CHAPTER 36

6.1K 116 6
                                    

Mabilis lumipas ang bakasyon, sa susunod na week e pasukan nanaman. Kay bilis talaga ng panahon, parang kelan lang e first year highschool ako, napakainosente walang kamuwang muwang ngayon 4rth year na ako sigurado ako mas hectic ang sched namin ngayon kasi graduating, mas madaming requirements at dapat na kaming pumili ng mga colleges na papasukan namin. Whew ang daming dapat isipin pero ayoko muna pagtuunan ng pansin.


Beep Beep

1 new message received

Kay Erick pala.

Manood ka mamaya ng game namin ah, text niya.

Sumali naman talaga siya liga e kaya kahit papano hindi siya nagsinungaling sa dad niya. Nakabalik na rin dad niya kasama kapatid niya galing probinsya. 

Ah oo sige,

Wala bang good luck kiss diyan?

Adik mo ah!

O bakit?

Wala ikiss mo sarili mo!

Sus ayaw mo ba sa matatamis kong halik?

Aba at mukang trip nanaman akong asarin ng mokong to.

Batukan kita dyan e,

Sure ka? Baka hindi mo magawa yan pag mahalikan kita ehehe

Ang yabang mo din e no! Kung hindi lang kita mah...


Ay delete delete ayoko sabihin yun sa kanya, awkward lol

Ang yabang mo din e no! Ayan SEND!

Hays ang iba diyan di na talaga nagbago, kiss lang di maibigay, parinig niya sakin sa text, walangya!

Tumigil ka nga!

Ewan ganyan naman talaga ang isa dyan hays!

Umayos ka Erick ah kundi patay ka sakin!

I love you : ) 

Nagulat naman ako, may smiley smiley face pa siya ah. Hindi ko alam ano irereply ko ampf. Parang nag 20 minutes ata muna bago ako magtype ulit pero binubura ko naman agad. Nagaalangan ako. Pero sinend ko din naman sa huli.

I love you 2

Beep Beep

Ang bilis magreply ah hanep.

Alam ko : )

Ay ang yabang ng mokong na yun, kairitar! Kung bagyo lang siya aba malala pa kay Ondoy (pero syempre wala pang Ondoy sa panahong iyun). Lintek talaga naginit dugo ko sa kanya. Ewan ko bat ganun ako kaapektado sa kanya hays. 


Hindi na ako nagreply sa kanya, alam niya naman kasi hindi ako ganung type na guy na showy ng emosyon. Kum baga manhid akong tingnan, sanay na siya dun sakin.




....[]....


Nagpaalam ako parents ko na makikinood ako ng laban ng basketball sa lugar namin. Pinayagan naman ako kahit papano. Nang papalabas ako na sana ako ng gate namin narinig ko may pumaradang kotse sa tapat ng bahay namin.

Sino naman kaya yun? Baka para kena papa yung bisita. Binuksan ko yung gate at nagulat ako sa nakita ko. Kotse pala ni Ivan. 

Medyo nagtataka ako pero hinayaan ko na, siguro may magandang rason naman siya para pumunta dun.

“Bakit nandito ka?”

“Pwede ba tayong magusap?” ngumiti siya sakin, kalmado at parang malinis naman hangarin niya, “matapos nito di na kita aabalain pa, pramis.”

Medyo nagaalangan pa din ako talaga.

“Pwede naman tayo dito magusap,”

“Kung pwede sana hindi dito?”

“Bakit?”

“One last favor ko na tong hihingin sayo, pangko yan,”

“May pupuntahan pa kasi ako e, laro ni Erick ngayon,”

“Ihahatid kita sa kanya matapos natin magusap, sandali lang naman, pagbigyan mo na ako kahit man lang sa pinagsamahan natin noon, kahit na sa pagkakaibigan natin, please?”

Medyo naawa din naman ako sa kanya kaya pinagbigyan ko na, tutal sabi niya sandali lang naman.

“Sandali lang tayo ah kasi magsisimula na laro ni Erick,”

“Oo pramis,”

Sumakay na ako sa kotse niya at siya din sa driver’s seat. Tahimik lang kami sa kotse niya, medyo awkward din kasi e. 

“Kamusta ka?” tanong niya sakin.

“Ok lang,”

“Mabuti naman,” ngumiti siya kahit papano. 

Hindi na ako umimik pa at nagconcentrate si Ivan sa pagdridrive niya at guess what, yes, sa floating cottage nanaman kami napadpad. Medyo palubog na yung sikat ng araw na yun kaya maganda yung tanawin. Same spot kami umupo kung saan kami una nagkausap ng masinsinan sa lugar na yun.

“Bakit mo ko dinala dito?”

“Tahimik kasi dito,” kalmado niyang sagot pero parang may kung anong lungkot sa mga mata niya, “tsaka dito din ako nagtapat sayo,”

“Dito ko din nalaman ang ex mo,” sabat ko naman sa kanya.

Mas lalong lumungkot ang muka niya pero pinilit niyang ngumiti kahit papano.


“Matagal na yun Dan, kasalanan ko inaamin ko naman yun,”

“Huwag na natin pagusapan pa yun, nakalipas na yun, ano ba yung sasabihin mo skin?”

“Gusto ko lang sana sabihin sayo na mahal talaga kita,” seryoso niyang tono.

Pero hindi ko na siya mahal, alm na niya yun. Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Pero alam ko wala akong karapatang sabihin yan sayo, actually mas may karapatan nga si Erick sa puso mo,”

Nagulat naman ako dun, pano nasali sa usapan si Erick namin, tsk. Nakinig lang ako sa kanya pero paminsan minsan napapakunot ako ng noo.

“Nakita ko kasi kung gaano niya pinahalagahan ang pagkakaibigan niyo, kung pano niya pinahalagahan... ikaw,”

Hindi pa din ako umiimik.

“Hehe anyway masaya ako senyo,” ngumiti siya sakin, kahit papano nakita ko ang sinsiredad niya doon.

Tumahimik siya saglit. Nakatingin lang ako sa kanya.









“Aalis ako papuntang manila bukas,”









Nagulat ako sa sinabi niya.

“Teka, bakit? Pano yung 4rth year mo?”

“Doon ko na pagpapatuloy sa manila,”

“Bakit?”


Medyo nalungkot din naman ako malaman yun kahit papano. Naging kaibigan ko din naman siya e, minahal ko din naman siya. Nalungkot talaga ako. Bakit? Bakit siya aalis?



Ngumiti lang si Ivan sakin. 

“Hindi na importante kung bakit, gusto ko lang sabihin sayo yun, ayoko kasi na hindi man lang tayo magusap bago ako umalis.”


“Pero sayang ang 1 year mo?”


“Basta lagi mo tandaan, naging masaya ako nang makilala kita, huwag mo sana ibaon sa limot pinagsamahan natin, sana kahit may masama man akong nagawa sayo, naging parte din ako ng buhay mo kahit papano, huwag mo sana ako kalimutan,”


Naiiyak na siya nung sinasabi na niya iyun.


Badtrip naman oh, pati ako napaemo sa kanya. Hays!


“Ivan...”


“Tara na hatid na kita kay Erick,”


Ang bigat ng loob ko nung gabing yun. Kahit papano naging parte naman talaga siya ng buhay ko e. Ayaw ko siya mawala. Naging kaibigan ko siya e. Hays! Ambigat bigat ng nararamdaman ko. Naiiyak ata ako lintek na.

Wala akong imik s kotse ni Ivan, siya din walang imik. Pareho kaming tahimik lang habang papunta sa venue ng laro. Mga ilang saglit pa e nakarating na kami. 

“Ivan,” sambit ko habang nasa loob pa ako ng kotse.

“Oh?”

“Bestfriends tayo diba?”

Napangiti siya sakin, “Oo naman,”

“Pomise?” 

“Promise.”


Niyakap niya ako, ang higpit ng pagkakayakap niya sakin. Niyakap ko na rin siya. Sa oras na yun nahanap ko ang kaibigan kay Ivan. Hindi man siya perpekto pero bahagi na rin siya sa buhay ko.

Lumabas na ako ng kotse niya.


Pero bago ko sinara ang pintuan niya ngumiti ako sa kanya tsaka habilin ng,




“Hindi kita makakalimutan,”



Napangiti siya sakin at nakita ko sa mata niya na sumaya siya sa oras na yun. Saka ko na sinara ang pinto at nagbabye sa kanya. Umalis na rin siya matapos.


Naglakad ako papunta sa basketball court, di ko namalayan nakatingin pala sakin si Erick, mukang kanina pa pala siya sa lugar niya. Hinihintay niya ako habang papalapit ako sa kanya.

“Kanina ka pa diyan?” 

“Ah medyo,” pakalmado niyang tono, pero alam ko yung tono na yun, tipong may pahiwatig ayaw lang niya sabihin.

“Inihatid ako ni Ivan,”

“Ah ganun ba,” parang walang kaemoemosyun niyang sabi, nagpipigil toh alam ko.

“Teka bago ka magisip ng kung ano, papagsalitain mo muna ako,”

“Wala naman ako sinasabi ah,”

“Kilala kita, ganyang mga tono mo, sus alam na alam ko mga pahiwatig mo,”

“Huwag ka naman masyadong magassume, Oh e ano naman ngayun kung magkasama kayo ni Ivan,”

“O bat galit ka?”

“Hindi ako galit,” padabog niyang sabi, halata naman LOL, kacute niyang magselos.

Yung ibang teammate niya andun na sa loob ng court nag wawarm up. Siya lang yung nas labas ng court kasama ko malayo sa crowd.

Kinuha niya yung bola na hawak hawak niya tsaka hinagis ng padabog, hindi ko alam kung san pumunta yun pero nakatuon ng pansin ko kay Erick.

“Para kang bata kung magtampo,” 

“Bakit ba kayo magkasama ng Ivan na yun?” Inis niyng sinabi.

Napangiti ako sa kanya, seloso pala ang mokong nato di ko namalayan LOL.

“Bat ngingiti ngiti ka diyan?” naiiritar niyang sinambit.

Lumapit lang ako sa kanya, hindi naman siya kumibo. Niyakap ko siya, mukang nabigla si Erick sa ginawa ko kasi wala siyang masabi. Natameme siya habang yakap yakap ko siya. 

Ok lang naman yakapin ko siya kasi wala nga masyadong tao sa side namin tsaka gabi yun.

Mga ilang minuto kaming ganun, pakiramdaman lang habang yakap yakap ko siya. 

Napagbuntong hininga siya. Ibig sabihin ok na siya, hindi na mainit ulo niya.

“Bakit ba kayo magkasama?” mahinahon na niyang tinanong.

“Gusto daw nya akong kausapin,” binitawan ko na siya sa pagkakayakap. Medyo kumalma naman na yung expression niya.

“Tungkol saan?”

“Gusto niya magpaalam sakin, aalis na daw siya papunta Manila doon na siya magaaral this school year,”

Tumahimik si Erick. Tiningnan lang niya ako, tipong parang gusto niyang sabihin andun lang siya kung kailangan ko.

Mga ilang saglit pa e binatukan ako ng mokong na yun, ampf.

“Aray para san yun?”

“pinagselos mo ko,”

Lintek na LOL, sabi ko na nga ba, kilala ko na talaga paguugali niya. Napangiti lang ako sa kanya habang himas himas ko ulo ko. Kung makabatok kasi parang walang bukas sarap tadyakan.

“tara na magsisimula na game niyo baka hinahanap ka na ng kateam mo,”

Pero bago kumibo si Erick bigla ba naman akong hinalikan, smack lang naman at ngumiti siyang nang-aalaska, kairitar.

“Sabi ko sayo kukunin ko good luck kiss ko diba?” abot tenga ngiti niya ampf.


Kahit kelan talaga binibigla ako ni Erick, mamamatay ako sa highblood sa kanya lintek talaga.

Masaya siyang bumalik sa court at sumenyan na OK sakin. Namula ata ako dun, ampf. Pero masaya ako sa gabing yun. Malungkot man sa umpisa, pinasaya naman ako ni Erick sa huli.

HIGHSCHOOL BROMANCE (PINOY BOYXBOY) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon