Roxy's Point Of View
Ang sarap sa pakiramdam...Nafeel ko na, na feel ko na may masasandalan ako.
"T-teka! Anong problema roxy? B-bakit ka umiiyak?" Tanong niya habang yakap pa din ako.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpatuloy pa din sa pag iyak.
LINTEK LANG! YUNG LUHA KO AYAW TUMIGIL SA PAG AGOS.
Maya maya pa ay bumitaw na ko sa pagkakayakap ko sakanya.
Bigla akong nakaramdam ng hiya.
Anong ginawa ko?
Bakit ko siya niyakap?
"P-pasenya na."
"Ikaw talaga. Ano bang problema?"
Kumalat na ata yung eye liner ko sa mukha.
"W-wala! Sige una na ko."
"T-teka lang!" hinawakan ako ni Raven sa braso.
May naramdaman akong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
A-ano yun? Ngayon ko lang yun naramdaman.
"Samahan mo muna ko dito?" Sabi niya.
At sa di malamang dahilan pumayag ako.
Anong nangyayari?
Bakit ako pumayag?
Raven's Point Of View
Ang boring naman dito sa bahay.Yinaya ko si Adrian magbasketball.
Tinawagan ni Adrian yung mag kapatid, si Ervin at Edmar.
Ang Arellano Brothers.
"Bro! Kita nalang daw sa Basketball court dun sa park."
"Sige ba!"
NakaJersey short lang ako. t-shirt sa taas.
"Tara na!" yaya ko.
***
"Lintek! Ang tagal naman nung mag utol. Teka lang pre bili lang ako fish ball. Gusto mo?"
"Sige lang! Dito muna ako."
Naglakad lakad muna ako sa park.
Ang tahimik naman dito.
Kahit pala weekends konti lang yung tao.
Sa basketball court lang madaming tao...
Maya maya pa nakarinig ako ng isang humahagulgol na iyak.
Hindi ko alam kung saan galing.
Nasa likod ko pala.
T-teka si roxy to ah?
Anong ginagawa niya dito?
Tsaka bakit siya umiiyak?
Parang kinukurot yung puso ko.
Parang hinahati, nung nakita ko siyang umiiyak.
Katulad ng nararamdaman ko kapag nakikita kong umiiyak si Mommy.
Teka iaapproach ko ba siya?
Baka ireject niya lang ako.
Pero kailangan nya ng kaibigan ngayon.
YOU ARE READING
THE BAD GIRL WAS FALLEN
AcakThis is the story of a BAD GIRL who wants to end her life. SHE HAVE NO FRIENDS, AND SHE HAVE LOTS OF ENEMIES Until She meet the person who make her Loved. The person who accept her as who she is... But what if Her happiness gone...