Now Playing: Prettiest Friend

14.9K 190 9
                                    

#5 Prettiest Friend by Jason Mraz

><><><><><><

She texted him, "Vice ok lang ba na tumawag ako?:)"

Before she even had the chance, he was already calling her.. "Hi K!!! Oo naman, ano ka ba?!"

"I mean, maybe you’re busy preparing for your concert and all. . . ." sagot ni Karylle sabay smile sa kabilang line. 

"It’s ok. Katatapos lang naming mag-rehearsals. I have half an hour of down time bago mag-prepare. At naman, si Cinderella ang tumatawag sa akin! Sino ba ako para hindian siya?" sagot ni Vice na napa-kagat ng labi at ngumiti. 

"Eh syempre, a princess like me ay hindi basta-basta tumatawag kahit kani-kanino lang. Sino pa ba ang tatawagan ko kundi ang aking royal horse. I mean, royal Prince?"

He laughed pero pinigil nya rin ito, "Baliw! Ay, si Bernard napatingin. Ikaw kasi, napalakas tuloy tawa ko. Anong balita sayo dyan?"

"Eto, busy na naman sa rehearsals tapos Showtime... Kakapal na naman ang eyebags ko nito. Ikaw, kumusta na ang concerts mo dyan?"

"I’m so happy dahil nakikita ko ang mga fans na natutuwa sa mga performances ko."

"I could definitely relate to that. Alam mo ba na isa sa mga pangarap ko ay makapag-concert tour with you?"

"Naku, kung guest kita, malamang mas bongga pa 'tong concert ko. May apoy apoy, kain kain ng kung anong exotic na animal.. Parang yung sa anniv prod nyo ni Anne?"

"That was so much fun!"

"Pero totoo lang Kurba, out of this world yang boses mo eh!" 

"Huy! Huwag ka masyadong ma-insecure sa boses ko. But seriously, I would love to be one of your guests. I certainly enjoy our Showtime  impromptu duets. At obvious naman na you enjoyed it too. Don’t deny that!"

"Oo na, sige na, nag-enjoy din ako. Hahaha"

"Performing with you is such an experience. But do you know what I would love more?"

"What?" tanong ni Vice na napa-upo ng maayos sa chair at hinintay ang sagot ni Karylle. 

"Mas gusto ko na nasa audience ako just watching you. Kahit paulit-ulit kitang papanoorin, hindi ako magsasawa. I am a fan and will always be a fan."

"Ay suuus!"

She chuckled and then became serious, "Hindi nga. Kahit na siguro uugod-ugod ka na at nakatungkod habang nagpe-perform, panonoorin pa rin kita."

"Hahahaha, Karylle! Uy kinikilig ako ano ba!" he said while covering his face dahil totoong nag b-blush na sya kahit nasa kabilang mundo yung kausap nya. 

The Vicerylle Playlist | OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon