Roxy's Point of View
Kasalukuyan akong nasa School garden... Naglalakad lakad lang.
Kapag dadaan ako, nagsisialisan yung ibang istudyante.
Educ student ako. Ewan! Eto pangarap sakin ng magaling kong tatay eh.
Kung tutuusin ayaw ko Sana mag educ dahil sa totoo lang maliit lang ang sahod ng teacher. Pero parang nasa puso ko na ang pagtuturo. Simula bata ako gustong gusto Kong magturo sa iba... Naalala ko pa pinagpapractisan ko sila mama, papa at kuya.Nangiti nalang ako sa naalala ko
Simula ng maghiwalay sila ng mama at papa, Nawalan na ko ng ganang mag aral.
Para san pa? Kung ang pangarap ko na matulungan sila ay matutupad nga pero hindi na din naman kami kumpleto. AISSSSSHHH! Ayoko nang madrama FVCK!
Mahihina lang ang mga nagdadrama. At Di ako mahina...Every Lunch time andito lang ako sa School Garden.
Di ako naglu-lunch.
I don't care kahit anong isipin ng ibang istudyante dito...
minsan pa naririnig kong pinaguusapan nila ko.
Kesyo wala daw akong baon kaya di ako nag tatake ng Lunch.
Na nakaawa daw ako kasi wala kong pangbili ng pagkain.
Na mukha daw akong Pulubi at kung ano ano pang kaekekang naririnig ko sa mga bibig nila. Nakakainis lang dahil ang gagaling nilang magconclude eh mali mali naman."Hello! Nag lunch ka na?" napalingon ako sa nag salita. Si bonnet boy.
I just stare at him.
As usual di ko sya pinansin. Wala kong ganang makipagchikahan sa isang to."Bakit di ka nakikipag usap sa Iba? Loner ka ba dito?"
"Di ako nakikipagkaibigan"
"Bakit?" usisa nya. Anong bakit?
"Kasi Ayoko." Walang ganang sagot ko.
"Ahmmm...." nag nod sya ng madaming beses. Teka nga bakit ko pa kasi kinakausap?
"Pwede bang makipag kaibigan?" Tanong nya."Ang kulit mo din e no! Di nga sabi ako nakikipag kaibigan eh. Tska bat ba ang kulit mo? Lapit ka ng Lapit sakin... Iba nalang lapitan mo pwede? Tignan mo sila, Wala ni isa sakanila ang interesadong maging kaibigan ako. At pwede ba? Ilang buwan na ko dito sa School na to at wala ni isang nag tangkang lapitan ako tapos ikaw ang lakas ng loob mong tanungin ako kung pwede ka bang makipag kaibigan?"
"W-WOAHHHH!"
"Anong WOAHHH?!!!!!" Pikon na talagang tanong ko. Ang weirdo ng isang to.
"Eh--Ehh kasi naman lumagpas ng mahigit 3 sentences yung sagot mo sakin eh"
"A-ano kamo? Baliw ka na."
Tch!Hanggang sa Natapos ang Lunch break sakin pa din nakasunod si Gago.
Tignan natin kung makakadikit ka pa sakin kapag nakilala mo ko.May 3 Subjects pang natitira bago mag uwian...
Mabilis lang natapos yung 3 subjects.
Umuwi na ko agad.
Wala naman akong iba pang gagawin eh...
Alangan tumambay pa ko sa School at mag palakad lakad pa
Masarap sanang tumbay... Kung may kaibigan ka.
Kaibigan? H-hahahaa roxy di mo kailangan nun.
At kahit kailan di ka na magkakaroon nun.
YOU ARE READING
THE BAD GIRL WAS FALLEN
AcakThis is the story of a BAD GIRL who wants to end her life. SHE HAVE NO FRIENDS, AND SHE HAVE LOTS OF ENEMIES Until She meet the person who make her Loved. The person who accept her as who she is... But what if Her happiness gone...