Test d'abandon

19 3 6
                                    

"ABORT TEST"

KHIONNE POV:

Patuloy ang mga pagsabog na naririnig namin

Hindi ba natin tutulungan si Zeth ? nag aalalang tanong ko

Kausap ko sya , Kailangan natin mahanap ang portal para makabalik sa university . Bago Kami bumalik sa kanya . Kaligtasan nyo ang nakasalalay sabi ni Poisedon

Nakarinig pa kami ng sobrang ingay na hiyaw .

Pero papaano si Zeth . sabi ni Zerus halatang nag aalala din ito sa kakambal nya kahit papaano 

Wag kayong mag-alala. hindi nyo na kilala ang bagong Zeth . sabi ni Apollo na nagpatahimik sa amin. 

Patuloy kami sa pag takbo. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa nangyayari parang may itinatago sila Apollo sa amin .

alam kong hindi lang din ako ang nakakapansin . 

sobrang nagmamadali sila Apollo, Aether at Poisedon naka palibot sila sa amin at palinga-linga sa paligid .

Agad agad kaming tumakbo paakyat sa gubat dahil dun ang portal na gawa ng university sa amin kanina . ngunit bago man kami makarating ay may humarang na sa amin

5 Goblin . ang goblin are demon in human form . mga alagad ito ng mga bergozians . inuutusan sila para pumatay ng mga tao na kalaban ng mga bergozians 

Goblin? Mahinang sabi ni Selene . buti na lang ay gising na ang lahat at naheal na din ni Apollo ang mga sugat na natamo naming lahat

Kung may goblin ibig sabihin may mga bergozians ? sabi ni Rhea 

Kung ganon bergozians ang kalaban ni Zeth ! Ibig sabihin kailangan natin syang tulungan sabi ko

kaya pala iba ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay may itinatago sila Apollo at parang nagmamadali silang ilikas kami dahil meron palang mga bergozians

masyado pang mahina ang kadalasan sa amin . Kahit sila Zerus ay kulang pa ang kakayahan pero alam kong kaya nilang pumatay ng Bergozians pwera na nga lang sa mga royal blooded dahil kagaya naming mga royal blooded ay hindi lang isang kapangyarihan ang kaya namin pwera sa isang elemental power ay may mga major powers pa kami 

at hindi basta basta ang mga royal blooded bergozians dahil sabi nila mula daw pagkapanganak ng mga ito ay hinihiwalay na sa mga pamilya para sanayin kaya malalakas ang emosyon nila . sanay na sanay silang pumatay ng tao 

mga walang puso at halang ang kaluluwa nila pagdating sa patayan dahil sanay sila na walang emosyon .

Madami ng napatay na bergozians si Zeth hindi lang bergozians kundi Royal blooded bergozians kaya wag kang mag-alala at tinutulungan din sya ng mga tiga infirix mukhang inabort muna ang exam dahil sa pag dating ng mga bergozians sabi ni Aether 

ang mga tiga infirix? malalakas sila . kaya alam kong hindi mapapaano si Zeth . may tiwala din ako sa kanya . 

buti at malakas ang alyansa namin sa mga tiga infirix . dahil malaki talaga ang naitutulong nila sa mga gantong panahon 

Buksan nyo ang isip nyo . Pag may narinig kayong tinig . si Zeth yun gagamitin nya sa inyo ang telepathy nya para mag bigay ng directions . sabi naman ni Poisedon

Pero paano sya makakapagbigay ng direksyon kung hindi nya tayo nakikita sabi ni Hypnos

Malakas ang sense ni Zeth kaya nyang maimagine sa utak nya kung anong nangyayari dahil may tenga sya sa lupa sabi ni Apollo.

Tenga sa lupa? takang tanung ni Kuya Oceanus

Ibig sabihin lang nun ay nararamdaman nya ang bawat kilos ng tao na nakatungtong sa lupa sabi pa ni Aether

Para sa mga earth elemental user ay ang pinakamahirap ay ang makipag isa sa lupa kagaya ng nagawa ni Zeth , kaya naririnig nya ang kilos ng mga tao gamit ang lupa . Madaming enerhiya at matinding konsentrasyon ang kailangan para makipag isa sa lupa . 

kailangan ng matindi na koneksyon sayo at sa elemental power mo para magamit ang ganong uri ng mahika maari din itong magamit ng mga water elemental user . pwede nilang marinig ang mga nangyayari sa loob ng karagatan o sa lahat ng uri ng tubig basta kaya nilang makipagkaisa sa element nila kahit ang wind , kaya mong pakiramdaman ang kilos ng tao sa paligid mo sa pakikinig lang ng bawat ihip ng hangin . kahit sa apoy . ngunit mahirap iyon sa mga fire elemental user. 

Apollo, Aether and Poisedon . the three of you take down all the goblins . Don't let them harm the others. Zerus , Oceanus and Hypnos protect the girls and find the portal you need to go back on University before royal blooded bergozians soldiers come. Now go ! 

rinig na tinig sa utak ko napahawak naman kami sa ulo namin , pwera kay Apollo,Aether at Poisedon na nakatayo at handa ng sumugod

Kailangan nyo ng kumilos wala na tayong oras ! sigaw ni Poisedon 

Nagulat na lang ako ng hinawakan na ni Zerus ang braso ko at hinatak patakbo nakita ko na nag simula ng maglaban ang mga Goblins at sila Poisedon, Apollo at Aether

Nakita ko pang nilabas nila isa nilang kamay ang charm at ang elemental powers nila sa kabila nilang kamay .

Tama nga si Apollo , alam kong hindi lang si Zeth ang hindi na namin kilala kundi pati sila . Madami na ang nagbago sa kanila. hindi na sila kagaya noon. at alam kong kami ang dahilan ng malaki nilang pagbabago.

Nakarinig pa kami ng sunod sunod na pag sabog sa gubat kaya lumihis kami ng landas .

Napaupo naman kami ng mayanig ang lupa.

isang malakas na enerhiya at kapangyarihan ang lumabas . Naging sobrang lamig din ng Hangin . Nagulat na lang kami ng biglang may nag si babaan sa puno sa paligid namin 

Mga royal blooded bergozians mahinang bulong ni Zerus , at mas hinawakan nya ako ng mabuti at inilagay sa likudan nya ganun rin ang ginawa nila kuya Oceanus kay Selene Hemera at Phobe Nakaharang sa amin sila Zerus, Kuya Oceanus at Rhea na halatang prinoprotektahan kami 

pero ramdam kong natatakot rin sila dahil ito ang unang beses na makakaharap sila ng mga royal blooded bergozians .

nakakatakot ang mga itsura ng mga ito napapalibutan ang katawan nila ng itim na usok . itim na itim ang mata nila halos wala na itong kulay puti . Maiitim rin ang labi nila na bawat pag bukas ng bibig nila ay may itim na usok ang lumalabas 

Makita mo pa lang ang mga ito ay ramdam mo na ang takot . dahil sa presensya nila 

agad agad nilabas nila Zerus, Hypnos, Rhea at Kuya Oceanus ang Charms nila

Hinanda na din namin nila Hemera,Phobe at Selene ang mga Elemental powers namin 

ng biglang tumawa ang nasa harapan

Ang hihina nyo. sa tingin nyo matatalo nyo kami ng ganyan lang? Bakit pinabayaan ata kayo nung apat na kayo kayo lang? Paano ba yan mapapadali ata ang pag-patay namin sa inyo sabi nito

Nanginginig na ang mga kamay namin sa takot . Mahihina kami . at wala pa kami sa kalahati ng kaya nila Zeth


Zeth , Tulong 


------------------------------------------

Don't forget to VOTE AND COMMENT HIGHLY APPRECIATED PO ! 💖💖

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon