Lutte contre l'un de la garde des anges

17 6 6
                                    

"FIGHT AGAINST ONE OF THE GUARD OF ANGELS"

KHIONNE POV:

Nang sinabi iyon ni Sir Mico ay may pumutok na isang red na fireworks hudyat na simula na ng laban .

sumugod naman si Zerus , gusto nya ata ay mag combat battle sila ng walang gamit na kapangyarihan . akmang susuntukin nya sana si Poisedon na nakatayo lang doon at nakapamulsa ng biglang nawala si Poisedon at lumabas sa likod ni Zerus at sinipa ito ng malakas sa likod

Whoah biglang sabi ng mga taong nanunuod 

Gumamit sya ng teleportation biglang sabi ni Kuya Oceanus

Isa sa advantage ni Poisedon ang bigla bigla nyang pagteteleport pero parehas sila ni Zerus ng kayang ibend na Element , parehas silang Earth Elemental user sabi naman ni Phobe 

agad agad tumayo si Zerus ginamit na nya ang kanyang elemental power . unti unti nyang kinumpas ang kamay nya . halos mayanig ang buong field nagsilutangan ang mga lupa. nag form ito ng malalaking bilog kinumpas ni Zerus ang kamay nya at hinagis ito  kay Poisedon

nakita namin na nakatayo lang doon si Poisedon habang palapit ng palapit sa kaniya ang tira ni Zerus

Hindi ba siya iilag? tanung ni Selene

maya maya ay inangat na ni Poisedon ang kamay nya , hinawakan naman nya ang tungki ng ilong nya ,

nagulat na lang kami na tumigil sa harapan nya ang tira ni Zerus , maski si Zerus ay nagulat 

tinignan ko ng mabuti si Poisedon . seryosong seryoso sya . hindi ko alam kung kinakausap sya ni Zeth o talagang ganito lumaban si Poisedon ,

Agad agad tinaas ni Poisedon ang kamay nya . samantalang ang isa ay nakalagay sa bulsa ng jogging pants nya , kinumpas nya ang mga ito . nagulat kami ng maging patusok na ang mga ito . matutulis na tusok nakaangat pa rin ang mga ito . maya maya ay tumingin si Poisedon sa taas agad agad naman nagsisunuran ang mga lupa. ng tumingin si Poisedon kay Zerus ay bumulusok na pababa ang mga matatalim na lupa agad agad naman gumawa ng shield si Zerus pero hindi parin sapat dahil nasira to at natamaan sya

nakayuko si Zerus pero may tumutulo ng dugo sa mukha nya ng iangat nya ang mukha nya ay may sugat ito sa noo . sira sira na rin ang p.e tshirt nya .

galit na galit ito kay Poisedon agad agad nag summon si Zerus ng mga Vines May tinik ang mga ito Agad nya itong sinugod kay Poisedon . Bago pa ito makalapit kay Poisedon ay agad agad gumawa ng mataas na pader si Poisedon ngunit inakyat at inakyat lang ito ng mga vines ng mabuwag ang pader ay wala na si Poisedon doon nagulat na lang kami ng biglang lumipad si Zerus nasa likod nya na pala si Poisedon 

habang nakahiga si Zerus ay itinaas ni Poisedon ang kamay nga may lumabas na mataas na mga pader sa gilid ni Zerus . tumayo naman si Zerus pinunasan nya ang dugo sa labi nya 

patuloy sa pagkumpas si Poisedon at may lumabas na matataas na pader sa Harap at likod ni Zerus , Huli na ng makita ito ni Zerus kaya natrap sya roon masyadong mataas ang pader pero alam kong kaya lumabas ni Zerus doon kaso bago nya ito magawa ay biglang may lumabas ng harang sa taas ng mga pader para na itong box maya maya ay inangat ito ni Poisedon. 

nagulat kami at pati sa baba ay selyado na rin

napatayo naman si Kuya Oceanus

Paano makahihinga dyan si Zerus? tanung ni Selene

Mayamaya ay pinaikot ikot na ito ni Poisedon gamit ang dalawang daliri nya sa kaliwang kamay nya . 

Inapakan naman ng malakas ni Poisedon ang lupa kaya nahati to . doon nya itinuro ang daliri nya agad agad na bumulusok doon ang malakartong lupa tumalikod na doon si Poisedon mukhang papunta na sya Kela Zeth .

ng Sumabog ang Box ay nakita naming si Zerus na wala ng malay puro pasa at sugat agad agad naman tumakbo sila Rhea Cybele , Kuya Oceanus at Hypnos tumakbo na rin ako papunta roon 

agad namang pumalakpak ang mga manunuod . kahit ang aming punong guro ay bumilib kay Poisedon sino nga ba naman kasi ang hindi mabibilib sa ginawa nya pero hindi ito ang oras para mabilib agad din nagpadala ng healer ang punong guro sa pwesto namin kung saan nakahiga at walang malay si Zerus ,

Agad din naman nagsi alisan ang mga estudyante

Hindi naman malakas si Zerus 

akala ko ba malakas wala namang binatbat

hindi man lang pinagpawisan yung kalaban nya

kung kay Poisedon wala na syang panama paano pa sa kambal nya

narinig kong bulong bulungan ng mga estudyante napatayo naman ako wala silang karapatang insultuhin si Zerus pero hinawakan ni Kuya Oceanus ang kamay ko para pigilan

Hayaan mo na sila Khionne sabi nito , 

Nakatingin lang kami kay Zerus na ginagamot ng Healer

Hindi pa sya makakafully recovered kung si Prinsipe Apollo sana ang mang gagamot sa kanya baka wala pa ilang segundo ito sabi sa amin ng Healer

Bakit po ano po ba ang problema tanung ko

Madaming buto ang naputol sa kanya , Masyadong malalalim ang sugat na nakuha nya. dapat kasi kung kakalabanin nyo ang isa sa mga grupo na yun dapat simula pa lang ay gamitin nyo na ang majors nyo sabi nito sa amin

Mukhang minaliit ni Zerus si Poisedon kaya hindi nya ginamit ang Majors nya sabi naman ni Hypnos

May pag asa sana na matalo nya si Poisedon pag dating sa pagteteleport nito dahil kaya namang pigilan ni Zerus ang Oras sabi ni Rhea 

Mukha nga atang minaliit nya si Poisedon , at siguro nahalata ni Poisedon yun kaya seryosong seryoso sya kanina . sa simula pa lang halata mo ng minaliit ni Zerus si Poisedon dahil umatake sya ng hindi gumagamit ng kapangyarihan, 

Napasigaw naman si Zerus sa sakit 

Hindi nyo po ba magagawan ng paraan para mas mapabilis sya gumaling tanung ko

Hindi ko kaya yun iha , kahit mataas na ang kapangyarihan ko sa pagheheal iba parin pag ang prinsipe Apollo anng nag heal , masyadong malakas ang Healing power nya. mula pagkabata pa lang ay kilalang kilala na si Apollo dahil sa pangbihira nyang pag gagamot, madaming nagsabi na namana nya ito sa kalololo lohan nya si Haring Benedict na magaling at mabilis mag heal. at kaya rin nilang Mag heal kahit hindi nila hawakan ang parte kung saan nila iheheal kahit tignan lang nila ito ay kaya na nilang alisin ang sakit,sugat o pagalingin ito sabi ng healer sa amin

Paano tayo hihingi ng tulong kay Apollo tanung ko sa kanila

hindi naman sila sumagot

Wala ba kayong balak magbaba ng pride para manghingi ng tulong tanung pa sa kanila

napasimangot naman sila

nagulat na lang kami ng nagsalita si Zerus

Wag na wag kayong hihingi ng tulong sa kanila, Ibang klase sila maningil ng Utang na loob .

-----------------------------------------------------------------

"YOUR POWER WILL NEVER BE ENOUGH, HIS POWER WILL BE MORE THAN ENOUGH"

VOTE.COMMENT.RECOMMEND THIS STORY TO OTHERS

THANKYOU.LOVELOTS.STAY WARM. 😘😚

Deux CoeursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon