Succès ou pas

13 3 3
                                    

"SUCCESS OR NOT?"

KHIONNE POV:

Patuloy pa rin ako sa pag atake sa dalawang tiga infirix na nasa harap ko . agad agad akong gumawa ng water blades papunta sa kanila .

napahawak naman ako sa tuhod ko, ilang minuto na ang nakalipas at halos lahat ay halatang pagod na lalong lalo na kami dahil hindi kami sanay sa matagalang pakikipaglaban

tumakbo ako palayo ng makita kong sinugod nila ako ng madami fire spikes . ng makahanap ng bwelo ay agad agad kong tinaas ang kamay ko . maya maya ay umulan na ng malakas . ngayong basa na ang dalawang infirix sa harap ko agad agad kong hinawakan ang lupa

unti-unting nag yelo ang paa nila papataas ng katawan nila . naramdaman ko naman na may sumandal sa likod ko at hingal na hingal

Selene , bulong ko parehas kaming hindi sanay sa mga ganitong labanan alam kong pagod na pagod din sya . maya maya ay sumugod at infirix na kalaban ni Selene. agad agad naman akong gumawa ng barrier . ngunit nawasak din ito ng mga wind spikes nila

napaluhod na sa tabi ko si Selene dahil sa dami ng sugat na natamo nya .

maya maya ay sinugod ko ng sunod sunod na water spikes ang dalawang wind elemental user na ito ngunit bigla na lang silang nawala at naging usok naramdaman naming gumamit ng Air Mimicry and dalawang infirix ang air mimicry ay biglang pag dissapear ng isang tao gamit ang hangin

pinakiramdaman ko ang paligid ko ng bigla bigla akong natumba nasa likudan ko na pala si Zeth na hinarangan ang dalawang infirix . nakita ko rin na nagulat din ang kalaban nito dahil sa pagkawala bigla ni Zeth malamang ay gumamit sya ng teleportation .

agad agad naglabas si Zeth ng apoy sa kamay nya saktong binato nya ito sa dalawang infirix na nasa harap nya ng naglaho ulit ang dalawang ito ay agad agad kaming prinotektahan ni Zeth sa pag gawa ng isang Barrier na gawa sa tubig at hangin .

matapos ay bigla biglang ulit na wala si Zeth nakita kong andun na siya sa isang infirix na kalaban niya kanina

bigla namang lumitaw ang 2 wind user na kalaban namin kanina , ngunit hindi na sila makalapit sa barrier na ginawa ni Zeth agad agad ko namang nilapitan si Selene na walang malay

Maya maya ay nakarinig ako ng malakas na pag sabago nakita ko na lang si Zeth na nag aapoy hawak hawak sa leeg ang kalaban nya maya maya ay unti unti na itong natutunaw

ng mawala ang kalaban nya ay nawala na rin ang dalawang nasa harapan namin saktong lumitaw naman si Zeth sa harapan ko at nawala ang barrier

I think i know how to beat them , i'll go there . just hang on here i'll call Apollo to rescue the two of you sabi nito at biglang nag laho

nakita ko na lang ito na nakila Zerus at tumulong makipag laban . bigla namang lumitaw si Apollo sa harap namin bitbit ang walang malay at sugatan rin na si Hemera

agad agad tinapat ni Apollo ang kamay nya kay Hemera at lumiwanag ito , makalipas ng ilang sandali ay wala na ang mga sugat nito ngunit wala pa ring malay ito

Masyado siyang napagod sa labanan kaya hindi pa sya nagigising sabi sa akin ni Apollo kaya nag nod lang ako sa kanya sumunod naman nyang ginamot ay si Selene kagaya ni Hemera ay wala pa rin malay ito

narinig ko naman ang boses ni Kuya Oceanus bitbit bitbit nya si Rhea na wala ring malay at sugatan , maski si Kuya Oceanus ay pagod na pagod na rin at madami na ring natamong sugat .

nasa likudan naman nya si Zerus , Phobe , Aether at Poisedon

Asan si Zeth ? nanghihinang tanong ko

Wag kang mag-alala sa kanya . nakita na nya ang sagot kaya sisiw na lang sa kanya yun sabi ni Aether .

Sa ngayon ang sabi ni Zeth ay ilipat muna kayong mga sugatan . para magamot ng maayos ni Apollo sabi ni Poisedon .

Binuhat naman ako ni Aether sabay nag lakad kasama ang iba naming mga kasama .

Maraming Salamat , sabi ko sa kanya

Nag nod lang ito .

Alam kong may galit pa rin sila, Kahit ilang taon na ang lumipas alam kong hindi pa rin sila nakakalimot pero andito pa rin sila at tinutulungan kami lalo na ako kahit napakalaki ng kasalanan nagawa ko sa kanila at Kay Zeth .

Maya maya ay natumba na rin si Zerus na bitbit bitbit si Rhea na walang malay inalalayan naman sya ni Apollo para makatayo .

alam kong alam din ng kasama ko na andito pa rin ang dating pagkatao nila Apollo,Aether at Poisedon alam kong kahit sa malalamig na pakikitungo nila sa amin alam kong nag aalala din ang bawat isa sa kanila sa amin

Salamat . sabi ni Zerus kay Apollo nung tinulungan sya nito upang makatayo

agad agad namang ginamot ni Apollo si Zerus dahil mukhang hindi na nya kaya ang maglakad pa ng malayo sa dami ng sugat na natamo niya

Walang wala pa ito sa kalahati pag ang nakalaban nyo ay ang mga bergozians , Kailangan nyo ng malalakas na pangangatawan at resistensya , Kung ngayon pa lang hindi na kayo makatagal mahihirapan tayo pag sila na ang nakatapat natin lalo na ang mga royal blooded bergozians . Hindi parati na andito kami para protektahan ang bawat isa sa inyo kaya mag palakas kayo sabi ni Apollo

kadalasan sa grupo namin ay walang malay at sugatan samantalang ang grupo nila Zeth ay galos lang ang natamo halatang sanay na sanay nga sila sa pakikipaglaban at malalakas ang resistensya nila sa pakikipaglaban . at halatang matagal na matagal na silang sanay sa mga gantong labanan

ng matapos gamutin ni Apollo si Zerus ay nag patuloy na kami sa paglalakad ng makarinig kami ng sunod sunod na malalakas na pagsabog

Yumanig na din ang lupa , ramdam na ramdam ang malakas na enerhiya na pinakawalan

nagtinginan naman si Apollo, Aether at Poisedon

Bilisan natin kailangan natin makahanap ng lugar para magamot na ang iba sabi ni Poisedon

Ayos lang ba si Zeth , Baka napano na siya roon. Wala syang kasama ayos na ako Aether samahan mo na si Zeth doon sabi ko

tumingin naman sa akin si Apollo

Magiging Ayos sya pag naging maayos ka


--------------------------------

Don't forget to VOTE AND COMMENT HIGHLY APPRECIATED PO ! 💖💖

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon