Chapter 6

265 9 1
                                    

Chapter 6

“Mahal pa rin kita Maria Divina. Noon hanggang ngayon.”

Nakatingin sya sakin, nag aabang ng reaksyon ko. Pero kahit isang salita walang lumabas sa bibig ko.

“I’m sorry kung umalis ako noon. Nung nawala sya, nawala rin ako sa tabi mo. Hindi kita dinamayan. I’m sorry kung di ako nagparamdam sayo. Gustong gusto kitang tawagan. Sa maniwala ka man o sa hindi. Gustong gusto kitang puntahan para kausapin. Pero ewan ko ba. Gago lang nga siguro ako. Duwag. Natakot akong ma reject. Alam kong sya pa rin Divina kahit nung nagalit ka sa kanya. Alam kong mahal mo pa rin sya. Ako, ayokong magpatalo sa kanya. Kaya pinilit kong lokohin ang sarili ko na hindi naman talaga kita ganun kamahal. Ang tanga ko. Pero ngayon andito na ulit ako. Gusto kong ipagpatuloy ang naudlot sa atin. Naisip ko din, siguro maganda na rin yung hindi ako nagpakita sayo sa loob ng mahabang panahon. Para tuluyan mo na syang malimutan. Para ngayon, sana, ako naman Divina, ako naman ang mahalin mo gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Pooota. Ang drama ko.” Natawa sya at nailing sa sarili pero ibinalik nya ang tingin sa akin. Binabasa nya ang reaksyon ko. “Magsalita ka naman oh. Mukha na akong tanga dito.”

Ano bang dapat ko pang sabihin? Sa dami ng sinabi nya wala na akong maisip na sabihin.

“Hoooy. Ano? Kung anong nararamdaman mo sabihin mo sakin. Ok lang kahit masakit tatanggapin ko. Basta sabihin mo. Kung gusto mong lumayo ako gagawi---”

“Teka. Teka. Inaabsorb ko pa. Pwede bang. Bigyan mo ako kahit isang minuto pa. Naguguluhan ako e. Ano bang ibig mong sabihin? Ang gulo e. Pwedeng pakiulit nung mga sinabi mo.”

He looked at me not even blinking. His face is saying ‘are you serious??! REALLY?????!’

 

Pero nagbuntung hininga lang sya. Napakamot sya sa ulo and he slowly smiled. That face, that handsome face had changed fron the very first day I saw him. His eyes were the same yet different. It’s more expressive now, every look means something. And his ever sexy, messy hair that says ‘yes I’m hot. And I don’t give a damn.’

“Ok. Ganito na lang. Divina, pwede ba akong manligaw?”

O___O

“Huh??”

“Just say yes or no. Kahiit anong sagot mo irerespeto ko.”

“Ah....Ano....Pwede bang pass? Next question?”

“Divina...”

“Ok ok. Teka lang. Pwede man lang ba mag isip?”

“Sige 10 seconds.”

“10 seconds?!! Pwede bang---”

“10...”

“Tekaaaa!! Oh my...”

“9...”

“Hoy. Ano nagamamadali? May lakad may lakad?”

“8...”

“My gaaaad Jake! Hindi naman ganun kadali magdesi---”

Come Back: The Comeback Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon