CHAPTER SEVENTEEN

22 0 0
                                    

Roxy's Point Of View

Maagang gumising ang lahat. Ako naman tong ang lalim ng eyebag.

Wala naman akong problema pagdating diyan dahil natatakpan naman yan ng Eyeliner. 

5 am palang Gising na kami. 

Grabe lang ha! Ano to pasakit? Kailangan talaga 5 am gising na? Sabi kasi nila kailangan naming magising ng maaga. Kung pupwedeng 4 am gising na kami gumising na daw. 





At alam ko na ang dahilan kung bakit... 

Agawan sa banyo. Aishhhh! Dapat pala talaga nagising ako ng maaga. 





"Hello. Good morning!" Napalingon ako sa bumati sakin. 

Ah si Rodelyn pala.

Tinanguan ko lang. Alangan nginitian ko. psh! Mahal yung ngiti ko.



"Hi Roxyyyyyy!!! Good morning..." -nicole. 

Tinanguan ko lang din. 



At ewan ko ba lahat ng ka grupo ko binati ako. Ang weird pero parang mayroong maliit na parte sakin na masaya ako. Ewan. Siguro kasi ang approachable nila. Pasensya nalang at di ko nasusuklian yung pag approach nila sakin. Di pa din ako handang magtiwala sa kanila. Minsan na kong nagtiwala, at sa pagtitiwalang yun nasaktan ako. 



Maya maya pa nakita ko na si Raven na papalapit. 



*Dug. Dug.Dug.* 

Potek! Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko??? 



*Dug. Dug. Dug.* 



Nang malapit na siya sakin...







"Uy pre goodmorning..." Bati sakanya ni Adrian. 



"Low." He replied. 

Umupo siya sa isang bato. 



Di niya ko pinansin??? 





tskk., Eh ano??? 









"Anong gagawin?" Tanong nung Karl habang kinukusot ang dalawang mata  na halatang bagong gising pa.



"Magzuzumba daw eh." Nicole said. 



What the fuck. Zumba? Seriously? I don't dance. Hell! 







"Good morninggggggg!!!!" Bati ni Adrian habang naguunat pa.

"Psh! Anong maganda sa morning kung ikaw lang din yung nakita ko." Rodelyn said. 

Nangangamoy away nanaman.

"Ay oo nga! Wala nang good sa Morning." Adrian said. 

"Tsss. Akala mo ang pogi. Mukha namang palaka." 

"Akala mo ang ganda. Kulot naman!!!" 

Di naman obvious na nagpaparinigan sila.

"Eh ano kung kulot ako???" Iretableng sabi ni Rodelyn.

"Eh ba't ka natamaan? Ikaw ba yun?" 

"Eh ako lang naman kulot dito ahhh!!!" 

"Pfft... hahahahaha! Asar talo." pang aasar ni adrian kay Rodelyn. 

"Mukha mo!!!" 

"Pogi??? Oo alam ko yun!" 

"Ugh! Pogi? Seryoso ka diyannn??? What the Heck!"

THE BAD GIRL WAS FALLENWhere stories live. Discover now