Raven's Point Of View
Naglakad lakad lang kami ni Roxy.
Yinaya ko siyang kumain kaso busog daw siya...
Parang may mali eh.
Kasi ang bait niya ngayon.
Bakit kaya?
Susulitin ko nalang baka magsungit nanaman to sa ibang araw.
Mayamaya pa ay bumuhos ang malakas na ulan.
Tumakbo kaming dalawa para sumilong sa isang Waiting shed.
Kami lang dalawa.
Ilang minuto din kaming tahimik.
Hanggang sa tinanong niya ko.
"Pwedeng magtanong?"
Totoo ba to? Ang hinahon niya makipag usap.
"Oo ba. Ano yun?"
"Bakit lagi kang naka bonnet?"
Speechless.
"W-wala lang."
"Imposibleng wala lang."
"Ah hehe. May nag sabi lang sakin na bagay sakin naka bonnet. bakit? Hindi ba bagay sa paningin mo?"
"B-bagay naman."
"Talaga? Gwapo ba ko?"
"H-ha?"
"Gwapo ba ko? Sa paningin mo gwapo ba ko?"
"Ewan. Ba't ako tinatanong mo? Tsaka teka nga HINDI PA TAYO FRIENDS AH! WAG KANG FEELING DYAN."
"Asuss! Tinatanong ko kung gwapo ako. Oo lang naman o Hindi eh."
"HINDI!"
"Okay." nag pout ako.
"Wag ka ngang ngumuso."
"Di ba ko cute?"
"Ewan ko sayo." Sandali pa kaming tumahimik.
"Pwedeng magtanong? Anong dahilan ba't ka umiiyak kanina?" Tanong ko.
"Tanungin mo na lahat wag lang yan."
Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. Naglakad na din ako para sundan siya. Kasabay nun ang pagtila ng ulan.
Maya maya pa huminto siya sa isang tindahan.
"Anong bibilhin mo?" tanong ko.
"Pabili nga Fortune lights."
"magsisigarilyo ka?"
"Dalawang stick." Sabi niya sa tindera. "Oo bakit hihits ka?" Sabi niya sakin.
Ayy nako! Umiral nanaman yung pagka bad girl ng isang ito.
"Ate wag po. Hindi po siya pwedeng magsigarilyo. Pagbilhan mo nalang po kami ng Lollipop." Sabi ko dun sa tindera.
YOU ARE READING
THE BAD GIRL WAS FALLEN
De TodoThis is the story of a BAD GIRL who wants to end her life. SHE HAVE NO FRIENDS, AND SHE HAVE LOTS OF ENEMIES Until She meet the person who make her Loved. The person who accept her as who she is... But what if Her happiness gone...