CHAPTER 16

7.3K 137 1
                                    

Katakot takot nanaman na pangungumbinsi ang ginawa ko sa parents ko. Pero kahit papano napapayag ko sila. Kilala na rin naman nila si Ivan e. Inihahatid din naman kasi niya ako sa bahay kaya medyo pamilyar sila sa kanya. 

Mahilig kami lumabas ni Ivan nung bakasyun namin, mabobored lang kasi siya sa bahay lalo pat ang gulo gulo ng mga kapatid ko. 

Napagpasyahan namin maglibot libot sa isang mall like na building pero hindi siya SM. 

“Sandali lang ha may pupuntahan lang ako,”

“Ha? Saan ka naman pupunta?”

“Basta, maglibot libot ka na rin, text kita pag tapos na ako,” sabay kindat niya sakin. 

Napakunot nalang ako ng noo, ang labo siya nag-aya samahan dito tapos iiwan lang ako walangya. Hindi na rin ako umangal kasi nauna na siyang umalis e. So naglibot libot na rin lang ako sa mall.

Napad pad ako sa arcade part tapos sa mga bilihan ng cellphone etc. Hanggang sa makarating ako sa isang banda na parang bilihan ng chinese ornaments, yung mga scented candles, crystals tsaka iba pa. Pumasok ako doon, ang bango siguro dahil sa mga scented candles. Natuwa ako sa mga nakikita ko. 

May chinese na saleslady na nasa counter habang madami siyang kinakausap na customer. Ako naman patingin tingin sa mga paligid. Nakakatuwa talaga kasi may mga figurines pa sila ng frog, pusa, etc. 

Pero nung nakakuha ng atensyon ko ay ang mga beads na nasa counter, and dami iba iba ang kulay. May black, white na crystal, green, basta ang gandang tingnan. 

“Sir nagustuhan niyo ba mga crystals?”

Ha? Cystals? Anu yun, sa isip isip ko lang.

“Eto ba yun?” turo ko sa mga nagkikintabang mga bato.

“Yes sir, iba iba kasi properties ng crystals na yan, ano ba hinahanap mo?”

Napatanong ako sa sarili ko. Ano nga ba hinahanap ko?

“Ano ibig mong sabihin properties?” meron ba yun ganon? E mga bato lang naman sila.

“Yes sir, tulad nitong amethyst” kinuha niya yung puting bato, “ sabi nila swerte daw to at nakakapagbigay ng proteksyun sayo,”

“itong tiger’s eye,” dugtong pa niya, “nakakapagattract daw to ng pera kaya maswerte to para sa negosyo pati na rin proteksyun sa may suot nito,”

Nang kukunin na niya yung makintab na green na bato biglang may tumatawag sa cellphone ko. Kaya nagpaumanhin na ako kay ate at sinagot ko yung tawag.

“Nasaan ka na?” bungad agad ni Ivan. Ampf, siya ang nangiwan tapos siya pa ang galit? Adik niya ah.

“Ah andito sa isang shop, bakit nasan ka ba?”

“Puntahan mo ko sa entrance,”

Medyo iritar nanaman ako. Hahays. Pinuntahan ko na sa may entrance si mokong. Nang nakita niya ako aba ang laki ng ngiti.

“Saan ka ba pumunta?” tanong niya.

“Ah diyan lang, e ikaw nga diyan nang iiwan tapos ikaw pa may ganang magtanong ng ganyan? Saan ka nagpunta?”

“Secret,”

May pasecret secret pa tong mokong nato.

“Kanina ka pa ba?”

“Kanina pa kita hinahanap kaso di kita makita,” sagot niya, ah siguro nung naglakad lakad ako nun sa 2nd floor.

Hindi na ako umimik pa, hindi na rin ako nagusisa kung ano pa pinaggagawa ni mokong. Malaki na siya bahala siya sa buhay niya.

“Oh naksimangot ka nanaman,” pangaasar niya.

“Huh?”

“Wala tara Cindys tayo,”

“Ha?”

Parang yun na lang nasasabi ko LOL. Wala na rin ako magawa kasi gutom na rin ako. As usual burger steak ang kinain namin haha. 

Magpapasko na pala, hindi ko alam ano ireregalo ko kay Ivan. Nakakahiya naman kasi magpapasko siya sa bahay siya ang wala regalo from me kasi ok na ang iba e. Wala din naman ako maisip, ano ba hilig ni Ivan? Ampf sumakit ulo ko ang hirap pala maghanap ng regalo na dapat ikatutuwa niya, hays. 

“Bat ang lalim ng iniisip mo?”

“Ah wala,”

Medyo tiningnan niya ako ng seryoso, nagtataka at nagaalala.

“Sure bro? ok ka lang?”

“Oo sabi e,” ampf han kulet lol.

Hindi na siya p nagusisa pero medyo nakikita ko pa din sa mga mata niya ang pagaalala.

“Ahm Ivan?”

“Ano yun?”

“Ah wala,” nahiya akong tanungin siya kung ano gusto niya ahaha, parang hindi na yun surprise e.

“Labo! Yan ang ayaw ko pa naman may sasabihin tapos binabawi, nakakairitar ang mga ganyang tao,” nainis siya LOL. Cute ni mokong mainis.

“Oh e di naiiritar ka na sakin ngayun?” 

“Ako maiiritar sayo?” ang sarcastic ng tono sarap batukan, “ syempre!”

Uminit ulo ko dun ah, Ampf.

“Syempre hindi! Mahal kita e,” walang alinlangan sinabi niya talaga at ngumiti sakin tsk.

Gulat naman ako nun, naptitig ako sa kanya walangya.

“Ha?” kunwari di ko narinig, namula ako leche.

“Sabi ko Ma-“ napatigil siya nang tinakpan ko bibig niya, kainis kakahiya kaya ang daming tao sa Cindys e.

Hinawakan niya kamay ko, ang init ng mga kamay niya kahit naka aircon sa loob. Ramdam ko din mga maiinit niyang hininga sa kamay. Bigla kong inalis yung kamay ko sa bibig niya, nahiya ako ampf.

“Narinig mo naman pala e,” sabay ngiting pangaasar. 

“G@go,” 

“I love you,” inulit pa niya, sagot niya sa mura ko lintek na.

“Ewan ko sayo!”

“Haha kacute mo namang mahiya,”

“hindi ako nahihiya!” iritar kong sabi.

“Hindi ba? Ah oo naiinitan ka lang pala,” sabay kindat sakin, na lalong nagpainit sa mga tenga ko at pamumula ng pisngi ko, ampf.

“Tara na nga!”

Si mokong tuwang tuwa. Mukang nageenjoy siya sa ginagawa niya kainis.

.....[].....

Pauline samahan mo naman ako, text ko sa kanya.

Saan?

Bibili lang ng regalo, please?

Bakit ako pa ayaw mo pasama kay Erick?


Ay oo nga pala si Erick, hmm napaisip ako ng matagal, sh*t wala din pala ako regalo sa kanya kung magpasama ako sa kanya e nakakhiya naman kasi si Ivan bibilhan ko pero siya wala ampf talaga! Kaya mas lalo akong nangulit kay Pauline.

Sige na please!!!!!!!!!!!!! (ang daming exclamation point ahaha)

Naku Dan ha, wag mo sabihin sakin LQ nanaman kayo ni Erick, Ay anak ng... alam ko walang ibig sabihin si Pauline sa sinabi niya pero wala tagos e ahaha. Pano kami magLLQ ni Erick eh hindi nga kami LOVERS lol.

Sige na naman o! minsan nga lang ako humingi ng pabor, nangonsensya talaga ako sa kanya LOL

Cheh! Yang mga pabor mo siguraduin mo lang, san ba kita sasamahan ha?

Yes pumayag din, si Pauline lang talaga kasi makakasama ko, hindi pwede si Erick o si Ivan, para sa kanila yung regalo na bibilhin ko e.

Kita tayo ngayon sa mall, text ko sa kanya. Malapit lang kasi siya doon kaya dapat lang siya yung isama ko.



....[]....



Nakita ko nakikipagkulitan si Ivan sa mga kapatid ko lalo na yung youngest. Naglalaro ng playstation sa sala LOL. 

“Dan sa ka papunta?” tanong ni mama sakin.

“Ah eh kena Pauline lang ma,”

“Bakit hindi mo isama si Ivan nang makapasyal din sa kanila?”

Sh*t kailangan ko umisip ng palusot! Langya ang hirap magsinungaling ampf. Si mokong nakatitig lang sakin, kitang kita ko sa mga mata niya na puno ng katanungan, nagtataka sa kinkilos ko.

“Ah ma kasi sabi ni Pauline gusto niya ako makita mukang may problema, isasama ko sana si Ivan pero baka hindi maging ok siya, siguro kabrebreak lang ng bf niya.” Sorry Pauline ginawa kitang palusot, ampf naguilty ako, “sama ka ba Ivan?”

Kahit papano tinanong ko pa din siya para hindi niya masamain ang sinabi ko.

“Ah hindi na, mas kailangan ka ni Pauline baka maawkward lang siya kung kasama ako, hindi niya ako masyado close.” Sagot niya.

“Sige babalik din agad ako,” paalam ko.

“Hatid na kita kung ganon,” pahabol ni Ivan at tumayo sa sofa.

“Huwag na sayang gasolina, commute na lang ako lapit lang naman,” paninidigan ko.

Kitang kita ko sa muka ni Ivan ang pagtataka at hindi mapakali pero nagpauubaya na rin siya, hinayaan na niya ko. 

“Kuya start na yung game pili ka na ng character,” pangungulit ni Ian kapatid ko kay Ivan.

Umupo na rin siya pero tiningnan lang niya ako habang umalis. Naguilty naman ako hays. Kung hindi lang para sa kanya tong gagawin ko.




....[]....


Nagkita kami ni Pauline sa mall mukang nauna na siya doon kesa sakin LOL. Nako baka inis na to sakin natagalan kasi ako makasakay.

“Ang tagal mo ah,”

“Sorry wala ako masakyan e,”

Tinaasan ako ng kilay ni Pauline lol, pero kahit ganun siya love ko yun LOL parang kapatid ko na kasi siya. Tagal na kami magkakilala kahit na may iba siyang group of friends lam namin best of friends pa din kami kasi kababata ko siya.

“Oh ano ba yung pinakaimportanteng gagawin mo na pati ako sinama mo s kalokohan mo?”

“Ha e, samahan mo naman ako mamili ng regalo,”

“Ano? Regalo yun lang? bat ako nga di mo ko binibigyan ng regalo e!”

“Hindi na kailangan kasi love naman kita e ehehe,” panghaharot ko sa kanya lol.

“Tumigil ka nga Dan ha, hmf nakakapagtampo ka ha sino ba yang bibigyan mo ng regalo na mas importante pa kesa sa akin,” pagtataray pa niya LOL, tong bestfriend ko talaga haha.

“Huwag ka na magtampo mamaya libre kita sa Cindys,” ngiti ko sa kanya.

Alam niyang kuripot ako ahaha kaya kapag manglibre ako naku sure yun importante yun sakin kaya hindi na siya nagtampo pa. 

“Oh sino ba yan ha? Gf mo?”

“Ah eh hindi e, si Ivan at Erick,”

Napakunot ng noo si Pauline pero binaliwala na niya ito.

“kaya pala hindi mo sinama si Erick, teka bakit kailangan mo pa ng kasama pwede mo naman gawin yun magisa, ikaw napaka tamad mo lang talaga!”

“Hindi naman sa ganon, wala kasi ako maisip kaya gusto ko ng tulong,”

“At sa palagay mo may maitutulong ako e hindi ko nga sila close, ok ka lang?”

“Ano ba moral support nga diyan,” pasimangot kong sagot LOL.

“Pamoral support moral support ka pa diyan,”

Naglibo libot kami ng mall, wala pa din ko maisip para sa kanila e, hays ganun ba kahirap to. Hays ano ba kasi magandang regalo para sa kanila.

“Tulungan mo naman ako, wala ako maisip e,”

“E ano ba gusto nila? Isipin mo yung ano ugali nila,”

“Uhm si Ivan medyo makulit mapangasar, mayaman siya so kaya niya bumili ng mamahalin na bagay, Si Erick pareho lang naman sila mapang-asar pero mostly seryoso siya this days e, mahilig siya sa basketball,”

“Oh e di yung bilhin mo kay ivan e simple lang pero may sentimental value kay Erick yung related sa basketball,”

Tama nga naman siya, mayaman na si Ivan di na niya kailangan mamahalin na mga bagay so dapat yung may sentimental value na mura lang, napaisip ako dun. Si Erick related sa basketball? Ano naman kaya yun? Tsk.


Sa palakad namin sa mall may naisip akong swak na swak talaga para sa kanila! Napangiti ako at naexcite, AYOS!


“Salamat Pauline ha!”

“Cheh hindi libre yung pagchaperone ko sayo, libre mo ko!”

“Ahaha oo na!”

HIGHSCHOOL BROMANCE (PINOY BOYXBOY) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon