CHAPTER TWENTY TWO

4 0 0
                                    

Roxy Ann's Point Of View 


"Ingat!" Sabi ko bango niya paharurutin paalis ang sasakyan niya.

Pag pasok ko naabutan ko si Kuyang nanonood ng t.v. habang himihimas niya yung mahal niyang manok.

Di ko na siya pinansin pa at umakyat nalang sa taas ng bahay. Nakasalubong ko naman sa hagdan ang asawa niya. Bitbit bitbit ang anak nila...
Kasing edaran ko lang tong babaeng to pero dinaig pa si mama sa kalosyangan.

"Hoy! Ano? Manok na naman? Manok nanaman? Buti pa yung manok nahihimas mo. Eh ako at tong anak natin di mo mahimas... Langyah ka!"

"Tang Ina! Himas lang pala sweetheart. Mamaya na, excited ka masyado." Dinig Kong sabi ni kuya.

"T*ngina mo! Himasin mo t*ti mo gagu!" Galit na sabi ng asawa niya.

"Hoy umayos ka nga---"

Di ko na pinatapos ang pagaaway nilang dalawa. Mga gago.

Namomroblema sila ngayon...
Eh kung tinapos muna nila pagaaral nila, Edi Sana madali lang sakanilang makahanap ng magandang trabaho.
Maitsura ang asawa ni kuya... Kahit losyang na ngayon makikitaan mo talaga siya ng natural na ganda.
Eh malandi? Wala din...

Si kuya din. Gwapo sa totoo lang... Naalala ko nung nasa Elementary palang ako siya ay highschool, andaming babaeng may gusto sakanya ang humihingi ng tulong sakin na ipakilala ko daw sila Kay kuya.
Matalino si kuya nung highschool... Mas madami siyang award sakin. Eh ang kaso, mabarkada, sunod sa mga tropa,maloko na babaero pa. Oh ayan nakabuntis.

Sayang talaga... As in sayang.

Pero di ko din masisisi si Kuya. Parehas lang naman kami eh... Simula nung naghiwalay sila mama't papa napansin Kong nawalan na din siya ng ganang mag aral.
Ang tanging kasalanan niya lang ay ang nag paapekto siya nangyaring problema. Ang isa yon sa pinagkapareha namin, Muntikan na kong mag pakamatay dahil duwag akong harapin ang problemang sumira sa pamilya namin.
Dahil sa paghihiwalay nila mama't papa, nagbago lahat.

Dati parang halos ayaw na kaming palabasin ng bahay sa sobrang strikta ni mama. Gusto niya puro Aral lang kami... Kaya lagi kaming may honor dati ni kuya. Pero simula nang maghiwalay sila, parang nawalan na din ng gana si mama. Ang dating Hindi palalabas na si mama ay ngayon minuminuto Nasa labas na.
Chismis dito, chismis doon. Sugal dito, sugal diyan.
Kaya naman tuluyan niya na kaming napabayaan.
Kaya naman hindi niyo maaalis sakin na magtanim ng galit sa ama ko. What if di siya nagloko at nakunteto na lamang Kay mama, magiging ganito ba buhay namin?

What if kumpleto kami ngayon?
What if pinatawad nalang ni mama si papa noon.

Tss... Those fucking what if's are nagging me again.

'What if's' tanong na 'conclusion' lang ang sagot.
Na ang pwede mo lang isagot ay 'siguro... baka...Malay mo... Sa tingin ko....' na ang pwede mo lang isagot ay yung sagot na di ka sigurado.
Dahil kahit itanong mo pa sa pinakamatalinong tao, di niya masasagot ng tama Ito.

Ilang araw ang lumipas at mas lalo akong naging malapit sa mga bago kong kaibigan.

Natutuwa din ako na hindi na masyadong nag aaway sa bahay.
Masasabi kong mas ayos kami ngayon kaysa sa dati...
Hindi nag kikibuan. Oo. Pero mas okay na yun kaysa sa bulyawan kami ng bulyawan.

Madalas nasa bahay kami nila Ryle. Sila lang kasi ng kapatid niyang babae ang nakatira sa bahay na tinutuluyan nila. Nasa ibang bansa ang mga parents Nila.

Weekend ngayon at tambay lang ako dito sa bahay.
Hindi naman ako naboboring dahil bukod sa sanay na ko, madalas ko ng ino-open ang facebook ko.

Pinasahan kasi ako ng pinsan ko ng WiFi hacker kaya nakakapag internet ako.
Sakto naman halos katabing bahay lang namin yung comshop kaya malakas ang sagap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BAD GIRL WAS FALLENWhere stories live. Discover now