Début de la formation

13 2 0
                                    

START OF THE TRAINING 

KHIONNE POV:

Maaga kaming ginising ngayon , agad agad kaming pinagbihis ng combat uniform na galing sa eskwelahan ngayong araw kasi ang simula ng training namin sa kaharian ng arcacia , pag kabihis namin ay bumaba na kami papuntang hapag kainan dahil pinatawag kami ng mahal na hari at reyna , 

Kamusta tulog mo ? tanong sa akin ni Selene

Maayos naman ikaw? tanong ko sa kanya 

Medyo nanibago lang sa klima ng kahariang ito sabi nito sa akin 

masyado kasing malamig ang klima ng kaharian ng arcacia , 

ikaw Phobe, kamusta ang tulog mo ? tanong ko dahil ngiting ngiti itong nag aayos ng buhok nya habang pababa kami ng hagdan

masaya ang bangon ko , dahil maganda ang panaginip ko . sabi nito nginitian ko naman sya 

ng makababa kami sa hapag kainan ay andun na ang lahat agad agad kaming nag bow nila Selene at Phobe sa mahal na hari at reyna. 

ngumiti naman sila sa amin at sinenyasan kami para umupo , 

agad agad naman lumapit sa akin si Zerus at hinatak ang bakanteng upuan sa tabi nya agad agad naman akong ngumiti ,

Salamat , sabi ko sabay ayos ng upo ko , nasa harapan ko naman si Sphene . Ngumiti ito sa akin at ginantihan ko naman ito ng ngiti

Ibang iba ang aura ni Zeth at Spene , kaya hindi ako masyadong makaupo ng maayos , masyadong malakas ang aura nila na sumisigaw ng authoridad .

dahil kumpleto na tayo , ngayon ang simula ng inyong unang training . ang training nyo ngayong araw ay pag papalakas ng physical na katawan kaya ang mag tratraining sa inyo ay si Arcus , ang Leader ng punong sandatahan ng Kaharian ng Arcacia . sabi ng mahal na reyna 

Asahan nyo na hindi basta basta ang training na gagawin ninyo , dahil upang mapalakas ang bawat isa sa inyo para na rin maihanda sa panibagong digmaan , sabi ng mahal na hari

nagulat naman ang bawat isa sa amin pwera na lang kay Zeth na nakatingin ng seryoso sa kanyang ama . at si Sphene na patuloy lang sa pag kain , mukhang alam na nila ang mang yayari 

Digmaan ho ? takang tanong ni Rhea .

Oo , digmaan mga anak . sa inyo nakasalalay ang pag pigil sa digmaan , kung hindi nyo ito mapipigilan ay dadanak ang dugo kagaya ng nangyari ng nakaarang taon , sabi ni Haring Zac 

Kami po? paano po namin sila pipigilan ? takang tanong ni Hypnos

Kailangan nyong maubos ang lupon ng mga royal blooded bergozians , pag naubos nyo sila ay manghihina ang grupo nila at malaki ang pag asa na itigil nila ang kanilang balak na pagsugod sabi ng mahal na reyna 

Matapos ng Digmaan ay maiaanunsyo kami tungkol sa inyong dalawa Zeth at Khionne 

agad agad naman akong napatingin kay Zeth bigla itong kumunot ang noo nito 

Sa amin po? tungkol po ba ito sa propesiya na sinasabing ang dugo ko at dugo nya ang mag bibigay ng immortal na pamumuhay sa mga bergozians? malakas ng loob kong tanong sa kanila

agad agad naman napatingin sa akin si Zeth . yumuko lang ako dahil hindi ko matagalan tignan sya dahil nasasaktan ako sa paraan ng pag tingin nya sa akin . parang hindi nya ako kilala . 

Oo, isa yan sa dahilan ng sasabihin namin sa inyong dalawa sagot ni haring Zac sa amin .

agad agad naman kaming pumunta sa Serbya . isang bayan sa kaharian ng Arcacia . ng makarating kami roon ay tanaw na tanaw ang isang malawak na field na napapaligidan ng matataas na puno . nakita namin doon ang isang magiting na lalaki ito siguro si Arcus at may kasama siyang babae .

ng makalapit kami ay agad agad syang yumuko sa amin.

Nakagagalak kong maturuan ang henerasyon ninyo , ang mga magiging susunod na hari't reyna ng iba't ibang nasyon . ako nga pala si Arcus at eto naman ang aking asawa si Samara . Kami ang makakasama nyo sa isang Linggong darating . dito tayo mag tratraining para hubugin at palakasin ang mga katawang lupa ninyo .

sumunod na kayo sa aking asawa at ihahatid nya kayo sa pansamantala ninyong tutulugan 

naglakad kami papasok ng gubat at natagpuan ang dalawang kubo na hindi kalakihan may lawa rin sa likudan nito napakapreko at malamig ang simoy ng hangin

Dito ho, kayo titira sa isang kubo na pinagawa ng Hari para pansamantala nyong matutuluyan kung may kailangan ho kayo ay katukin nyo lamang ang bahay na ito ,

sabi nya sabay turo sa katabing kubo namin

andito lang ho kami ng aking asawa at anak , kasama nyo ho sa pag eensayo ang aking anak na lalaki . hahatiran din ho namin kayo ng makakain tuwing gabihan , yun ho ang utos ng hari sabi ni Samara sa amin

Gabihan lang ho ang ihahatid nyo takang tanong ni Aether binatukan naman ito ni Poisedon

ito naman nagtatanong lang angal naman ni Aether

Pagpasensyahan nyo na po itong lalaking ito masyado ho kasi syang patay gutom sabi naman ni Apollo 

agad agad naman umangal si Aether 

Patay gutom ! Tangna ka boy ! Mas malala ka nga sa akin pag gutom halos sdjsjbfhr

agad agad tinakpan ni Apollo ang bibig ni Aether 

natawa naman si Samara sa kanila ,

Hindi ho kasi kayo maaring mag umagahan at tanghalian kasama po kasi iyon sa inyong pag sasanay . dahil sa panahon po ng digmaan ay wala ng panahon para kumain pa . kaya hanggat maari ay sinasanay na po kayo na maging malakas ang katawan kahit walang kinakaing kahit ano .

HA! Paano yan papayat ako, pagagalitan ako ng ama at ina ko paano na lang muscles ko ! agad namang angal ni Aether na parang bata na nalugi agad naman tumawa si Sphene na nasa tabi nya , nakita ko rin na nakangiti si Zeth habang nakatingin sa nakangiting si Sphene 

Siguradong sigurado ho na makakasundo nyo ang aking anak , parehas nyo ho siya na magiliw at masayahin sabi ni Samara .

ng makaalis si Samara ay agad agad kaming pumasok sa Kubo at nagulat kami sa tumambad sa amin

Shuta ! Anong bahay ito ! angal ni Aether

Isang malawak na kubo na walang laman ang sumalubong sa amin , may nakalatag na 13 na banig tig iisang unan at kumot lang ang nakalagay sa bawat banig . may dalawang pintuan na ang hula ko ay banyo isa sa mga babae at isa sa mga lalaki

Sigurado akong hindi nga basta basta ang gagawin namin sa buong linggong ito

------------------------------------

Don't forget to VOTE AND COMMENT HIGHLY APPRECIATED PO ! 💖💖

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon