CHAPTER 40

7.5K 137 25
                                    

Napagpasyahan ng parents ko tapusin muna yung highschool ko bago umalis kami papunta ng US. May 6 months naman kasi na alloted time frame para magamit yung issued visa bago magexpire kung hindi magamit. Sakto lang yun para patapusin muna ako sa highschool.

Nasa may audience crowd ako ng gymnasium nang naglalaro si Erick laban sa ibang batch. Todo suporta naman ang batch namin sa team ni Erick. Dribble dito Shoot doon. Magaling na team captain si Erick kaya halos ang laki ng agwat ng score nila sa kalaban. 

Nagask ng time out yung kalabang team. Nakita ko si Erick na lumapit sa benches, parang may hinahanap siya sa crowd. Nakapagtataka naman.

Nang nakita niya ako at nagkatinginan kami, ngumiti siya sakin. Sumenyas siya ng OK. 

“Wuhoo! Galingan mo Erick!” sigaw ko naman.

Kumindat siya sakin ampf, langya sana wala nakakita kairitar siya. May napansin ako sa kamay niya. Nagulat ako yung regalo kong wrist band na yellow na tulad nung sa LA lakers ba sinuot niya. Katouch naman ampf.

Mga ilang minuto pa ay natapos na din sawakas yung laro at syempre sila Erick ang nanalo. Nilapitan sila ng mga kabatch ko, panay hiyawan. Hindi na ako lumapit, masaya na ako makita siya sa malayo. Ang saya nila lahat, kaya hindi na ako ngpumilit lapitan ang court, siguro antayin ko nalang sa labas si Erick. Umalis na rin ako sa gymnasium, nang may tumapik sa balikat ko.

“Aba nangiiwan ng walang pasabi, ganyanan ah,” Si Erick mukang nakalusot sa pagdumog ng fans niya ampf.

“Hindi ah, aantayin lang kita sa labas, ayoko naman makipagsiksikan ang daming tao oh,”

“Ah oo nga pala personal space,” pangaalaska ni mokong habang inakbayan ako.

“Am bantot mo magpalit ka kaya muna ng damit,” pangiinis ko sa kanya, pero ang totoo niyan hindi naman kahit pa araw arawin ko siyang amuyin lol.

“Grabe naman, kung makapanglait!” 

Tumawa ako ng tumawa sa reaksyon niya, dibdibin ba naman. 

May nakapang-agaw sakin ng atensyun habang inaakbayan niya ako. Yung wrist band niya. Bakit ganun? Hindi yun ang orihinal design. Kasi pinatahi ko yung pangalan na Erick dun pero may nakita akong idinagdag.

“Nagustuhan mo ba?”

“Huh?”

Inalis niya ang pagkakaakbay sakin at pinakita sakin yung wirst band ng malapitan. Nagulat ako sa nakita ko.

ERICK D 

Yung pangalang Erick yung original na pinacustomized ko pero nasa harapan ito ng wristband at sa kabila nito ay letter D.

“Bakit may D?” tanong ko sa kanya.

“Hulaan mo?” ngising aso ang mokong.

“Aba hindi ako si madam auring ayoko manghula,”

Tumawa ng malakas si Erick.

“D for Dan,” 

Namula naman ako dun lintek talaga. Kahit kelan corny niya kairitar!

“Tara kain tayo sa labas antayin mo ko,” niyaya niya ako.

Hindi na ako makatanggi kasi umalis agad siya papunta sa loob ng court para kunin mga gamit niya at magayos sa lockeroom.

As usual sa Cindys kami kumain at burger steak ang inorder namin, sarap talaga hays. Pero mukang naging memorable yung dinner naming yun. Walang humpay na tawanan at alaskahan ang ginawa namin. Lagi kasi pinamumuka sakin ni Erick kung ano ako nung una niya akong nakilala. Ang isnabero ko daw parang di mabasagan ng pinggan. E ako naman sabi ko sa kanya feeling close agad siya LOL.

Malapit na pala graduation day namin isang linggo nalang.

.....[].....

Graduation day

Naalala ko pa eto yung araw na medyo may halong saya at lungkot sakin. Ito ang nagsisilbing hudyat ng panibagong simula ng iba sa hamon ng buhay at pagtatapos ng highschool days namin. Binigyan kami ng class prophecy gaya ng nakaugalian, masayang masaya ng mga parents habang nakikita nilang umaakyat sa entablado ang mga kabatch ko.

Masaya din naman ako kahit hindi ako nakasali sa may honors, hanggang top 5 lang ata yung binigyan ng honors. Pero binigyan naman ako ng loyalty award medal,ampf. 

Habang papatapos yung seremonya naalala ko pagabi na yun, actually gabi na talaga kasi mga ala sais na yun. 

Naisipan kong magCR muna bago umuwi kami, doon sa may haunted CR lol, OO ako na ang matapang. 

Natapos na akong magjingle at naghugas na ako ng kamay sa may sink, magisa lang ako nun sa CR at madilim sa hallway natural walang estyudante na maglalakas loob pumunta pa sa gawing bahagi na yun ng building. Aaminin ko medyo bumibilis na rin tibok ko sa kaba at takot ampf. Binilisan ko na ang ginagawa ko at nang humarap ako sa salamin, nagulat ako lintek na. 

“Tang ina naman Erick, papatayin mo ko sa gulat!” inis kong sabi.

Tawa naman ng tawa siya.

“Kahit kelan matatakutin ka pa rin talaga,”

“Teka pano mo nalaman andito ako?”

“Sinundan kita,”

“Stalker ka na pala ngayon,”

“Sayo lang,” ngumiti siya na nang-aakit. Ampf.

“Ewan ko sayo,”

Lumapit siya sakin, nakatogang puti pa kami nun kaya imaginin nyo nalang talaga ang pagkagulat ko kasi kala ko mumu na LOL.

Ngumiti siya sakin habang magkalapit na kami.

“Naalala mo pa ba nung una tayo magkakilala?”

“Oh?”

“Ang snob mo sakin nun habang ang mga classmates natin abalang kausapin ako, napansin ko pa nga sa labas ka pa ng bintana nakatingin magdamag nang nagsasalita ako sa harapan,”

Ampf naalala pa niya yun, ang tagal na nun ah.

“Ano naman ngayon,”

“Wala lang, kaya nung naging magseatmate tayo nagpakilala agad ako sayo, alam mo ba kung bakit?”

“Bakit?”

“Kasi sabi ko sa sarili ko, ok siguro tong mokong nato maging kaibigan at hindi naman ako nagkamali, naging bestfriend nga kita,” masaya niyang sabi na may halong lungkot, “at higit pa sa pagiging bestfriend ang binigay mo sakin at naramdaman ko, masaya akong makilala ka Dan Alegre,”

Lumungkot na rin ako, naramdaman ko ang lungkot ni Erick, parang naging isa ang puso namin, weird pero ganun ang maeexplain ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Alam ko kasi yun ang way niya para magpaalam sakin, aalis na kasi ako ng States matapos yung graduation. Pilit kong ginawang manhid ang sarili ko para hindi isipin ang pagalis ko, pinilit kong kalimutan muna yun pansamantala at sinulit ko talaga ang natitirang highschool days ko kasama si Erick, sobra akong naging masaya.

“Oi may email naman, email mo nalang ako ah, tsaka kapag bumisita ka ng pinas sabihan mo ko nang matour ko yung amboy kong bestfriend,” pinilit niyang ngumiti sakin yung ngiting nagsasabing andyan lang siya kahit anong mangyare, nakikita ko sa mga mata niya na naiiyak na ito.

Hinigpitan ko lalo ang ang pagyakap ko sa kanya, niyakap din naman niya ako. Bawat tibok ng puso ko nang oras na yun ay nakalaan lang para sa kanya. Mabigat man sa damdamin, masaya akong nakilala ko ang isang Erickson Benitez.

“Mahal kita Erick,”

Maluha luha kong sinabi habang hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya.

“Mahal din kita Dan,”

HIGHSCHOOL BROMANCE (PINOY BOYXBOY) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon