CHAPTER 19

7.3K 149 3
                                    

Naging ok naman yung nalalabing school year namin. Maayos din ang pagsasama namin ni Ivan. Though walang definition kung ano meron samin, syempre sa mga panahong iyon naguguluhan o di kaya may konting takot pa din sa tinatawag na relationship lalo nat sa lalaki. Alam din naman ni Ivan yun kaya walang label kung ano man meron kami ang alam lang ko lang nahulog na rin ang loob ko sa kanya ng tuluyan.

Hindi alam ni Erick tungkol sa amin pero minsan napapansin ko parang alam na nga niya pero ibinabaliwala lang niya to. O sadyang imahinasyon ko lang yun , ah ewan hays.

Maayos ang pagsasama namin ni Ivan, sweet siya as always ganun naman talaga siya.

Ring....

Ang ingay naman, hays. Yung alarm clock ko pala. Lagi kasi nakaset cellphone ko sa alarm sa umaga. Kahit bakasyon nakaalarm clock pa din yun cell ko.

“gising na,”

“mmm,” antok pa talaga ako e ampf.

“Ikaw, mantika ka talaga kung matulog,” pangungulit ng isang boses na pamilyar sakin. Teka baka panaginip ko lang to.

May umupo sa tabi ng kama ko. Pinapkiramdaman ko lang, antok na antok kasi ako e. Nagulat ako may humalik sa pisngi ko. Nagising ako sino ba yun.

Pumupungas pungas pa ako ng mata, ang gulo pa ng buhok ko at humihikab. Nagulat ako si Ivan nasa kwarto ko pala.

“Ano ginagawa mo dito?”

“Pinapasok ako ng dad mo,”

“Ha?” pagtataka ko.

“Anong oras na ba?”

“Magtatanghali na, ang batugan mo talaga,”

Adik haha, ganun kasi ako matulog pag bakasyon tanghali na talaga nagigising. Ikinagulat ko bat andun si Ivan ampf, nakakahiya naman, bagong gising ako nun hindi pa nga nagsisipilyo lol.

Dali dali ako pumunta ng CR para magmumog at maghilamos ampf. Pagbalik ko nakaupo lang si Ivan sa bed ko habang pinagmamasdan niya yung kwarto ko. Nakatingin siya sa mini library ko. Mahilig kasi ako sa mga libro, kaya nagpagawa ako ng parang book shelves sa isang banda ng kwarto ko. Andun lahat mga libro from encyclopedia, mga textbooks, mga libro na binili ko sa bookstore lahat andun. Doon ko din nilagay mga medalya ko nung elementary at ibat ibang extra curricular activities.

“Ang dami mo namang libro,” nakatingin lang siya sa bandang yun ng kwarto ko.

“Ano ba ginagawa mo dito?” usisa ko.

“Tara labas tayo,”

“Ha?”

“Sige na wag nang umangal bakasyon naman kaya pwede tayo gumala magdamag,” ngiti niya sakin.

“Hays katamad naman e,” sabay higa nanaman sa kama.

“Ayaw mo?”

“Ayaw,”

“Sige, dito nalang tayo magdamag,” humiga din siya katabi ko at niyakap ako.

“Sige na nga tara na,” ambilis ko magbago ng isip ampf, baka ano pa kasi mangyari e, tanghaling tapat pa naman tsk.

Ngumiti lang si mokong. 


....[].....




Gumala lang kami magdamag sa mall. Ewan ko ba bat ano nasa isip ni Ivan e pwede naman maglaro nalang kami ng playstation pero parang araw araw nalang ata gusto nyang lumabas at isama ako. Wala din naman ako magawa kaya pumapayag na rin ako.

Si Erick sumali pala sa isang liga ng basketball sa subdivision namin. Kaya minsan busy din siya. Kung hindi niya kasama si Jenny e ako kinukulit ng mokong na yun, tsk. Pero sa araw na ito busy ata siya sa practice niya. Nakikinood din ako pag may laban siya sa basketball. Wala lang, moral support sa bestfriend ko lol.

“Tara kain tayo, nagugutom na ako e,”

“Saan?”

“Cindys!” sabay ngiti.

“Sabi ko na nga ba yun ulit ,” lol favorite niya kasi yun. Tsaka yung lang naman masarap na kainan for me aside sa McDo at Jollibee.

As usual burger steak ang inorder namin. Nakaupo kami sa may bandang salamin ng resto. Hapon yun kaya medyo walang masydong tao sa loob. 

Napansin ko panay tingin ni Ivan sa isang banda ng table sa may side ko. Parang naiinis si Ivan, ano naman kaya tintingnan niya.

“Ok ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Kapag hindi ako makapagpigil lalapitan ko yang loko na yan ng makatikim ng sapak,”

“Ha?” nagulat naman ako, ano ba kinaiinisan niya. Tumingin ako sa side ko. Ako kasi pag nasa public place kahit na nakikita ko sa peripheral view ko e dindedma ko lang lalo pa kaya kung harapan. Ganun talaga ako walang pakialam sa mundo.

Nagulat ako kasi may isang bading kasama dalawang friends niya isang babae at isang lalaki. Kilala ko yung bading na yun.

To make the story short, diba naikwento ko na, na madaming nakikipagtext sakin noon mga unknown number pero kadalasan dindedma ko lang kasi sayang load. Meron din iba na nacucurious ako kung sino katext ko kasi nga ang daming alam tungkol sakin pero ako hindi ko alam kung sino siya, tulad ni Ivan. 

Ang nangyari nung highschool days ko tinext back ko yung number na yun tinatanong ng usual stuff kung saan niya nakuha num ko at pano niya ako kilala.

Ang sabi lang niya nakuha lang niya sa isang kaibigan tsaka yung pakilala niya sakin e babae siya hanggang sa isang araw napagdesisyunan ko imeet sya gawa na rin sa sobrang curiousity sa kausap ko. Ironically sa Cindys din kami nun nagkita, nagulat ako na bading pala katext ko nun at hindi lang yan older sakin kasi college na siya nung time na yun. Ako naman e gentleman kaya hinayaan ko na yung pagsisinungaling niya sakin at trinato ko naman ng maayos. Pero umuwi agad ako after ng meet up tapos di ko na siya tinext. 

Hindi ko naman akalain na magkikita pala kami ulit after ng ilang years, sabagay maliit lang naman syudad namin.

Nahiya ako kasi yung bading na yun nakatitig pala sakin. Dumretso nalang ako ng tingin kay Ivan.

“Bat ka ba naiinis huwag mo nalang pansinin, san tayo mamaya?” biglang segway ko ng usapan.

“Kanina pa kasi nakatingin sayo at may pabulong bulong pa sa kasama niya,”

“Hayaan mo na yun,”

“Kilala mo ba yun?”

“Hindi,” Lol ang harsh ko, pero talaga naman di ko siya masyado kilala, wala rin naman ako pakialam sa kanya e.

“Bakit parang kung makatingin sayo halos hubaran ka na,” iritar niyang sagot.

Kacute ni mokong mainis lol.

“Selos ka?”

“Ako? Hindi ah,” halata naman sa muka niya pagdedeny lol.

“Biro lang ui, wag mo pansinin nalang,” ngiti ko sa kanya.

Maya maya kumalma din naman siya pero nakikita ko pa din pagkainis niya. Pano ba kasi sa halip na hindi nga pansinin, e binabantayan pa niya e di lalo lang talaga siya maiinis, may pagkamatigas din ng ulo tong si Ivan e, tsk.

Maya maya nagulat ako may dumaan sa side ko at nasagi niya braso ko.

“Ay sorry,” nagulat ako yung bading pala na kinaiinisan ni Ivan. 

Ang luwang luwang ng daanan ipagsiksikan ba sarili niya sa upuan namin. Kabadtrip, muntik ko pang masagi inumin kong softdrinks.

“Ui Dan, ikaw pala yan,” sabay sabi niya.

Napagbuntong hininga nalang ako, hays.

“Ah hello,” tipid kong sagot.

“Kaw ah hindi mo na ako pinapansin,” sabay tawa ng malakas.

Ngumiti lang ako sa kanya. Wala naman kasi akong maisagot sa kanya e, ayaw ko din naman maging rude din.

“Ay nga pala ano na number mo? Hindi kasi kita mareach, nagbago ka ba ng number? Ang pogi naman ng kasama mo,”

LOL pati si Ivan pinunterya din.

Wala talagang preno kung magsalita kakulit lol. Tumatango lang ako at ngiti sa mga tanong niya.

Hinawakan niya braso ko ng matagal na parang bang pinipisil pisil niya, grabe kung makachansing ampf, sabay sabi, “Sige na isave ko num mo ha.”

Inilabas na niya cellphone niya nang tumayo bigla si Ivan. Hinawakan niya kamay ko sabay akmang hinihila niya ako para tumayo na.

“Ah pasensya brad nawala cellphone ni Dan,” seryosong tono ni Ivan, “mauna na kami, may pupuntahan pa kami.”

Nagulat siya pero wala din nang magawa kasi umalis na kami sa resto. Halatang mainit ang ulo ni Ivan. 

Tahimik lang kami sa kotse niya. Ako naman hinayaan ko nalang siya magcooldown at nakatingin lang sa labas. 

“Ayos ka lang ba?” mahinahon niyang tanong.

Bakit ako tinatanong niya e siya yung mainit ng ulo ampf.

“Ikaw ayos ka lang ba?” binalik ko tanong niya sa kanya lol.

“Pasensya kanina uminit lang ulo ko,”

“Asus sabihin mo nagselos ka,”

“G@go hindi ah!,” deny deny pa e LOL

“Aminin na kasi,” pangaasar ko sa kanya.

“Ako magseselos? Never!”

“Deny pa e halata naman,” pabulong kong sagot.

Sinuntok niya ako sa braso habang nagmamaneho siya pero hindi naman kalakasan. Gumanti din ako mas malakas nga lang LOL.

Palayo na kami ng syudad, nilakbay namin yung National Highway. Nakapagtataka naman saan kaya kami papunta.

“San ba tayo papunta ha?”

Ngumiti lang siya.

Hays pinabayaan ko nalang siya tutal gas naman niya to lol. Mga ilang minuto din yung nilakbay namin, malapit lang naman kasi sa syudad. Nagpark siya malapit sa tabing dagat. Maganda yung paligid, maaliwalas yung himapapawid. Nakakarelax talaga. Asul na asul yung langit at amoy ko yung tubig dagat sa bawat hampas ng alon nito sa baybayin. Mataas ang sikat ng araw pero kahit ganun malamig pa din dahil sa hangin. Yung nararamdaman ko nun hindi ko maidescribe. Parang wala kang prinoproblema at nakakapagmuni muni ka lang sa harap ng napakagandang tanawin.

Gusto ko sana maglakad lakad sa buhangin kaso nakasapatos pa ako kaya sumandal muna ako sa kotse habang pinagmamasdan ang tanawin.

“Dan,”

“Oh?”

“Happy Birthday,” sabay ngiti ni Ivan sakin at inaabot ang isang kahon sa loob ng kotse niya.

Birthday ko pala nung araw na yun ampf. Ako kasi hindi ako mahilig magcelebrate ng birthday, kaya minsan nakakalimutan ko talaga. Parang ordinary day lang naman talaga sakin yung birthday ko e, hindi yun special and ganun na talaga ako mula pagkabata. 

Kahit papano naantig ang puso ko sa ginawa ni Ivan. Ako nga e hindi ko pinagaaksayahan ng panahon birthday ko pero siya pa may ganang gawing special ito. 

Isang cake ang laman ng kahon na may nakasulat na Happy Birthday. Hindi na siya naglagay pa ng birthday candle kasi malakas ang hangin sa baybayin baliwala lang din.

“So ano wish mo ngayon,” ngiti niyang sabi sakin.

Wish ko? Ano nga ba wish ko? Aah alam ko na. 

Pumikit ako ng ilang segundo lang at ngumiti sa kanya.







Sana walang magbago.

HIGHSCHOOL BROMANCE (PINOY BOYXBOY) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon