Prologue
Alam nyo yung pakiramdam na parang nasa langit ka. Yung feeling na lumulutang ka at lahat ng nakapalibot sayo ay malinis, maputi at magaang sa pakiramdam. Yung puno ng ulap ang paligid at may maririnig kang tinig ng mga anghel. Well ako oo. As in nasa langit talaga ako. Nandito ang kaluluwa ko ngayon naghihintay na pagbuksan ng maganda at magarbong gate ng langit. Ang ganda, gawa ata sa ginto to. Ang tagal nga bumukas kanina pa kami dito. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako napapunta sa lugar na to. Ang huli kong natatandaan ay isang maliwanag na ilaw tapos boom nandito na ako sa langit kasama ang ibang kaluluwa. Ako pa nga ang pinakabata dito, lahat kasi ng kasama ko puro may edad. Bale lima kaming lahat, dalawang matandang babae tapos dalawang matandang lalaki at ako yung panghuli.
"hindi ba masyado ka pang bata iha parang kasing edad mo lang ang apo ko, ano ba ang nangyari sa iyo?" malumanay na sabi sa akin ng isa sa mga lola. Ang tangos ng ilong, siguro maganda to nung bata siya well kahit nga ngayong may edad na siya ay maganda pa rin.
"uhmm hindi ko nga po alam. Namalayan ko na lang po na nandito na ako."
"ganun ba" tumango ako bilang sagot. Nagkwentuhan lang kami ni lola, actually siya lang ang nagkukwento, nakikinig lang ako.
"Tapos yung apo ko, napakabait nun sa akin. Mahal na mahal ko nga ang batang yun. Kaya natatakot ako na baka kung anong mangyari ngayong wala na ako. Kung may pagkakataon lang masabi ko sa kanyang mahal na mahal ko siya gagawin ko ang kahit ano" malungkot na sabi niya. Mahal niya talaga yung apo niya, kitang kita sa mga mata niya.
"Wag kayong mag-alala lola, sigurado po akong mahal niya rin kayo at maiintindihan niya kung bakit niyo siya iniwan" hinawakan ko ang kamay ni lola para maicomfort siya.
"salamat iha" nakangiting sabi niya.Napunta ang atensyon namin sa gate nang dahan dahan itong bumukas. Lumabas ang dalawang anghel. Grabe ganyan ba ang mga anghel iba talaga ang itsura nila. Kulang na kulang ang description na gwapo, pogi at maganda. Iba talaga. Lumapit kaming lima sa kanila. May dala silang scroll. Baka parang listahan kung sino makakapasok. Sana makapasok ako. Feeling ko naman mabait ako nung nabubuhay ako sadyang hindi ko lang maalala.
"Franco Sanchez" tawag nung isang
babaeng anghel, hanep pati boses perfect. Kinausap nila yung isang lolo tapos ay pinapasok na siya. Ganun din ang ginawa nila sa iba hanggang sa kami na lang ni lola.
"Andreana Williams" pangalan yan ni lola. Kaya pala ang tangos ng ilong may lahing Amerikano.
"Sige iha, magkita na lang tayo sa loob" nakangiting sabi niya. Niyakap niya pa ako bago siya lumapit sa dalawang anghel. Nang makapasok si lola hinintay kong tawagin ang pangalan ko pero nagtaka ako nang pumasok yung dalawang anghel sa gate. Hala nakalimutan ata ako.
"Sandali! Sandali lang po" nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. "Ako pa po nakalimutan nyo" tiningnan nila akong dalawa at nginitian, kung hindi lang ako nagpapanic na baka hindi ako makapasok baka tinitigan ko lang ang ngiti nilang dalawa, ang ganda ganda kasi.
"Nagkakamali ka iha, hindi ka namin nakalimutan, hindi ka talaga maaring makakapasok ng langit" hala saan ako pupunta. Paano kung....
"i-ibig ny-nyo pong sab-sabihin sa impyerno po ako, hala hindi po ako masamang tao, mamatay tao, magnanakaw o-o ra-rapist... ata. H-Hindi k-ko po p-pala maalala." nauutal na paliwanag ko. ano ba yan baka masamang tao nga ako, eh kung ganun bakit nandito ako. Naligaw ba ako? Pero hindi eh, huli kong naalala, yung maliwanag na ilaw tapos nasa langit na ako. Baka nakalimutan ko ring naliligaw ako. Tiningnan ko yung dalawang anghel at mukang naaliw pa sila sa pinagsasabi ko.
"Hindi ka naliligaw" hala paano niya nalaman ang iniisip ko.
"Anghel kami iha" sabi ng isang lalaking boses sa isip ko.
"waaahhh!!! Sino yun? I-ikaw ba y-yun?" tinanguan niya lang ako.
"Ang totoo niyan ay hindi pa namin sigurado kung karapatdapat ka na bang mapunta sa langit" paliwanag nung babaeng Anghel.Ano kayang pangalan niya.
"Mirabel iha yun ang pangalan ko at siya naman si Nathaniel"
"Uhmm Angel Mirabel ano pong ibig nyong sabihin na hindi pa po ako karapatdapat?"
"Hindi pa namin maaring sabihin ang dahilan ngunit may misyon kaming ipapagawa sa iyo sa loob ng 40 days" sabi ni Angel Nathaniel. Sa sobrang lumanay nilang magsalita hindi ko nagawang magpanic basta tango lang ako ng tango at tinatanggap lang ang sinasabi nila.
"ipapadala ka namin sa lupa. Doon may makikilala ka. Sa una mahihirapan ka ngunit sa mga darating na araw ay unti unting aayos ang sitwasyon mo." paliwanag ni Angel Mirabel.
"ano pong ibig nyong sabihin?"
"masyado na kaming maraming nasabi iha hindi namin maaring sabihin sayo ang lahat dahil ayaw naming madiktahan ang mga kilos mo sa sasabihin namin. Maiintindihan mo ang lahat sa tamang panahon. Ngayon humanda ka na dahil ibabalik ka namin sa lupa pansamantala. Tawagin mo lang ako kapag may kinailangan ka" yun lang ang huli kong narinig na sinabi ni Angel Mirabel nang maramdaman kong mahulog ako.
WAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!
MAMAMATAY ULIT AKO!!!!!!!
A/N: pinakabagong story lokaloka ako ehhh hahahaha.. Kapag maganda ang feedback ipagpapatuloy ko.. Comment na lang kayo..
BINABASA MO ANG
Fallen From Above...(Literally)
RomanceA story about girl who fell from above literally and the boy who she fell on.