CHAPTER NINETEEN

15 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Nagulat nalang kami ng tanggalin niya yung piring sa Mata niya.

"I'm sorry guys."

"W-we understand..." Sinserong sabi ni Nicole Kay Roxy.

"It's okay... Sabi nga ni prof Trust is not easy to gain." Clarence said.

"Okay lang yan! K-kahit ako natakot eh. Tsaka kahit maganda at gwapo natatakot din." Biro ni Karl.

Tinanguan niya lang kami.

Kinabukasan

As usual nag'zumba exercise' kami sa umaga.

Nag group sharing naman sa hapon.

Last day and night nalang kami dito dahil bukas na ang balik namin.

Kinagabihan pinag gather kami sa session hall.
Gaganapin na daw and pinaka highlights ng Camp.


Ipinaliwanag samin ni Prof ang mangyayaring activity ngayon.
Magkakaroon daw ng Public Sharing about school life and Family.

Pinapunta na kami sa labas para dun ata ganapin yung public Sharing. 
Medyo madilim nadin. 

Yung ibang Team ay nakapalibot na sa bonfire...  Mukhang maganda ang mangyayari ah.

***

"Im the only Child. And I can have what i want, But im not still Happy because of that. My mother and father Always in Work so that i Always sleep alone when they in work for our family business. Masasabi kong lumaki akong Independent. I used to have a Condo for being their Alone. Naisip ko din na hindi nila ako mahal kaya lagi silang wala, but i realized. Maybe they just do that because of me. For me, for my Future. Natauhan ako at nagsisi sa lahat ng masasamang naisip ko sa parents ko." 

Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi nung isang ka block mate namin mula sa isang team. Una muna kaming nag group sharing. Mga kaTeam lang namin ang kasama namin.

Dito naman sa public sharing pipili ka ng isang representative ng team nyo kung sino ang magshashare sa harap. 
It's up to you kung about family, school, or love life problem ang ishashare mo. 

At ang napili namin si Roxy. 

Di namin siya pinilit, nung sinabi kasi namin na kung pwede bang siya yung magshashare sa harap pumayag sya agad. 

Akala nga namin hindi seryoso pero alam nyo namang si Roxy yan. Kailan ba sya huling nagbiro? Anong chapter? 


It's our turn. 

Tumayo na si Roxy sa gitna. 

Halos lahat ng ingay nawala. 

Wag na kayong magtaka. Si Roxy kaya yung tumayo. 

"Di ko alam kung paano magsisimula. Kilala nyo naman siguro kung sino ako pero sa mga hindi nakakakilala sakin Ako nga pala si Roxy Ann Dela Vega. 19 years old. Education. Isa ako sa mga scholar ng Timberland University. Mahirap lang ang pamilya namin kaya laking pasalamat ko ng matanggap akong scholar sa school na to."

Seryoso lang si Roxy sa pagsasalita. Nanatili siyang walang emosyon, kaya naman kung Hindi mo alam na normal lang sakanya to, iisipin mong wala lang siyang pake. Dahil kung magsalita siya ngayon animo'y walang kwenta lang ang mga pingsasabi niya. Lahat ng ingay nawala, Lahat ng atensyon na kay roxy.

"Alam kong kilala nyo ko bilang isa sa mga masamang istudyante sa Unibersidad. Alam ko isa ako sa kinaiinisan ng lahat. At siguro maraming nagtataka kung bakit, *sigh* kung bakit pa ko nagaaral samantalang parang wala ng patutunguhan yung buhay ko. Nung bata pa ko, sinabi ko sa sarili ko na magiging isa akong guro. Isang magaling na guro na ituturo lahat ng magagandang asal sa mga magiging istudyante ko. Isang gurong gagawin at kakayanin ang lahat para lang maturuan ang mga magiging istudyante ko. Lahat ng pangarap ko, lahat ng yun gusto kong maabot. At ang inspirasyon ko ay ang pamilya ko. Dati sinabi ko sa sarili na ang swerte ko dahil may pamilya ako. Kumpleto't masaya. Pero Lahat ng pangarap ko...
Lahat ng pangarap ko unti unting nawala. Isang araw pag gising ko may isa na kong magulong pamilya. Isang araw pag gising ko sira na pala ang pamilya ko... At dahil dun... 
Unti unti ng nabura sa isipan ko lahat ng pangarap ko."

Tumingin ako sa mga Kapwa ko istudyante. Halos lahat ay naiyak sa sinabi ni Roxy. 

Sinong mag aakala na ganito pala kalaki ang problemang dala dala ni Roxy. Siguro natauhan ang ilan sakanila dahil madalas nilang hinuhusgahan si Roxy. 


"Hindi ko sinasabi to sainyo ngayon para kaawaan nyo ko. At para itigil nyo na ang panghuhusga sakin. Its up to you kung anong gusto mong isipin, wala akong magagawa. Kaya ko sinasabi sainyo to dahil gusto ko na simula ngayon pahalagahan niyo ang pamilya nyo. maraming bata, maraming tao, maraming anak na naghahanap ng pagmamahal ng isang ama, nang isang Ina. At kung isa ka man sa mayroong kumpletong pamilya, napakaswerte mo." 

Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Roxy... 

Kami namang mga ka Team nya ay tumayo para yakapin siya. 

Im so happy kasi nailabas ni Roxy ang totoo nyang nararamdaman. 

She don't need to wear her poker face mask anymore. And now, She can expressed her true feelings.  

Roxy's Point Of View

Until now hindi ako makatulog.  I dont know why. Pero siguro dahil to sa nangyari kanina. Masyado siguro akong na overwhelmed sa mga nangyari. 

I didn't expect na maiiyak sila sa shinare ko. 
Ewan pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feelings... 
Minsan pala ang sarap sa pakiramdam na kinakaawaan ka. Masarap pala sa pakiramdam na pinapakinggan ka. Na nailalabas mo yung totoo mong nararamdaman. 

At ang pinakamasaya ay yung sasalubungin ka ng yakap ng mga totoo mong kaibigan.

Kinabukasan... Maaga naming nilisan ang antipolo.

Nakakatuwa dahil sa tatlong araw naming nanalagi dito, ang dami kong natutunan.

Maaga akong papasok ngayon. Second semester naaaaaa...
Ngayon lang ako naging ganito ka excited na pumasok sa school.
Hahahhahh para na Kong timang.
Ewan pero lahat ng negative sa buhay ko nawala.

I'm now a good girl.
No...no...no... Let me rephrase it



THE GOOD GIRL ROXY IS BACK...

THE BAD GIRL WAS FALLENWhere stories live. Discover now