Laruan

558 6 1
                                    

NOTE : Incognito : Battle of the Unknown Finale Entry (Collab w/ NielXX)

LARUAN

"H'wag! P-pakiusap, wag mo akong papatayin," pagsusumamo sa 'yo ng isang lalaki habang nakahandusay sa malamig na semento at pilit na bumabangon. Nakapinta sa kanyang mukha ang labis na takot at pagkasindak.

Matipid na ngiti lang ang iyong naging tugon. Tatayo na sana siya ngunit agad mo itong sinipa sa sikmura na naging dahilan upang muli siyang mapahiga. Hindi ka pa nakuntento at pumaibabaw ka sa kanya saka sinimulang suntukin ang kanyang mukha.

"Masakit ba?" tanong mo rito sa nakalolokong tono. "Ipatitikim ko ngayon sa 'yo ang pinalasap n'yo sa akin noon. Sisiguraduhin kong malalasahan mo ang impyerno."

Hinawakan mo siya sa kanyang leeg saka dahan-dahang itinayo. Putok ang kanyang mga labi at maga naman ang kanyang mukha. Agad mo naman siyang sinampal nang mapansin mong unti-unti na itong pumipikit. "Hindi ka pwedeng matulog!" bulyaw mo rito.

Ang lalaki ngayon sa iyong harapan ay isa sa mga nagparusa sa 'yo noon sa loob ng kulungan. Minsan ka na rin kasing nahuli ng awtoridad at ibinilanggo dahil sa mga krimeng kina-sangkutan mo. Hindi ka rin naman nagtagal sa lugar na 'yon dahil nakagawa ka ng paraan para makaalis doon. Pinalipas mo lang ang ilang araw saka muling kumilos para tugisin ang mga taong nagpahirap sa 'yo sa loob.

"Nato!"  halos maiyak na sigaw ng babaeng kararating lamang.Nakita kasi nito ang asawa na nakahandusay sa iyong paanan. 

Mabilis itong lumapit sa 'yo at bibigyan ka sana ng sampal nang agad mo itong napigilan. Ngayon ay hawak-hawak mo ang kanyang kanang kamay. "Hayop ka! Anong ginawa mo asawa ko?" Kahit nangingilid na ang mga luha ay nasa mukha pa rin niya ang galit.

"Matapang ka, ha? Gusto ko 'yan." Ngayon ay hawak na ng kanang kamay mo ang magkabila niyang pisngi. Dahan-dahan mong inilapit ang 'yong bibig sa kanyang tainga at saka bumulong, "Gusto mo bang maglaro?" Isang nakakalokong ngiti ang rumehistro sa 'yong labi.

Halos mapasigaw ka naman nang maramdaman mong may kung anong kumagat sa binti mo. "Ah!"

"Tumakbo ka na Lea! Dali!" nanghihinang sigaw ni Nato bago tuluyang nawalan ng malay.

Dahil sa pangyayaring 'yon ay nabitawan mo ang babae. Tatakas na sana ito pero agad mong nahablot ang mahaba at kulot nitong buhok. Upang masiguradong hindi na ito makatatakbo pang muli ay sinuntok mo ito sa tiyan. Sandali mong hinarap ang lalaki at ginapos habang nakaupo sa isang silya.

Nilapitan mo ang babae. Tinitigan mo muna ito mula ulo hanggang paa at pabalik sa kanyang mukha. Sa maputi at basang blusa niya na marahil ay dahil sa walang humpay na pag-iyak ay nakikita mo na halos ang kanyang katawan at ang kakarampot na tela na tumatakip sa kanyang dibdib. Napangisi ka sa iyong naiisip. Nagsimulang uminit ang iyong pakiramdam. Makinis, maputi at may kagandahan ang katawan ng babae na nasa iyong harapan.

Para ka ngayong isang asong gutom na gutom sa laman nang ilabas mo ang iyong dila at pinaikot ito sa iyong mga labi. Nasa iyong mga mata ang pagnanasa.

Unti-unti mo siyang nilapitan hanggang sa isang dangkal na lang ang layo niya mula sa 'yo.

"A-ano'ng gagawin mo?" tanong sa 'yo ng babae. Imbes na sumagot ay walang babalang hinablot mo ang kanyang blusa at walang habas na pinunit 'yon hanggang sa wala nang matira sa kanyang pang-itaas.

Mabilis mo siyang sinunggaban at siniil ng halik. Matamis at malambot ang kanyang mapupulang labi. Mas lalo ka tuloy ginanahan na tuluyan siyang maangkin. Nang manlaban ito'y agad mo siyang sinampal at saka dali-dali mong dinampot ang kanyang sira-sirang damit. Ngayon ay tila isa siyang preso na nakaposas ang mga kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Koleksyon ng mga Kwentong KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon