Bantay (Edited Version of Anino)

1.1K 13 2
                                    

Naranasan mo na bang makakita ng nilalang na maitim?

Hindi ang mga Ita o taong negro ang tinutukoy ko.

Ang tinutukoy ko ay isang kakaibang nilalang na may hugis,  pigura o anyo ng isang tao.

Tao na walang mukha.

Animo'y isang...

Anino. 

Ako nga pala si Mayco isang college student, kasama ang aking ilang mga kaibigan naranasan namin ang kakaibang kababalaghan sa bahay na aming inuupahan sa isang lugar sa Baguio City.

Ang kwentong ito ay naganap noong Holy Week, taong 2011. 

Bago pa man kami pumunta ng Baguio City, alam ko nang marami akong masasaksihang kababalaghan at kakaibang pangyayari. 

Bakit?

Alam mo ba na bukas ang aking third eye.

Kung natatawa ka, bakit hindi mo tingnan ang batang nasa tabi mo.

Kanina pa nakatitig sayo.

Hindi mo lang napapansin dahil nakatuon ang atensyon mo sa iyong binabasa. 

H'wag mo ng tangkaing lingunin, bahala ka. 

Dahil sa mga naririnig kong sabi-sabi, marami raw talagang ligaw na kaluluwa at kakaibang nilalang doon. Pero hindi ko inaasahan na sa mismong bahay na aming uupahan mayroon ding kakaibang karanasan kaming matutunghayan.

Katanghaliang tapat noon, kayayari lang naming kumain ng pananghalian. Ako ang naka-assign para maghugas ng mga pinggan noong araw na 'yon.

Ang mga kaibigan ko ay bumaba para maglaba ng mga marurumi nilang damit.

Dahil sa maglalaba sila sa baba, malamang gagamitin nila ang gripo doon. Tuwing gagamitin kasi ang gripo doon sa ibaba'y humihina ang tulo ng tubig dito sa lababo sa kusina.

Dahil doo'y napagpasyahan kong sa banyo nalang ako kukuha ng gagamiting tubig dahil mas malakas ang tulo ng tubig doon. 

Nagtungo ako sa banyo dala ang maliit na timba at isang bote ng 1.5. Dalawa ang banyo namin, doon ako sa banyo naming mga lalake pumasok.

Binuksan ko ang gripo at isinahod ang timbang dala-dala ko.

Muli akong bumalik sa kusina para punasan ang lamesa at ligpitin ang aming pinagkainan. 

Ilang minuto palang ang nakakalipas nang marinig kong tumatapon na ang tubig doon sa banyo, kaya dali-dali akong tumakbo patungo roon.

Kinuha ko ang bote ng 1.5 na nakalapag sa sahig at isinahod  iyon sa gripo.

Dahil sa mababa ang gripo ay medyo nakayuko ako. 

Ilang sandali pa ay may napansin akong maitim na bagay na tila ba nakatayo sa tabi ng bowl, malapit saking kinatatayuan.

Tinitigan ko iyon. "Anino lang pala." sa isip ko. 

Ngunit nang madako ang aking tingin sa aking likuran ay naroon ang aking anino. Napaisip ako sumandali.

Nang walang anu-ano'y biglang tumigil ang pag-agos ng tubig sa gripo, tila ba naubusan ito ng laman. Hindi pwedeng wala ng laman ang tangke nang tubig dahil kakakarga lang nito kahapon ng umaga.

Bigla akong kinabahan. Nagsimula naring manlamig ang aking buong katawan. Pakiramdam ko'y bumilis din ang pagpintig ng aking puso.

Nilingon ko muli ang bowl sa aking tagiliran.

Naroon parin ang maitim na anino. Itim na itim ito kumpara sa mga normal na anino.

Naglakas loob akong tingnan ito paitaas.

"Isang taong maitim!" sigaw ng isipan ko. Isang animo'y taong negro ang nakatayo sa aking tagiliran! 

Dahil sa labis na takot at pagkabigla ay dali-dali akong tumakbo palabas ng banyo dala-dala ang bote ng 1.5.

Mangiyak-ngiyak ako sa aking nakita. Hindi ko kasi inasahan na isa pala iyong kakaibang nilalang.

Nanginginig parin ang aking buong katawan kahit wala na ako sa loob ng banyo.

"Best, ba't tumatakbo ka?" nagtatakang tanong ng kaibigan ko na kapapanhik lang para kumuha ng ipit ng damit.

"Ah, wala lang." saka ako ngumiti. Hindi ko sa kanya sinabi dahil alam kong masyado syang matatakutin. Samin kasing magbabarkada isa siya sa mga duwakang. 

Pagkakuha ng ipit ng damit ay bumaba na muli siya.

Naiwan akong muling mag-isa sa itaas, sa kusina.

Dahan-dahan kong nililingon ang banyo mula sa aking kinatatayuan.

Wala na ang animo'y anino roon. Pero kahit na ganoon, hindi na ako bumalik sa loob ng banyo bagkus ay bumaba nalang ako para doon mag-hugas ng mga pinggan. Nagtataka nga sila dahil may tubig naman daw sa itaas, bakit daw doon pa ako nakikipagsiksikan sa ibaba.

Ngunit hindi doon nagtatapos ang pagpapakita ng animo'y aninong iyon.

Kinabukasan, alas-siyete na ng gabi.

Napagpasyahang bumili ng dalawa kong kaibigan sa malapit na tindahan sa amin. Kami naman ay naka-upo lang sa may sala at nagku-kwentuhan.

Nasa harap na sila nang pintuan ng bahay nang mapansin ko sila.

Nakita ko silang itinataas-taas ang kamay. Bahagya pa nga akong natatawa dahil mukha silang mga ewan sa ginagawa nila.

Nagulat nalang ako nang bigla nalang nilang isinara ang pinto at nagtatakbo kung nasaan kami.

"M-may a-ani-i-no!" nangangatal na sabi nila.

"Huh?" tanong naman ng iba naming kaibigan.

Napailing nalang ako.

"May anino sa labas. H-hugis tao, pero hindi naman samin!" pagkasabi noo'y humagulgol nalang sila ng iyak.

Kaya siguro nila itinataas-taas ang mga kamay nila ay para malaman nila kung sila nga ba ang nag-mamay-ari ng nasabing aninong iyon. Pero nang itaas nila ang kamay nila ni-hindi manlang gumalaw ang nasabing anino. Dahil doon ay nagtakbuhan na sila papunta sa amin.

Naalala ko tuloy bigla ang aninong nakita ko kahapon. Marahil ay 'yon din ang nakita nila sa labas ng bahay.

Dahil sa takot, hindi na nila nakuhang lumabas ng bahay ng gabing iyon. 

Noong gabi ring iyon kinausap kami ng aming kuya, ang kuya-kuyahan ng buong barkada.

Ang sabi nya, "Oo. Totoo yung nakita nyong anino. Ang alam ko taga-bantay 'yon ng bahay na'to. Hindi ko lang sa inyo sinabi ang tungkol don dahil alam kong matatakot kayo."

Koleksyon ng mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon