-Elle souffre-

16 0 0
                                    

"SHE'S IN PAIN"

KHIONNE POV:

Gabi na at hindi pa rin ako tulog , andito na kami sa kwarto namin at tulog na ang mga kasama ko samantalang ako ay gising na gising pa rin ang diwa dahil sa mga sinabi sa akin nila Poisedon,Aether at Apollo. Alam kong malaki talaga ang nagawa kong kasalanan sa kanila .

alam kong ako din ang dahilan kung bakit hindi ko na pwedeng ibalik ang dating Zeth , paano ko nga ba aalisin itong nararamdaman ko sa kanya . mula mag kaisip ako andyan na si Zeth sa tabi ko . mulat ako sa pag aalaga at pag mamahal nya noon 

masyado ko nga ba syang tinake for granted , pinunasan ko ang luha ko at pinilit ipikit ang mata ko at matulog

Ng magising ako kinaumagahan ay nag aayos na ng gamit sila Phobe at Selene

Bilisan mo Khionne , Ngayon ang punta natin sa arcacia , para sa training natin sabi ni Selene



agad naman ako na ligo at nagbihis nag handa na ring ako ng mga gagamitin dahil mukhang ilang buwan ang training namin sa arcacia. 



mukhang hindi basta basta ang training na gagawin namin 



ng matapos ay bumaba na kami naabutan naman namin na nasa baba na ang lahat pwera kay Zerus , Zeth at Sphene,

Nauna na sila Zeth sa Arcacia, dahil pinatawag na rin sila ng mahal na hari at reyna , tara na sa field . andun na kasi ang hinandang portal ni Zeth papuntang kaharian nila sabi ni Apollo 

agad agad naman namin binuhat ang mga gamit namin 

ng makarating kami sa field ay sinalubong kami ni Sir Roco



Mag-iingat kayo mga bata , inaasahan ko na pag balik nyo rito ay madami kayong natutuhan sa inyong pupuntahan . hihintayin namin ang inyong pagbalik 



ngumiti kami sa kanya at pumasok na sa portal na ginawa nya patungo sa kaharian ng Arcacia.



Pagbagsak namin ay tumambad sa amin ang napakalaking palasyo , masasayahing tao . lahat sila ay lumalapit sa amin upang batiin kami sa aming pag dating . ang iba ang sinabitan pa kami ng mga kwintas na gawa sa bulaklak ,



May mga gwardya rin na nakabantay sa amin. 



Nakakamiss ang lugar na ito . maraming magagandang alaala ang narito . isa itong lugar na ito na saksi. sa umuusbong na pagmamahal ko kay Zeth , mula sa pagkabata ko. 



Naalala ko pa madalas kami tumatakas sa mga bantay upang pumunta tuwing night market nila , dahil masaya at makulay ang night market ng mga tiga Arcacia . masasayahin kasi ang mga tao rito , at palakaibigan



maya maya ay hinatid na kami ng mga gwardya papasok ng palasyo , madami na ang nagbago sa itsura nito mula sa huli kong punta rito mas naging moderno na ito , ang dating kulay ng pintura ay iniba na rin madaming halaman ang nakalagay sa paso na nakapalamuti sa palasyo na nagsisilbing pangdagdag akit sa mata ng palasyo 



ng makarating kami sa second floor ay agad agad kaming yumuko sa mahal na hari nat reyna ng arcacia 



Maligayang pagdating sa aming kaharian  nakangiting salubong sa amin ni Tita Cecile ang Reyna ng Arcacia at nanay nila Zerus at Zeth, kahit medyo matanda na ito ay tingkad na tingkad ang ganda nito . katulad ni Ina , at ibang reyna at hari ng apat na nation at sila Zerus at Sphene



Tingkad na tingkad rin ang magandang kulay ng buhok nito , at nag iiba ang kulay ng kanyang mata lalo na pag gumagamit ng mahika pwera nga lang sa pagkakataong kalmado sya ay bumabalik sa itim ang kulay ng mata nya , ang aura rin na bumabalot sa kaniya ay sumigaw ng mataas na authoridad .



Sinisigurado namin na magagaling ang hahasa at magtuturo sa inyo , sana ay marami kayong matutunan . sa ngayon ay ayusin nyo muna ang mga dala nyong gamit sa mga kwartong laan sa inyo . sundan nyo lang ang mga alipin . at ituturo nila kung saan ko pansamantalang magkwakwarto sabi ni Tito Zacrenz o kilala bilang King Zac ang Hari ng Arcacia at Ama nila Zeth at Zerus

hinatid naman kami ng mga alipin sa taas upang mag ayos ng gamit hanggang ngayon wala pa rin akong nakikita maski kahit ni isa kila Zeth at Zerus .

habang naglalakad ay narinig ko ang usapan ni Aether at Apollo

Mukhang tulog pa si Zeth hanggang ngayon sabi ni Aether.

Sa tingin ko ay maaga nagising si Zeth baka ipinasyal nya lang si Sphene sa buong arcacia , sagot naman sa kanya ni Apollo

Sabagay basta yung dalawang yun ang magkasama ay hindi mo talaga mapaghihiwalay ang dalawang yun sagot naman sa kaniya ni Aether ,

nag nod naman si Apollo 

Alam mo naman kung gaano nila namiss ang isa't isa dahil sa misyon na ginawa ni Sphene sa mortal world ay matagal din hindi sila nagkita , minsan lang sila magkita pag wala tayong pasok dahil pinupuntahan sya ni Zeth , alam mo naman si Zeth hindi matiis na hindi makita si Sphene ng matagal sagot ni Apollo.

agad agad kong binilisan mag lakad para hindi ko marinig ang pinaguusapan nila, masyado ng masakit . hindi ko na kayang tagalan yung sakit .

napahawak na lang ako sa dibdib ko

Ayos ka lang? tanong sa akin ni Selene

ngumiti naman ako sa kanya at nag nod saktong itinuro na nila sa amin ang kwartong gagamitin namin . pumasok na ako at dumiretso sa banyo, 

hindi ko na kayang pigilan ang mga traydor kong luha, masyadong masakit. oo alam ko wala akong karapatan mag reklamo dahil ako ang dahilan kung bakit naging ganto lahat , pero . pwede ba . pwede ba na makalimot na lang ako yung hindi ko na maalala yung lahat . o kaya yung pwede ko na lang alisin yung nararamdaman ko sa kanya.

paano ako makakatagal sa training na ito kung ngayon pa lang na naririnig ko pa lang sa mga kaibigan nya kung gaano nya kamahal si Sphene ay nasasaktan na ako, 

Paano pa pag nakita ko na ng harap harapan , paano . paano ko pipigilan ang sarili ko pag nangyari iyon 





--------------------------------------

Don't forget to VOTE AND COMMENT HIGHLY APPRECIATED PO ! 💖💖

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon