#14 Now Playing: All I Want (Cover) by Ellie Goulding
(Song in the multimedia section. Listen to the song first para mas feel)
-
"Our love was made for movie screens."
-
"What the hell happened?!" tanong ni Anne as she rushed inside the building. Si Vhong ang sumalubong sa kanya at dinala sya sa grupo nila. Nakita nya ang traumatised looks ng mga kaibigan at ka-trabaho nya. She saw Coleen crying on Billy's shoulder kaya naman nilapitan nya ito at hinaplos ang ulo. Billy looked up, and Anne noticed his pokerface, but alam ni Anne na act lang nya ito para magpaka strong in front of everyone. Juggy was hugging his girlfriend, si Teddy naman ay nakatayo sa isang sulok kasama ang asawa nito, si Kuya Kim, Ryan, at iba pang staff ng Showtime.
"Where's Karylle?"
Inakbayan sya ni Vhong at inikot sya to show where Karylle is. Kasalukuyan itong nakikipag argue sa security na nag b-block ng daan papunta sa studio ng Showtime. Nagmamadali namang pinuntahan nina Anne at Vhong si Karylle at tumayo in between her and the security guys she was arguing with.
"Teka lang sir, ano po bang nangyayari dito?" sabi ni Anne at tiningnan si Karylle then the men.
"Hindi ako mapapakali dito hangga't hindi ko alam ang nangyayari sa loob, Anne! Sir, sige na, kailangan kong pumasok sa loob." sabi ni Karylle na nagmamakaawa na.
"Ma'am, for the last time, you can't go in there. We can't let any civilians until the suspect has been arrested. It's for your own safety." said one the men.
"K.." sabi ni Anne at niyakap ang kaibigan. Pumalag naman agad si Karylle at tumalikod kina Anne at Vhong para hindi nila makita na umiiyak na naman sya.
"Kailangan ako ni Vice." she said while she still had her back turned to her friends, "Anne, ka-kailangan ako ni Vice..."
Hinawakan sya ni Vhong sa isang balikat at naglakad para mapunta sa harap ni Karylle. He lifted her chin and looked her in the eyes, "Mas kailangan ka ni Vice ng buhay. Delikado na pumasok ka dun, wala tayong kaalam alam tungkol sa hostage taker. Hindi natin alam kung ano ang gusto nya at sino talaga ang habol nya."
"K, we just have to trust the police to their job." Anne added hugging Karylle from behind.
Lumayo si Karylle sa dalawa at tumingin sa baba. Tiningnan din nya yung mga security na kausap na yung head bosses ng network.
"I'm sorry." sabi niya at biglang tumakbo papunta sa studio.
Nanlaki naman ang mga mata nina Vhong at Anne kaya without hesitation ay sinundan din si Karylle.
Bigla namang nag panic lahat ng tao na nasa main floor, lalo na yung security na kanina lang ay kausap ang mga bosses.
"This is SPO2 Cuevas, 3 civilians just sneaked into the studio. Over." sabi ng isa sa mga police through his intercom.
"SPO2 Mendiola, paano nangyari yun? Over." sagot namna ng isa sa mga police na nasa studio.
"This is SPO3 Co, wala ng oras para magtalo pa. Nakikita ko na sila. Kami na ang bahala, Mendiola, bantayan nyo na lang ang mga tao dyan sa baba."
-
"Excuse me, mam, you're going to need to go back downstairs." sabi ni SPO3 Co kay Karylle na nasa tapat ng dressing room ni Vice.
"No. I have to see him, I have to make sure--"
"K, please... We need to go." sabi ni Anne na hinahatak sa braso si Karylle.