Ding Dong...
“Dre tingnan mo nga yun may nagdodoorbell sa labas,” utos ni mama sa aking kuya.
“Ako na po,” bigla kong baba sa hagdanan, “nga pala classmate ko pupunta dito ha, may pag-aaralan lang kami, baka siya na yun.”
Tiningnan lang ako ng kapatid ko at mama ko habang abala siya sa paghahanda ng dinner namin. Alam kasi nila hindi ako nagiimbita ng bisita sa bahay lalong lalo na’t gabi pa. Pero bahala na sila basta nasabi ko na sa kanila may bisita ako.
Binuksan ko yung gate namin at di nga ko nagkamali si Erick nga ang nasa labas, mukang nakapustora pa ang loko. Saan kaya to pupunta? Gigimik ba to o magstustudy? Napatanong nalang ako sa sarili ko.
“Dan,” casual lang niyang bati sakin sabay ningitian niya ako.
Ewan ko ba, ano yung nararamdaman ko. Parang mali, bakit parang ang lakas lakas ng tibok ng puso ko kapag andyan siya. Hindi ko na maintindihan sarili ko. Parang gustong gusto ko siya makita na parang ayaw ko at gusto kong lumayo sa kanya. Pero ang saya ko kapag kasama ko siya lalo na kapag sakin lang atensyon niya.
“Hindi... mali to,” pabulong kong sinabi habang naguguluhan ako.
“May sinabi ka?”
“Ah wala sabi ko mukang mali ata pinuntahan mong lakad, hindi tayo gigimik, sa bahay lang tayo,” buti nalang may pagkabingi din tong mokong nato.
“Ah e, nakakahiya naman kasi sa inyo kung dugyutin akong pupunta dito.”
“May ganun ka pang nalalaman, pasok ka na nga, adik mo talaga,”
“Ako adik? Baka naadik sayo,”
“Ano pakiulit, g@go”
“Toh talaga di mabiro kaya ang cute cute mong asarin haha” sabay tawa ng malakas. Ang lakas ng trip ng mokong ngayong gabi ah, kainis.
Pinapasok ko na siya sa bahay namin. Halatang nahihiya pa siya kasi ang tahitahimik nung pumasok sa front door namin. Malaki kasi front door namin, yung tipong two narra door. Pinauna ko na siyang pumasok kaya nadaanan niya ako. Ambango niya, yung tipong naghalo yung pabango niya sa natural niya amoy. Amoy Erickson ehehehe.
“Good evening po,” bati ni Erick sa mom ko na nasa sala na inaantay kami.
“Good evening din hijo, ikaw ba yung classmate ni Dan?”
“Ah ako nga po,”
“Nga pala Ma si Erick,”
“Ah sige Erick huwag kang mahihiya ha, feel at home lang, first time magdala yang si Dan ng bisita dito kaya welcome na welcome ka,” mainit na pagtanggap ni mama kay Erick at ibinuking pa ako lintek na.
“Ah ganun ba? ako pa lang ba una niyang pinapunta dito?” ngumingiting nangaasar nanaman.
“Ay nako oo Erick, lam mo ba yan si Dan napakasecretive na bata, kaya gulat nga kami nang sinabi niyang may classmate siyang darating ngayong gabi, pero dont take this the wrong way, masaya nga kami e, kala kasi namin wala yang kaibigan maliban kay Pauline, tsaka..”
“Ma...” sabay putol ko sa kanila, “magaaral na kami ni Erick.”
“Kita mo talagang bata to oo, saka na yan kain muna tayu ng dinner, Erick kumain ka na ba?”
“Ah tapos na po tita.”
Wow ah tita na agad tawag niya, close na kayu agad? Napakunot nalang ako ng noo. Pero si mokong hindi maitago ang tuwa.
“Ah hindi dapat kumain ka kahit konti lang, halika ka na sabay ka na samin,”
“Ah sige po,”
Tinawag ni Dre ang iba ko pang kapatid at Papa ko, sabay sabay na kaming kumain. Si Erick umupo sa tabi ko ng hapag kainan. Ang gulo gulo ng mga kapatid ko lalo na yung bunso at yung kuya ko kasi lagi sila nagaaway. Napansin din ni Erick ang isa ko pang kuya na si Jr. Nagsisign language kami kung naguusap. Pinagmamasdan lang kami ni Erick.
“Kamusta ka Erick?” sambit ni papa. Oo nga pala nagkakilala na sila nung hinatid namin siya sa bahay niya last time. Ang papa ko kasi hindi madaling makalimot sa muka lalo na kapag mga kaibigan ng anak niya. Tinatandaan niya talaga yun.
“Ah ok naman po, pasensya na sa abala gusto ko ho kasi magpaturo kay Dan e tungkol sa isang subject namin,”
“Ganun ba, ok lang yun kilala naman kita kaya welcome ka kung kelan mo gusto pumunta dito,”
Aba pati papa ko napaamo niya? Lalo nalang ako tumango kumunot ang noo. Parang tuloy nagmumuka akong loner sa paningin nila kaya ganun nalang ang reaksyun nila sa isang bisita, hanep. E kasi naman hindi talaga ako sanay na may maginvade sa personal space ko, siguro ganun lang talaga ako. I treat my home and my room as an extension of my comfort zone kasi. Ayoko ng may nakakatapak doon ng walang permiso sakin. Ipinaglihi ata ako sa isang masungit na ermitanyo buti nalang sa ugali lang wag naman sana sa muka LOL.
Matapos namin kumain e umakyat na kami papuntang 2nd floor ng bahay kung saan ang kwarto ko. Nakilala na ni Erick lahat ng nasa pamilya ko kaya parang one of my personal wall ay natibag nanaman, kainis.
“Ang laki ng bahay nyo,”
“Hindi naman,”
“Anong hindi, ano nalang tawag mo sa bahay namin kubo?”
“Sobra ka naman, alam mo sa totoo lang once pinangarap ko din tumira sa sinasabing bahay kubo na yan. Mukang masaya kasi,”
“Pre rich kid ka kasi kaya nasasabi mo lang yan,”
“Ewan ko sayo!,” pasungit kong sagot.
“Oh tampororot ka talaga ahaha dinaig mo pa isang babae kung makapagtampo,”
“G@go gusto mo batukan kita diyan,”
“Kung kaya mo! Weh,”
Aba ang loko naghahamon, akmang babatukan ko na siya e hinawakan niya yung kamay ko at pinigilan ito. Hawak hawak niya kamay ko kahit na nagpupumilit akong kumalas sa hawak niya. Ang lakas niya pero hindi din ako nagpapatalo, ginamit ko na din isang kamay pero mabilis ang mokong nahawakan din niya yun at sabay dila pa sakin, lalo akong nabadtrip talaga na ewan. Sa gitna ng hallway e naghaharutan, nu ba naman yan.
Natigilan nalang kami nang umakyat yung kuya ko, pupunta din kasi siya sa room niya. Tiningnan lang niya kami, may pagkamsungit din kasi yun. Binitawan din ni Erick mga kamay ko at nakatingin lang sakin.
“Halika ka na nga,” sambit ko habang papunta ako sa kabilang dako ng hallway patungo sa kwarto ko.
“Ano gusto mong ipaturo sakin?”
“Ikaw na bahala, yung upcoming quiz nalang natin,” habang umuupo siya sa kama ko.
“yung sa biology?”
“Yun ata,”
“E ano maituturo ko nun sayo e memorization lang naman yun, ala nga naman ako pa magmemorize para sayo, adik ka ah.”
“E hindi ko maintindihan iba doon e, explain mo nalang sakin,”
Nakapagaral din naman kami ng maayos. Kwentuhan minsan tapos aral ulit as usual mga kulitan. Ayaw papigil ni mokong sa mga kalokohan niya. Magaalas onse na pala ng gabi hindi namin namalayan ang oras. Siguro ok lang namn kasi wala naman kami bukas, weekend e.
“Erick kuha lang ko na mamemeryenda natin, alam ko gutom ka na din,”
“Sige,” sabay hikab.
Bumaba ako ng bahay at kumuha ng pansit canton na lulutuin. Nagluto ako para samin dalawa at kumuha narin ako ng dalawang baso at pinuno ko ng orange juice. Mga ilang minuto din yun tsaka na ko pumanik sa taas. Pagbukas ko ng kwarto ko aba ang loko nahiga na pala sa higaan ko mukang nakatulog.
Nilapag ko muna yung mga dala ko sa isang mesa at nilapitan si Erick para gasingin sana. Dahan dahan na rin ako umupo sa tabi niya sa kama at hinawakan braso niya.
“Erick, gising” pabulong kong sinabi, ewan ko bat bumubulong pa ko e gigisingin ko nga yung tao.
“Pag di ka bumangon diyan sasapakin kita dyan,” pero wala pa din.
Tsaka imbis na ugain ko siya e, nakahawak lang ako sa kanya habang bumulong ulit.
“Erick...”
Hindi pa din nagigising ang mokong, nakatulog na talaga. Sinubukan ko tapikin muka niya pero sa halip ay parang hinaplos ko to. Bumilis nanaman tibok ng puso ko na parang kinakabahan. Nararamdaman ko yung init ng muka niya habang nakalagay palad ko doon. Amoy ko din pabango niya kasi magkalapit na kami.
Sh*t ano ba tong iniisip ko, bakit ganito ang nararamdaman ko. Mali talaga to. Muni-muni ko habang naguguluhan ako.
Inilapit ko muka ko sa kanya, nararamdaman ko bawat hininga niya na lalong nagpalakas ng kabog ng puso ko. Pinagmasdan ko lahat mula sa mga mata niya, ilong na napakatangos, at yung labi niya. Yung labi niya na parang gusto kong halikan, gusto ko matikman ang matamis niyang halik.Hindi ko na alam kung ano ginagawa ko basta’t ang alam ko lang... basta... basta’t nararamdaman ko na...
GUSTO KO NA SIYA...
“Crush na ata kita...” pabulong kong sinabi.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL BROMANCE (PINOY BOYXBOY) [COMPLETE]
Novela JuvenilHIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to life experience. Enjoy.