Combat avec les amis

6 1 0
                                    

"FIGHTING YOUR FRIENDS"

KHIONNE POV:

agad agad na nilabas ni Aether ang charm nya at lumabas ang Dual sword nya , nilabas na din ni Apollo ang Rapier Sword nya . sabay na sumugod si Aether at Apollo kay Zeth kasabay ng pasugod din ni Poisedon gamit ang Elemental powers nya agad agad nag angatan ang lupa at nag hugis bola at bumulusok sa direksyon ni Zeth .

Maya maya ay may malakas na hanging pumalibot kay Zeth . kaya hindi makalapit sila Aether at Apollo samantalang naitangay ng malakas na hangin ang ibang bolang lupa na gawa ni Poisedo nagulat na lang kami ng may mga Water spikes na tumama kala Apollo at Aether nagulat kami at nasa taas na si Zeth at lumulutang mukhang ginamit nya ang kapangyarihan nyang Flight,

agad namang sumugod si Sphene , si Sphene ay may walo na ring kapangyarihan . Fire ang element na gamit nya , kaya din nyang mag heal . May powers din sya na kayang makaintindi ng mga hayop o ang sinasabi ng kalikasan
May invisibility powers din sya , pero ang pinagtataka namin ay yun lang ang ginagamit nyang kapangyarihan nya naalala ko din nung isang araw na kahit sila Apollo at si Zeth ay hindi din daw alam ang iba pang kapangyarihan ni Sphene . maliban sa apat na ginagamit nya

Agad na gumawa ng fire tornado si Sphene pinalaki nya ito ng pinalaki hanggang sa umabot kay Zeth , ngunit agad agad na nabasa ni Zeth ang atake ni Sphene kaya bigla itong nawala
Nagulat na lang kami ng hindi na makagalaw si Sphene at Apollo . samantalang naging listo si Poisedon at Aether .

Mukhang ginagamit ni bossing ang power nyang shadow control, kaya nyang hawakan ang anino mo at pigilan ang pag galaw mo kaya Aether maging listo ka at wag kang lalapit kala Sphene at Apollo malamang nasa tabi tabi nila si bossing . rinig kong sabi ni Poisedon

Agad namang gumawa ng ipoipong buhangin si Poisedon at pinaikot sa tabi nila Sphene at Apollo .

Biglang sumenyas si Poisedon kay Aether nag nod naman si Aether at umatake sa gitna nila Apollo at Sphene.

Nagulat na lang kami ng lumitaw doon si Zeth.

Bigla namang nag salita si Arcus.

Itigil na muna natin ang laban . ngayon alam kuna kung paanong training ang gagawin ko sa inyo una . kayong apat ang pinakamalalakas . Zeth ipapartner kita kay Prinsesa Khionne . Kailangan mo syang tulungan mapalakas ang katawan at kapangyarihan nya . kailangan nyo din matutuhan na protektahan ang isat isa . dahil kayong dalawa ang pinaka pakay ng mga bergozians.

Tumingin naman sa akin si Zeth . agad agad akong napaatras dahil sa klase ng pagtitig nya . nakakatakot . sobrang malamig . ang asul na mata nya na parang galit na galit .

Agad agad ding grinupo ni Arcus ang iba. Si Sphene ay kagrupo si Zerus . si Aether ay si Rhea . si Apollo ay si Hypnos at si Poisedon ay kagrupo si Selene . ang ibang natira ay si Arcus muna ang magtuturo sa kanila .

Maya maya ay tinawag na din kami ng asawa ni Arcus upang maghanda ng sarili namin pag kain kayong mag kagrupo ang magkasamang maghahanda ng kakainin nyo dahil hindi nila kami pinagsisilbihan dahil iyon ang bilin sa kanila .

Habang naghahanda ang iba ng makakain ay nakatayo lang kami ni Zeth .

Hindi pa ba kayo gagawa ng makakain nyo sabi sa amin ni Sphene agad agad naman akong napatingin sa kanya .

Magluto na siya ng makakain nya dahil hindi naman ako gutom sabi ni Zeth at lumabas sa kubo .

Agad namang ngumiti na parang humihingi ng paumanhin si Sphene . agad naman akong ngumiti .

Maari ko ba syang makausap tanong ko kay Sphene.

Ngumiti ito sa akin kaya sinundan ko si Zeth . agad agad kong nakita na papasok na sya ng kagubatan kaya agad agad akong tumakbo . para maabutan sya ngunit medyo malayo ang pagabi na rin kaya padilim ng padilim ang paligid

Ng makapasok sa bukana ng gubat ay agad agad kong hinanap sya . ngunit ni Anino nya ay hindi ko makita

Nag lakad lakad ako sa gubat .

Ng maya maya ay may nakita akong lalaking nakatalikod .

ZETH ! sigaw ko .

Ngunit tumakbo pa ito papasok sa masukal na daan ng gubat . kaya tumakbo ako at hinabol sya

Ng makarating sa gitna ng gubat ay wala akong nakitang taong andoon .

Zeth ! Pakiusap hayaan mong kausapin kita ! Zeth!

Maya maya ay may limang bergozians ang pumalibot sa akin .

Agad agad nanghina ang tuhod ko ng makita na ang isa roon ay ang prinsipe ng bergozians .

Magandang gabi sayo binibini . bati nito sa akin agad agad na dumaloy ang takot sa pakiramdam ko ng dahil sa boses nya .

Hindi ako makatingin ng maayos sa mga mata niya dahil sa takot .

Agad agad itong humakbang patungo sa akin ngunit paatras din ako ng paatras .

Hindi mo ba alam na masyadong delikado ang gubat para sa isang katulad mong prinsesa ? Sabi nito .

Agad agad akong tumakbo paatras ngunit hinawakan ako ng kasama nyang bergozians.

Wag ka ng magbalak na tumakas pa mahal na prinsesa . ngumisi ito sa akin .

Bitawan nyo ako ! Bitawan nyo ako ! Zeeeethhhh ! Tulong ! Sigaw ko

Akala mo ba ay tutulungan ka nya ? Akala mo ba maririnig ka nya . bigla itong tumawa ng napakalakas .

Isang hangal si Zeth ! Hindi nya alam ay hawak namin sya sa leeg . at dadating ang araw na mapapaamin sya ! Kaya habang maaga pa . sumama ka na sa amin prinsesa. Gagawin kitang reyna ng aking nasyon .

Reyna ! Pwe ! Hindi ako papayag maging reyna ng mga taong ubod ng sasama ! Wag mong subukang lumapit ! Sigaw ko sa kanya

Ngunit patuloy pa rin ang paghakbang nya .

Zeth . zeth asan kana ba .

Hindi ninyo alam na may traydor na tratraydor sa inyo balang araw. Kaya kung ako sa iyo prinsesa mag ingat ingat ka . tignan mong mabuti kung sino ang mga taong pagkakatiwalaan mo .

Tumigil siya sa harap ko .

Hindi muna kita kukunin . ngunit bibigyan kita ng babala .

Wag magtiwala ng basta basta . wag mag paloko sa physical na anyo . hindi nyo alam mamaya nahulog na kayo sa bitag ko ! Tumawa ito ng malakas at bigla bigla silang nawala .

Nakaramdam naman ako ng hilo dahil sa takot at bigla na lang nagdilim ang paligid.

------

Pasensya na ang tagal na update 😂😂 hindi ko kasi mabuksan yung account ko haha .

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon