Nakapagmuni muni ako sa ginagawa ko. Ang gulo gulo ng iniisip ko, daming mga bagay ang sumasagi sa utak ko. Siguro kailangan o na din kalimutan ang nararamdaman ko para kay Erick. Kaya napagpasyahan kong....
Hays...
magmove on nalang...
....[]....
“Oh Dan napatawag ka?” sagot ni Ivy na di naman maikubli ang kasiyahan sa kabilang linya.
“Ah wala, nangungumusta lang,”
“Ok naman, ikaw? Kamusta ka? Ano ginagawa mo? Nasan ka ba ngayon?”
Ampf daming tanong hays.
“Ah e ok lang din, may gagawin ka ba mamaya?”
“Ha e wala bakit? Wala ako gagawin,”
“Labas tayo,”
Biglang tumahimik yung linya. Napano kaya siya? Ok lang ba siya? Teka baka naputol yung line ampf.
“Sige!” napasigaw siya pero hinanaan din naman niya tono niya.
“Ah sige ayos, kita nalang tayo sa mall mayang hapon,”
“Sige text text nalang,”
“Ok ingats,”
Binaba ko na yung phone.
Niligawan ko si Ivy, kahit papano naging seryoso naman ako sa kanya. Kung ano ang nararapat sa kanya ay ibinigay ko talaga. Ito na rin yung panahong medyo pinapayagan na ako ng dad ko magdrive. Pinakuha naman ako ng student permit pero alams na kahit walang kasama e dinadala ko talaga ang oto.
....[]....
“Hon ok ka lang?” tanong ni Ivy sakin.
Oo nga pala kami na ni Ivy, ambilis no isang linggo ko lang niligawan sinagot na ako, naalala ko tinutukso pa kami nun ng klase, adek. Ako tagabitbit ng gamit niya, sumasama kung san niya gusto, ampf yun naman talaga ang diskarte namin noon pag highschool lol.
Kumakain kami sa Cindy’s , date namin, nang tinanong niya ako.
“Ok lang bakit mo naman natanong?”
“Ah e kasi parang ang lalim ng iniisip mo e,”
Ngumiti lang ako sa kanya, ngumiti naman siya sakin.
“Tara hatid na kita senyo,”
....[].....
Canteen
Lumapit si Erick samin dalawa ni Ivy sa isang lamesa. Nang nagkagf na ako hindi na rin ako masyadong sumasama kay Erick ni paguwi hindi na rin kasi hinahatid ko naman na din si Ivy sa kanila e yun kung hinhintay niya ako matapos yung drill.
Kumaway si Erick kay Ivy at umupo sa harapan ko katabi ni Ivy.
“kamusta?” bati niya sakin.
“Ok lang,”
May kung anong lungkot sa mata niya lagi pag nagkikita kami. Kahit gaano niya pa yun itago sa mga ngiti at tawa niya, halata sa mga mata niya ang lungkot.
“Nga pala Erick diba gf mo yung taga Montessori na girl, si Jennifer ba yun?” biglang sambit ni Ivy
“Oo bakit?”
“gusto mo ba sumama samin ni Dan this weekend? Para mas masaya kung madami tayo?”
Tumingin sakin si Erick parang may kung ano sa titig niya.
“San naman tayo pupunta?”
“beach outing tayo,” excited na sagot ni Ivy habang si Erick nakatitig lang sakin.
“Ganun ba?”
“Pero syempre kung busy ka ok lang kahit di ka sumama,” bigla kong sabat sa kanila.
“Sasama kami,” madiin niyang pasya.
“Ha? Hindi mo pa nga tinatanong si Jen e,” pagtataka ko naman.
“Basta sasama kami,” seryoso niyang titig sakin.
Hindi na ako umangal, niyaya na kasi ni Ivy ala nga naman bawiin ko pa. Pero mas gusto ko sana kami lang ni Ivy magkasama.
Hays.
Ring...
Bell na, kailangan nang bumlik sa classroom. Pinauna ko na si Ivy kasi magCCR pa ako. Dumretso na ako sa may CR habang yung iba e papasok na sa kanikanilang rooms.
“Gf mo na pala si Ivy,” nagulat ako si Erick pala.
“Ah oo,”
Sumandal siya sa pintuan habang nakatingin lang sakin, nakakailang naman ampf, tinapos ko na rin ginawa ko at naghugas sa sink. Naalala ko pa, dito nga pala ako hinalikan ni Erick tsk! Nagmadali na ako umalis sa CR pero nakaharang si Erick sa pintuan.
“Malalate na tayo ui,”
“Baka masaktan mo lang si Ivy?”
Napatingin ako sa kanya, seryoso siya kung makatitig.
“Pano mo naman nasabi yan?” naiiritar na ako sa pinapahiwatig niya.
“Sigurado ka bang mahal mo siya?”
“Bakit ikaw? Mahal mo din naman si Jen diba? Pero hindi ko yun kinwestyun sayo?”
Napakaunfair naman niyang manghusga sakin. Nainis ako.
Napagbuntong hininga siya.
Ngumiti nalang siya sakin. Hindi na siya nagsalita pa. Inakbayan niya ako at hinila para bumalik sa classroom.
Hindi ko maintindihan ano ang nasa isip ni Erick sa mga oras na yun, hays. Hinayaan ko nalang.
.....[]......
“Next week is our JS prom Febuary 14 so please be informed that the event will be held along with the Seniors,” announcement ni maam.
JS prom, parang first time namin yun kaya medyo excited yung mga kaklase ko, at mas lalong excited si Ivy, panay ngiti at tingin sakin. Ngumiti din naman ako sa kanya.
Seryoso ang dalawang mokong sa likod. Bad terms pa din talaga sina Ivan at Erick pero kahit papano wala lang sila pakialaman, mgkatabi pa naman sila.
“Ui Valentines yun diba?” excited na sambit ni Kristina.
“Oo nga nakakakilig naman, hays sayang wala akong boyfriend, buti pa tong si Ivy, akalain nyo naging sila ni Dan, swerte mo naman,” dagdag naman nung isa.
Naririnig ko lang sila kahit naman ayaw ko makinig at nakatingin lang ako sa labas ng bintana, ang lalakas kasi ng boses parang walang bukas kung magchismisan.
“Ui nga pala may balak kami ni Dan magbeach this weekend gusto niyo ba sumama?” niyaya ni Ivy sina Jane, Marjorie at Kristina.
“Sigurado ka? Baka makaistorbo kami senyo?” sagot ni Kristina.
“Hindi kasi sasama din si Erick at yung gf niya,”
“Ano ba naman yan dapat di mo nalang ininvite yung gf niya, ako sana makakapareha niya,” padabog na sagot ni Marjorie.
“E sorry nayaya ko na e, sorry Marj,”
“Hays ano pa nga ba magagawa ko, isasama ko nalang si Jeremy,”
“Pwede ko bang isama si Ivan?” nahihiyang tanong ni Jane.
Ay lintek na! bakit ba kasi inimbita imbita pa ni Ivy sila, parang Tolosa all over again nanaman ito yun nga lang magkakailangan na kami dahil sa mga nangyari samin lahat lalo na samin ni Ivan at Erick.
Hindi naman ako makasabat sa usapan nila kaya hinayaan ko nalang sila kung ano gusto nila. Bahala na si batman.
“Ikaw Kristina sino isasama mo?” tanong ni Marj.
“Ah e, si Dan sana,” nahihiya niyang sagot na ikinagulat naman ni Ivy at ibang kasama niya
“Alam ko namang boyfriend mo na siya Ivy e kaya siguro si James nalang,” bawi naman niya agad.
“May gusto ka din kay Dan?” tanong ni Jane.
“Ui Ivy huwag kang magselos crush lang naman yun e,” kumbinsi ni Kristina kay Ivy.
“Ikaw ah bat di ko alam yan, bestfriend tayo diba?”
“Nakakahiya naman kasi e, ano ba pwede ba ibang topic na nga.”
“Uiiii mukang love triangle to,” panunukso naman ni Marj.
Ang kukulet nila ampf. Kahit naman di ko sadyain makinig ang lalakas kasi ng boses nila e. Nasa 3rd row lang kaya sila nagchichismisan.
“Ok back to your original seats and get your books,” biglang sambit ni maam matapos gawin ang ginagawa niya sa pisara.
Bumalik narin silang lahat sa kani kanilang upuan.
....[].....
Weekend Getaway
Nakapagpaalam naman ako sa bahay kung san ako papunta. Pinagpaalam ko na din ang paggamit ko sa car. Susunduin ko kasi si Ivy tsaka para hindi hassle ang pagpunta dun.
Inaayos ko lang ang last minute na dadalhin ko nang may nagtext sakin.
Ingat sa pagdrive, text ni Erick.
Dadaan na rin sana ako sa kanila e para sabay sabay na kaming lahat.
Nagtext ka pa e dadaanan naman din kita sayang lang piso mo
Ah hindi na kailangan,
Ha? bakit?
Nagpumilit yung dad ni Jen na ihahatid siya ng driver nila kung hindi e di daw siya papayagan kaya ayun sumabay na ako,
Ganun ba? Napakastrikto namang yang parents ng gf mo
Hehe ganun talaga,
O sige ingats nalang, kita kits dun.
Geh
Magkasama kami ni Ivy na pumunta ng beach, malapit lang actually sa syudad namin pero maganda at peaceful yung lugar. Halos sabay sabay lang kami nagsidatingan sa lugar. Nauna ata yung van nila Jane kasama sina Marjorie, Kristina, Jeremy at James. Sumunod naman kami ni Ivy at sasakyan ni Jen. Si Ivan ata yung last mukang naiilang pang sumama pero malaks ata convincing power ni Jane kung bakit napapayag niya ito.
Tahimik lang siya, mostly si Jeremy at James ang kakwentuhan niya. Si Erick naman kasama si Jen na halatang nahihiya din pero agad namang winelcome ng grupo ni Kristina, kahit kailan people person talaga si Kristina, halata naman sa pagmumuka ni Marj ang pagkainis sa kanya lol.
Kanya kanya kaming nagdala ng pagkain para sa lunch namin. Bumili na ako ng lechon manok nang papunta ako sa venue kaya yun ang contribution ko. Sila na nagdala ng ibat ibang putahe.
“O sige since first time natin makasama si Jen sa outing kaming mga girls magbobonding muna, bahala na kayo sa buhay nyo mga boys ah!” excited na sabi ni Kristina.
“Ah sige lang, maliligo muna kami sa dagat wuhoo,” sigaw naman ni Jeremy.
Tahimik lang si Ivan pero nakisama narin kena James.
“Tara na Jen,” hatak ni Jane
“Ah sige,” mahinhing sagot ni Jen.
“Hon sama daw muna ako sa kanila, enjoy lang muna kayo nila Erick dito ah,” paalam ni Ivy sakin.
“Ah sige lang, kung ano man text mo lang ako,”
Hinalikan niya ako, smack lang naman. Nakita yun ni Ivan at Erick. Nagrent kasi kami ng villa kaya doon na sila nagpasyang magayos ng mga gamit nila at bonding na rin.
Oo nga pala, walang nakakaalam na may problema samin tatlo nila Ivan at Erick. Hindi naman kasi namin yun pinapaalam sa iba, ang problema namin, problema lang namin, so ang pagkakaalam nilang lahat ok kami tatlo.
Umupo lang ako sa may buhangin habang pinagmamasdan ko ang kalawakan ng dagat. Asul na asul ang kulay ng langit at ang taas ng sikat ng araw. Sarap sa pakiramdam ang bawat hangin na dumadampi sa katawan ko. Nakakarelax talaga.
“Masaya ako senyo,” tumabi si Ivan sakin.
Nabigla ako sa bigla niyang pagsulpot sa likuran ko. Umupo na rin siya sa buhangin sa tabi ko.
“Ah salamat,”
Kahit papano medyo nabawas bawasan na rin yung inis o galit ko sa kanya, matagal na rin kasi nangyari ang lahat nang yun. Napatawad ko na rin siya hindi ko nga lang makalimutan. Siguro maganda na rin to, panibagong simula, ang pagkakaibigan ulit namin.
“Masaya ka ba?” tanong niya na parang may halong kung anong lungkot o selos, di ko alam.
Masaya naman ako ah, maswerte na ako kay Ivy, maputi, maganda, matalino siya, isa siya sa may mataas na IQ sa batch namin, at mahal niya ako.
“Oo naman,” sagot ko.
“Pwede makisali,” biglang may sumabat sa likuran ko, si Erick.
Umupo siya sa may kaliwang bahagi ko habang ako yung gitna nilang dalawa.
“Nakakapagselos naman kayo,” parinig niya sa isa, lol. Kahit kelan talag tong si Erick parang ewan kung bumanat.
“Gag0!” tinapunan ko siya ng buhangin.
“Oi walang ganyanan, pag ako makaganti iiyak ka talaga,”
Sh*t naalala ko yung ginawa niya dati sa classroom, masamang magbiro tong si Erick ampf.
“Oi tigilan mo ko ah, matatdyakan kita talaga pag gawin mo ulit yun,”
“Ehem,” sabat ni Ivan samin dalawa.
Hays alam ko naman in bad terms tong dalawa, pero kahit papano naging kaibigan ko din naman sila kaya ayoko ding nakikita silang ganon.
Tumahimik kaming tatlo habang pinagmamasdan namin ang dalawa enjoy na enjoy sa paglangoy sa dagat lol, parang mga ewan lang.
Ako na ang bumasag ng katahimikan.
“Gusto ko sana bumalik sa dati yung pagkakaibigan natin tatlo,”
Gusto ko magmove on na kami sa kung ano mang di magandang nangyari noon. Hindi magtatagal gragraduate na kami, kahit papano sila ang naging bestfriend ko ayaw ko naman mawala yun.
Tahimik lang ulit kami.
Napagbuntong hininga si Erick. Habang si Ivan nakatitig lang sa mga ulap.
“Sorry pare,” inabot ni Erick yung kamay niya kay Ivan.
Nagulat si Ivan, tiningnan niya si Erick, bakas naman sa muka niya ang sinseridad kaya tinanggap nito ni Ivan.
“Sorry din,”
Nagulat naman ako sa kanila.
“Wow naman, ang sweet! O e di kayo na magkakatuluyan!” asar ko sa kanilang dalawa.
Binatukan ba naman ako ni Ivan at sinuntok naman ako ni Erick sa braso, mga walangya o! ginawa pa akong punching bag, kabadtrip.
“Tumigil ka nga Dan,” sabat ni Erick.
“Ikaw lang naman mahal ko Dan e, kaya wag ka nang magselos samin,” pangaalaskang sabi ni Ivan. Natulala naman ako dun langya.
“Gag0, kahit kayo pa magkatuluyan susuportahan ko kayo!” diin ko talaga lol.
“Asus, selos naman to,” sabi ni Erick sabay dampot ng buhangin at tinapon ba naman sa akin langya.
“Oi ano ba kayo! Dyan lang ba kayo o maliligo din kayo?” inis na sigaw ni Jeremy, napansin ata niyang sila lang dalaw ni James nasa dagat.
“O tara na ligo na tayo,” anyaya ni Ivan.
“Geh” sagot naman ni Erick.
Buti naman magkasundo na ulit sila dalawa.
“Ah e kayo nalang, sunod nalang ako,” hindi ko naman talaga hilig maligo sa dagat, diba sabi ko nga pangswimming pool lang ako lol, di ako marunung lumangoy ampf.
Naghubad si Erick ng pangitaas at nilapag sa side ko, hindi ko mapigilan mapatingin sa katawan niya, pinagnanasaan ko na ata yun lol.
“Ehem” si Erick.
Lumingon ako sa kabilang dako pero nakita ko ngiting aso ang mokong kainis.
Nakita ko si Ivan parang nainis ata ewan ko ba. Tsk. Naghubad na rin siya ng pangitaas, infernes kay Ivan maputi siya sakto lang katawan niya pero may hubog na rin ng konte, hindi rin papatalo kay Erick kung kagandahan ng katawan lang, medyo may mabalahibo yung bandang pusod niya, mas klaro nga lang kasi amputi niya.
Ngumiti naman si Ivan sakin. Ano naman kaya nasa isip nito, tsk.
“Ah sige balik nalang ako sa cottage,” baka kung saan saan pa ako tumingin, hindi ko rin mapigilan na makiramdam sa kanilang dalawa na parang nagkukumpetensya ang mga mokong sa di ko malamang dahilan.
Iniwan ko na silang dalawa at pumunta sa open cottage. Sumama din naman sila kena James at Jeremy naligo.
BINABASA MO ANG
HIGHSCHOOL BROMANCE (PINOY BOYXBOY) [COMPLETE]
Dla nastolatkówHIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to life experience. Enjoy.