIONNE POV :

naglalakad na ako ngayon papasok sa klase , kasama ko si Phobe at Selene

Kamusta na kaya si Zerus ? tanung ni Selene

Mukhang hindi pa sya gagaling ngayon at hindi pa masyadong makakagalaw , masyadong madaming pinsala sa katawan ang natamo nya sagot ko kay Selene

bakit ayaw kasi nila humingi ng tulong sa grupo ng kakambal nya tanung naman ni Phobe

ang sabi kasi sa akin ni Zerus ibang klase raw maningil ng utang na loob sila Zeth , ang pinagtataka ko nga at parang may alam si Zerus sa ginagawa ng kambal nya pero nananatili lang syang tahimik sagot ko kay Phobe

ng makapasok kami sa classroom ay andun na sila Rhea , Hypnos at Kuya Oceanus wala pa ang grupo nila Zeth mula kahapon ay hindi ko alam kung umuwi ba ang grupo nila sa dorm namin . baka kasi mamaya bigla bigla na lang silang mag teteleport .

Maya maya ay dumating na rin sila Zeth umupo sila sa right side samantalang nasa left side naman kami , ng makapasok sila Zeth at ang grupo nya ay dumating na si Sir Mico

Magandang Umaga bati ni Sir Mico sa amin sabay bow

Magandang Umaga rin po bati namin , samantalang tahimik lang ang grupo nila Zeth .

Ngayong araw ay magtratraining tayo . Ang ibang Group of House ay nagpadala na ng iba't ibang grupo nila sa mission samantala dahil bago pa kayo ay hindi muna kayo isinali ni Sir Roco , sabi nya sa amin



Bakit kaya hindi pa kami sinali sa mga mission pwedeng pwede namang ipadala ang grupo nila Zeth . Para matahimik naman ang grupo nila Kuya Oceanus halata kasi na gusto nilang gantihan ang grupo nila Zeth dahil sa nangyari kay Zerus .



Dahil sa kompetisyon kahapon ay ang magiging leader nyo ay si Zeth , siya rin ang mag grugrupo sa inyo pag pinayagan na kayong ipadala sa ibat ibang misyon . sa ngayon kailangan nyo munang itrain ang mga kapangyarihan nyo pag nag level up kayo matapos ang isang linggong ito ay may ibibigay akong gantimpala sa inyo sabi ni Sir Mico

Sir anong gantimpalang ibibigay nyo sa amin? tanung naman ni Selene

Hindi kagaya ng mga kasabayan nyong secondary sa iba't ibang grupo , pag nakapaglevel up kayo ngayon buong linggo ay ibibigay ko na sa inyo ang mga sandata nyo sagot nya

Nanlaki naman ang mga mata ng mga kasama ko pwera lang ata sa grupo nila Zeth na hindi na amaze sa narinig .

nakakaexcite kasi na makuha ang sandatang para sayo, malaki rin ang maitutulong ng mga yun sa mga battle , madaragdagan din ang energy power mo base sa makukuha mong sandata

maya maya ay pinag bihis na kami ni Sir Mico ng P.E uniform at pinadiretso nya na kami sa Training room na laan para sa grupo namin ng makapasok kami ay puro puti ang makikita . malawak ang espasyo nito may healing room rin sa likod may nakapalibot na mga puting sofa maya maya may pinindot si Sir Mico at lumabas sa gitna ang Stage , kasama ng stage ang puting barrier isang protective shield . lumutang ang stage sa gitna ng training room



Bago tayo mag salita gusto kong makita ang kakayahan ng kapangyarihan ni Zeth dahil sya ang tatayong lider nyo sabi ni Sir Mico kaya napatingin kami kay Zeth.



Tutal hindi pa kasing lalakas ng grupo nyo ang mga kasama nyo gusto ko sana na isa sa mga kagrupo mo Zeth ang makatungali mo sabi ni Sir Mico

Nanlaki naman ang mata nila Apollo, Aether at Poisedon 

Bakit ? ayaw nyo ba ? tanung ni Sir Mico sa kanila.



Nagsi atrasan naman sila



Ikaw Aether kalabanin mo si Zeth sabi ni Sir Mico

eh kasi ano Sir - kasi masyadong malakas si Zeth , ayokong ma-healer ng isang taon sabi naman ni Aether sabay ngiti ng alanganin kay Sir

Ikaw Poisedon? tanung naman ni Sir Mico kay Poisedon

tinaas lang ni Poisedon ang dalawa nyang kamay na parang sinasabing "suko na ako" sabay iling

Sa lakas ni Aether at Poisedon takot parin silang lumaban kay Zeth ?  takang tanung ni Phobe sa tabi ko

Ibig sabihin lang nun hindi basta basta kalaban si Zeth sabi naman ni Selene , Napatango naman ako . 

sigurado kong sobrang lakas ni Zeth , tinatawag syang Legendary Elemental User at sya lang ang nakakakontrol ng apat na elemento makalipas ng ilang taon ang dating Legendary Elemental User ay ang ama ng limang  kaharian , matapos noon ay wala ng taong nagtataglay ng ganung kapangyarihan . makalipas ng ilang taon ay tska lang natuklasan na may isa nanamang legendary elemental user at si Zeth yun . kaya din mag spellcaster ni Zeth na hindi basta basta kayang gawin ng kung sino man , may 2 din syang karagdagang kapangyarihan mula kay Propecy kaya malamang na malamang malakas talaga si Zeth ikaw ba naman makapatay ng anak ng hari ng bergozians at makapatay ng mga royal blood 

Ikaw Apollo, tutal kaya mo naman iheal yung sarili mo ng ilang minuto lang sabi ni Sir 

ngumiti lang ng alanganin si Apollo.

dahil no choice si Apollo pumunta na sila sa Harap ng stage ni Zeth . maya maya ay tumaas na rin ang protective barrier .

maya maya ay umatake na si Apollo gamit ang white ball nya isa yung legendary magic para sa mga healer , delikado ang white ball dahil pag natamaan ka nito ay maari kang maging abo. pinadami ito ni Apollo maya maya ay sabay sabay nyang inihagis kay Zeth samantalang si Zeth ay nakatingin lang ng diretso kay Apollo  

Cesser de disparaître

cold na sabi ni Zeth . bigla namang nawala ang white ball ni Apollo, lahat kami ay nagulat paano nya iyon nagawa ?

kahit si Sir Mico ay namangha sa nakita nya 


Sentir la douleur S'agenouiller  cold na sabi ni Zeth 



maya maya ay nagtakip na ng tenga si Aether at tumalikod 

tumalikod naman si Poisedon at pinikit ang mata parang alam na nila ang mangyayari

maya maya

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! namimilipit na sigaw ni Apollo

nagulat na lang kami ng nakaluhod na si Apollo sa Harap ni Zeth at namimilipit sa sakit 

Zu fliegen  sabi ni Zeth at bigla bigla na lang lumipad at naihagis ng malayo si Apollo 

bumaba na ang protective barrier

napatakip naman kami dahil sa sinapit ni Apollo , puro sya dugo at walang malay puro pasa at sugat din ang natamo nya

lumapit naman sa kanya si Zeth 



Zu Heilen, Um Energie zu gewinnen

bigla bigla namang nagheal ang katawan ni Apollo na wala ang mga sugat nito , nawala ang mga bakas ng dugo nawala rin ang pasa maya maya ay minulat na ni Apollo ang mata nya

inabot naman ni Zeth ang kamay nito para itayo

maging ang suot ni Apollo ay naayos parang walang nangyaring laban kanina lang . 

ang galing ! rinig kong sabi ni Phobe at Hemera

maya maya nakarinig kami ng palakpak mula sa likod



----------------------------------------------------------------------

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon